CHAPTER 17

3K 91 46
                                        

SAMANTHA's POV

"J-Josh."

I uttered Josh's name. Nagulat ako dahil pakabukas ng mga mata ko ay siya ang bubungad sakin, nakatitig pa.

"S-Sam, good that you're awake. How are you?" he asked.

"Still the same." I said at pumikit ulit.
Masakit pa rin yung ulo ko and nilalagnat pa rin ako.

I felt his hand touched my forehead. I also heared him sighed.

"Do you want to eat? Bumili ako ng soup kanina, kailangan nalang iyon initin. You have to eat para makainom ka ulit ng gamot." he said.

I just slowly nodded my head at dahan-dahan na rin akong bumangon sa pagkakahiga.

"Dadalhin ko nalang dito yung pagkain. Dito ka na lang kumain para di ka na mahirapan." sabi niya pa pero umiling lang ako. "Bababa nalang ako." sabi ko. Saglit pa siyang nakatingin sakin kaya tinignan ko rin siya. "Kaya mo ba?" he asked. Tumango naman ako.

Wala nang nagawa si Josh. Inalalayan niya nalang ako hanggang sa makababa kami.

Dumiretso kami sa kitchen at inalalayan niya pa akong maupo sa upuan sa lamesa. I noticed the fruits na nasa table, sa pagkakatanda ko ay wala iyon kanina so I assume na galing iyon sa kaniya.

Nakaupo lang ako. I'm watching him move. I can't believe that Josh is preparing food for me, ganito talaga siguro siya ka-caring sa naging past relationship niya, kung meron man siyang sineryoso.

Maya-maya lang ay bigla ulit akong nabahing kaya napatingin siya sakin.

"Sorry." I apologized.

After a few minutes ay tapos na niyang initin yung soup na binili raw niya kaya binigyan na niya ako non.

"Ikaw? Kumain ka rin." sabi ko sakaniya. Baka kasi hindi pa siya kumakain tapos siya naman sunod magkasakit.

"Later." he said and he sat in front of me, bale magkaharap kami ngayon sa table.

"Kumain ka na, isa. Hindi ko 'to kakainin kung di ka rin kakain." sabi ko.

Akala ko ay kakain na rin siya pakatapos ng sinabi ko pero hindi. Nakatingin lang siya sakin.

"Dalawa." pagbibilang ko pa.

Hindi pa ulit siya kumibo kaya ang ginawa ko ay hindi rin ako kumibo. I know I'm being stubborn right now kahit na masama ang pakiramdam ko but I'm just concerned to him. I'm concerned to his health.

"Kain na." he said pero di ko pa rin ginagalaw yung pagkain na inihanda niya.

Seconds after, nang hindi pa rin ako kumakain ay bumuntong hininga siya tsaka kumuha ng pagkain niya. Tsk. Kakain din pala, nagpapilit lang.

We ate together. Infairness, ang sarap ng soup na dala niya.

"Ang sarap nitong soup ha." I said to him. "Ofcourse. Doon 'to sa Restaurant na kinainan natin dati ko 'to binili." he said. Napatango nalang ako.

"Hey, di mo pa ubos oh." sabi ni Josh nang tumayo na ako mula sa pagkakaupo, iiwan ko na sana muna siya roon at yung pagkain ko na hindi ko naubos, konti lang kasi kinain ko. "Ayoko na, wala pa ako masyadong gana." sabi ko. "Uminom ka ulit ng gamot." paalala niya pa na tinanguan ko nalang.

Bumalik ako sa taas sa kwarto para kunin yung gamot ko at agad ko iyong ininom. Pakatapos ay bumalik na ako sa baba. Nakita kong hinuhugasan ni Josh yung pinagkainan. Bigla tuloy ako nahiya, siya yung bumisita rito pero siya pa naghuhugas. But I'm not feeling well so I hope he understand.

Dumiretso ako sa sala at umupo sa sofa. I opened the TV tsaka ako nanood.

Bigla nalang may nahagip ang paningin ko. I saw Josh's things. Yung laptop, cellphone at yung mga papeles na nasa office. What? Bakit nandito 'to? Hindi rin nagtagal ay lumapit siya sa pwesto ko tsaka naupo sa tabi ko. He's facing his laptop now.

"Ba't nandito mga gamit mo?" I asked him, confused.

"Dinala ko rito." he simply said. "Bakit naman?" tanong ko pa ulit. "Siyempre, para nababantayan kita rito tapos nagagawa ko rin yung trabaho ko." he asnwered. "But you really don't have to do this. Naaabala pa kita magtrabaho." I said, feeling guilty. "No. Gusto kong alagaan ka Sam, babantayan kita rito. I'm the boss so listen to me, okay?" he said.

Wala na akong nagawa kaya hindi nalang ulit ako nagsalita. Bahala na siya.

I just focus sa movie na pinapanood ko while Josh is busy on his laptop. Mabuti nalang at iyon lang ang gagawin niya ngayon, wala siyang meeting kaya medyo nabawasan ang pagka-guilty ko na pagka-abala sa kaniya.

Maganda yung movie not until may nangyaring kissing scene. Akala ko hanggang doon lang talaga pero nagulat ako sa sumunod na scene. Bed scene pala ang kasunod. I felt a little awkwardness. Sinulyapan ko si Josh, mabuti nalang at naka-focus pa siya sa laptop niya kaya hindi niya napansin ang pinapanood ko. Nang kukunin ko na sana ang remote para ilipat ang pinapanood ko ay hindi ko iyon makapa sa tabi ko.

"Hey, nakita mo yung remote?" I asked Josh.

"Nandito sakin, bakit?" he answered, bahagya akong nagulat. "U-Uh, akin na. Ililipat ko lang yung pinapanood ko." I said. "Bakit? Maganda naman yan dib- oohh" patay. Nakita niya.

Awkward.

Maya-maya ay narinig ko siyang natawa ng mahina kaya napatingin ako sakaniya.

"Sus, yan lang pala e. Parang first time mo lang makapanood." he said kaya hinampas ko siya.

Oo, aaminin kong ilang beses na akong nakapanood ng mga bed scenes na yan pero kasi awkward lang dahil may kasama ako ngayon, tapos siya pa.

"Don't worry, you'll experience that soon." he added kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Akin na nga yan!" sabi ko sabay agaw ng remote sakaniya.

Agad kong inilipat sa ibang channel ang pinapanood ko. Inilipat ko yun sa puro music video lang ang pinapalabas para may music naman. Ilang oras din ako nanonood hanggang sa di ko namalayang inaantok na pala ako kaya napasandal ako sa balikat ni Josh at nakatulog.

I just woke up na nasa kama na ako. Wait, as far as I remember ay nasa sala ako at nanonood. Wait, isa lang ang ibig sabihin nito. Josh carried me?! Wala nang ibang gagawa non kundi siya, siya lang naman ang kasama ko.

My Boss, My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon