CHAPTER 20

3.7K 99 51
                                        

It's four in the afternoon at nandito lang ako sa office. Wala naman akong gagawin na importante na dahil mabilis kong natatapos ang trabaho ko. Naghihintay nalang ako na mag-uwian ng mga empleyado tapos makakauwi na 'ko. Hindi naman pwede na basta-basta nalang akong umuwi.

"Sam" Josh called me. Lumapit siya sakin and I raise my brow at him. "Yes?" I asked.

"I'm going out tonight, with my friends." he said. "Then go out, walang pumipigil." sabi ko.

Ba't ba kailangan niya pang sabihin yan, kailangan ba?

"Inuman daw." sabi niya pa. "Okay? Wag ka lang sosobra." sabi ko.

"Really?"

Tumango naman ako. I think that there's no reason para pagbawalan ko siya diba? And isa pa, kaibigan naman niya mga kasama niya. Matitino naman sila.

"I'll take that opportunity para makausap si Justin." sabi niya pa.

"Di naman siya umiinom ah?" sabi ko.

Yun ang sabi ni Justin noon nung nasa Resort kami. Silang dalawa ni Ken hindi raw sila umiinom.

"Hindi nga pero sumasama siya samin." he said. "A-Ano namang pag-uusapan niyo? Wag mong sasabihin sakaniya yung mga kinuwento ko sayo, please?" paki-usap ko.

Ayokong maweirduhan sakin si Justin. Ayokong isipin niya na basta-basta nalang akong nagkukwento lalo na't marami silang pagkakaparehas ng kapatid ko. And ayokong malaman niya na iniisip ko na kapatid ko nga siya.

Bagong kakakilala ko palang sakaniya tapos kaibigan pa siya ni Josh. I just don't want to have a bad image to him.

"Don't worry, I won't tell him that. Trust me, okay?" Josh said, he even held my hand.

I just nod at him and lightly smiled.

Nagpalipas pa muna ako sa office ng oras bago umuwi. As usual, hinatid ako ni Josh sa bahay. Sinasanay na ata ako.

"Yung sinabi ko ah." paalala ko kay Josh bago ako bumaba ng sasakyan niya.

Nandito na kami sa tapat ng bahay, nahatid na niya ako.

"Yes, hindi ako sosobra ng inom." sabi niya. "Hindi lang yan, yung isa pa." sabi ko. "Promise, I won't tell anything to Jah." tinitigan ko pa muna siya bago ako umiwas na ng tingin.

"Siguraduhin mo lang." sabi ko. "Yes love."

Nagulat ako sa sinabi niya. Agad akong napalingon sa kaniya, and I saw him smiling.

"Love ka jan!" saway ko sakaniya.

Ayoko mang aminin pero kinilig ako. He just called me love, sinong hindi kikiligin doon?!

"That will be our callsign once na tayo na." he said.

Hindi nalang ako nagsalita. Bumaba na ako sa kotse niya. Kumaway pa siya sakin, ganon din ako sakaniya bago siya nagdrive na paalis.

I can't stop smiling hanggang sa makapasok ako ng bahay. Love raw eh.

Naabutan ko si Mama sa sala. Madalas siyang nandito, hinihintay niya ako. Sinasabi ko rin naman sakaniya kung maaga akong makakauwi or late para alam niya. Dumiretso ako sa kwarto at nagbihis. My mom and I eat dinner together, hindi na kasi kami ni Josh kumain kanina sa labas. Minsan kasi ay yun ang ginagawa namin kaya hindi na ako nakakakain ng dinner dito sa bahay.

"Sam." napatingin ako kay Mama nang tawagin niya ako. Nandito na ako sa kwarto. "Yes Ma?" tanong ko.

Tuluyan na siyang pumasok at umupo sa kama ko. "How's your day? Your work?" she asked. "It's fine Ma. Maayos naman po yung trabaho ko, masaya ako." sabi ko at ngumiti.

Mom just nod his head, she also smiled at me. Maya-maya lang ay pumasok ulit sa isip ko si Justin, na kapatid ko. Napatitig ako kay Mama, gusto ko siyang tanungin kung kamusta na yung pagpapahanap niya.

"Ma, kamusta nga pala yung pagpapahanap mo kay Jah?" tanong ko.

Napabutong-hininga si Mama. Dahan-dahan siyang umiling. "There's no progress. Naiinip na nga ako." she said.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko para kay Mama, hindi ko alam kung anong magiging reaction ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko pwedeng sabihin sakaniya na may kakilala akong kapangalan ng anak niya.

Napabuntong-hininga nalang din ako. "Mahahanap din natin siya Ma." sabi ko at ngumiti.

Ngumiti rin si Mama. Tumabi ako sakaniya tsaka ko siya niyakap.

Lumabas din kaagad si Mama sa kwarto. Nang ako nalang mag-isa ay humiga na ako sa kama.

Napaisip nalang ako kung ano na ang mangyayari.

Maya-maya ay biglang tumunog ang phone ko kaya kinuha ko iyon.

There's a text from Josh.

J: We're here already at the bar.

Yun lang ang text niya. Tinitigan ko pa muna iyon ng matagal. Hindi ko alam kung magrereply ba ako o hahayaan ko nalang. Bandang huli ay nag-reply nalang ako.

S: Okay.

Hindi ko alam kung yan ba ang tamang reply sa text niya. Hinayaan ko nalang, kaysa naman hindi ko siya replyan.

Tinignan ko pa muna ang orasan. It's already nine in the evening. Huh, kung kakarating palang nila sa bar, anong oras sila makakauwi?

Isinawalang-bahala ko nalang iyon. Natulog nalang ako dahil medyo inaantok na ako.

My Boss, My HusbandMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon