After the day na walang pasok ay bumalik na kami sa trabaho. Sabay din kaming pumasok ni Josh sa company. I greeted Ms. Pia when I saw her at the lobby.
"Hi Ms. Pia! Kamusta kahapon?" pangangamusta ko sakaniya.
She smiled at me tsaka lumapit sa akin. "Okay lang, ikaw? Nagdate kayo ni Sir Josh?" She's back sa pang-aasar sa akin, sinundot pa nga ako sa tagiliran.
"Ah, no." sagot ko at napaiwas ako sakaniya ng tingin nang maalala ko yung ginawa namin kahapon ni Josh. Myghod.
"Weh?" hindi talaga siya naniniwala ha.
I sighed before answering her. "May ginawa kasi kaming importante." sabi ko nalang at agad na nagpaalam na sakaniya. Hindi na ako nagtagal dahil alam kong magtatanong siya. I can't tell her that easy.
The day went busy for us. Lalo na yung mga ibang empleyado sa baba, kapag napapadaan ako doon ay nakita kong busy talaga sila. They are showing their efforts and yung pagiging team nila for the company. No wonder why the company is very successful, bukod sa may magaling na CEO meron din itong dedicated and hardworking employees.
Medyo naging mahigpit ang schedule ni Josh dahil ilang meetings ba ang dinaluhan niya, umaga't hapon pa iyon. Alam ko na hindi niya napapansin ang oras kapag busy siya but I'm there to remind him, kapag oras na ng lunch or snack ay inaaya ko siyang kumain.
The day passed, hinatid na ako ni Josh sa bahay. Kumain naman na kami ni Josh sa labas ng dinner kaya hindi na ako kumain sa bahay. Naabutan ko si Mama na nagpapahinga na. Nag-usap lang naman kami, kinumusta namin ni Mama ang isa't isa dahil wala ako sa bahay kahapon. Pakatapos ay nagpahinga na ako. Nakatulog din kaagad ako dahil sa pagod.
Mabilis na lumipas ang mga araw. Marami rin kasi kaming ginagawa sa company kaya hindi ko na rin namamalayan ang mga araw na lumilipas.
"Love, yung meeting mo mamaya kay Mr. Del Valle ha, siputin mo na iyon." pagpapaalala ko kay Josh.
Mamayang hapon na kasi nakaschedule yung meeting niya kay Mr. Del Valle and I make sure na matutuloy na talaga iyon. Nakakahiya naman kasi doon sa tao.
"Yes love. I won't forget." he said and took a glance of me, pakatapos ay ibinalik na rin niya ang tingin niya sa laptop niya.
I sighed and nodded. Tatayo na sana ako at babalik na sa mini office ko kung hindi lang nag-ring ang phone ko. Napatingin naman ako sa phone ko, nang tignan ko si Josh ay nakatingin na rin siya sakin. I looked at the caller ID, wait, it's from the Laboratory from the DNA Testing Center.
I immediately answered it.
"Hello, goodmorning." I answered the call.
"Hello Ma'am, is this Ms. Samantha Gonzales?"
"Yes it's me." I said.
"Ma'am, I would like to inform you that the result of the DNA test is ready. Pwede niyo na pong kunin iyong result dito." I gulped, the result is out now.
"Oh, o-okay. Thank you. Kukunin ko nalang mamaya." I said.
"Okay, thank you Ma'am."
I ended the call after that. Napatulala nalang ako. Until I felt Josh's hand held my hand kaya napatingin ako sakaniya. He's looking at me worriedly.
"Who's that love?" he asked.
"It's from the DNA Testing Center. It said that the r-result is ready."
I saw a small smile flashed on his lips. "Then it's a good thing. Mababawasan na yung mga tanong na nasa isip mo."
Tama naman siya, mababawasan nga. Pero hindi ko maiwasan na kabahan. Hindi ko alam kung anong kinalabasan ng resulta.
BINABASA MO ANG
My Boss, My Husband
FanfictionJosh Cullen Santos, the CEO of the biggest company in the country. He almost got everything he needs. Money, house, his company, ano pa ba? Isa lang naman ang wala pa siya e, girlfriend. His parents wants him to get married before he turns 30. Pinip...