CHAPTER 12

3K 90 6
                                    

JOSH CULLEN's POV

Lumabas na ako sa kwartong tinutuluyan ni Sam. Sinabi ko na magpahinga na siya dahil bukas na umaga nalang kami aalis. Actually, after lunch dapat kami uuwi but because of what've just happened,  I decided na umaga nalang. Hindi naman na siya makakapaglibang dito kung, dito pa mismo sa lugar na 'to siya nabastos.

It's a good thing na naabutan ko pa siya kanina. That fuckin' guy could've done worst kung hindi pa ako dumating. That guy harrassed Sam, gago siya. Sobrang laki na talaga ng galit ko sa mga lalaking kagaya niya, yung mga nanghaharrass, nambabastos, mga rapist, galit na galit talaga ako sa kanila. Di ko makakalimutan yung ginawa ng katulad nila kay Ate. Yung asawa ng Tita ko, muntikan ng i-rape si Ate dati, mabuti nalang at dumating din ako kaya hindi na natuloy yung masamang balak niya.

"Oh, Josh, inom." alok ni Stell ng alak sakin.

Tinanggp ko iyon, isang bote lang naman. Tinignan ko sila kung may iba pa ba silang iniinom pero wala na. "Tama ng inom. Aalis na bukas ng umaga. Sasabay na ba kayo samin or papahuli kayo?" tanong ko sakanila.

"Sasabay siyempre." sabi ni Paulo.

I nodded and just stayed silent.

I try to focus my attention on my phone pero kusa nalang talaga pumapasok sa isip ko si Sam. Mahal ko na ata talaga siya. This may sound cringe but everytime Sam is around, my heart will automatically beat fast. Yung nararamdaman ko ngayon kay Sam ay hindi ko naramdaman sa mga past flings ko, ganito ata kapag mahal mo yung tao. Noong malaman ko na gusto ko na talaga si Sam ay nag-iingat pa rin ako sa mga actions ko. I'm still acting as a boss to her kapag nasa harap kami ng mga empleyado ko sa company and a friend to her kapag kami nalang ang magkasama. But unfortunately, napaamin ako ng nararamdaman ko sa kaniya ng wala sa oras. I felt jealous nang tanungin niya ako about Justin. Akala ko gusto na niya si Justin, yun pala ay tungkol sa kapatid niya na Justin din ang pangalan.

Nakalimutan ko na dapat ngayon ako magkukwento kay Sam ng tungkol kay Justin. Pero hindi bale na. Maybe tomorrow habang nagbabyahe kami pauwi or some other day, tsaka ko nalang siya kukwentuhan.

Tumagal pa ng kalahating oras sina Paulo uminom. Pinabayaan ko nalang silang ubusin yung iniinom nila, basta pinaalalahanan ko na sila na maaga pa kami bukas. Nang matapos sila sa inuman nila ay bumalik na ako sa kwarto ko. Si Ken at Stell ang magkasama sa room kung saan sila uminom at sina Jah at Paulo naman ay nasa kabilang room.

I knocked three times on Sam's door. It's already morning, malapit na mag 7 AM. It took a while before Sam open the door.

"Goodmorning, let's eat breakfast doon sa baba." sabi ko.

"Morning. Nasan yung friends mo?" she asked nang makitang wala akong kasama.

"Sa room pa nila, tara katukin na natin." I said.

She just nod her head. Pansin kong medyo antok pa siya dahil minsan ay humihikab pa siya at kanina ay kinukusot-kusot niya pa ang mga mata niya. Kakagising niya lang din ata.

Nang katukin na namin sa kani-kanilang room sina Stell ay mabuti na lang at gising na rin sila. Akala ko tulog pa, nalasing pa naman kagabi.

We head to the Restaurant sa baba. Doon kami nag-breakfast.

I noticed na hindi nagsasalita si Sam, abala lang siya sa pag kain so I got bothered. Since magkatabi lang naman kami ay bumulong ako sa kaniya. "Is there something wrong Sam? Kanina ka pa tahimik, hindi ka nagsasalita." I whispered.

Bahagya siyang nagulat sa pagbulong ko dahil umusog siya palayo sakin atsaka lumingon.

"A-Ah, w-wala" sabi niya, nauutal pa nga.

I looked at her worriedly but she just smiled at me. Hindi nalang din ako nagsalita, maybe she doesn't want to talk about what's bothering her. Nirespeto ko nalang at hindi na nagtanong pa.

"Mag-ayos na kayo ah, aalis na tayo." sabi ko sa apat. Pabalik na kami ng rooms namin.

Mag-aayos na kami atsaka aalis na mamaya. Sam is still silent while we are heading to our rooms and I'm so bothered with that. Diretso na siyang pumasok sa room niya.

Wala na akong nagawa kaya pumasok nalang din ako sa room ko. Nakaayos na yung mga gamit ko.

I took a shower, mabilis lang atsaka nagbihis. Casual lang ang suot ko, tutal pauwi naman na.

Nang matapos akong mag-ayos ng sarili at magbihis ay lumabas na ako ng room dala ang gamit ko. Halos sabay lang kami nina Stell lumabas ng room.

"Katukin mo na yung dalawa diyan." sabi ko sakaniya sabay turo sa pinto nina Ken.

Tumango na nga siya. Pero hindi siya kumatok, dumiretso nalang siya papasok kaya napailing nalang ako. Ako naman ay sa pinto ng room ni Sam kumatok. Agad naman niya iyong binuksan. Nakabihis na siya at ready na rin umalis.

"Akin na yan Sam, ako na magdadala." I said, referring to her bag kung saan yung mga gamit niya.

"Wag na Josh, may dala-dala kana oh." sabi niya sabay turo rin ng bag na hawak ko kung nasaan yung mga gamit ko.

"Magaan lang naman 'to. Now akin na yan." I said.

Wala na siyang nagawa at binigay niya nalang sakin yung bag niya. Magaan lang din naman iyon. Kompleto na kaming lahat at bumaba na kami, lumabas na kami ng hotel.

"Ilang kotse pala dala niyo?" tanong ko sa apat.

Nakalimutan kong itanong iyon sa kanila. Imposible na mag-commute 'tong mga 'to papunta rito. May mga kotse naman sila.

"Isa lang, yung kay Kuya Pau. Siya nag-aya na sumunod sainyo eh." Justin said.

Tumango nalang ako.

Just as I thought, si Paulo nga ang nag-aya sakanila. Siya lang naman kasi nagtanong kung saan kami pupunta.

Yung apat ay sa kotse na ni Paulo sumabay. Si Sam naman ang kasama ko syempre.

"Josh, play lang ulit ako ng music ah." Sam suddenly said nang makaalis na kami.

"Sige." sabi ko.

Nagplay na siya ng music.

Saka ko naalala na inaantok pa pala siya.

"You can sleep Sam, alam kong inaantok ka pa." sabi ko sakaniya.

I saw her pout, ang cute. Sumandal lang siya at tumingin sa labas ako naman ay ibinaling ko kaagad ang tingin ko sa daan. Dumaan ang ilang minuto, tahimik siya. Nang lingunin ko siya ay tulog na pala siya. Antukin din pala 'to.

My Boss, My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon