Normal day lang ang meron ngayon. Sa isang buwan na pagtatrabaho ko bilang secretary ni Sir Josh ay hindi naman ako natatambakan ng mga gawain. Hindi naman kasi si Sir Josh kagaya ng ibang CEO na pinapagawa pa sa secretary nila yung kailangan nilang gawin kahit kaya naman ng oras nila.
According to him, hangga't kaya pa niya, kung may oras pa siya para gawin iyon ay siya na ang gagawa. Ako naman ay iniintindi ko lang yung mga schedules niya at nireremind ko sa kaniya iyon. Makakalimutin pa naman siya.
As days passed ay mas lalo ko siyang naaappreciate. One time, nakita ko siyang nakatayo lang sa may labas ng building sa baba tapos may nakita siyang pulubi and then binigyan niya iyon ng pagkain tsaka pera. Josh really has a good heart.
"Titig na titig a, baka matunaw na ako niyan?" biglang sabi ni Josh, as usual nandito lang kami sa office niya, kaming dalawa lang.
"Wait, hindi." nagulat ako, hindi ko alam sasabihin. "Ano kasi" sabi ko at huminto.
He raised a brow at me. "Ano, crush mo na ko? Magcoconfess ka?" biro niya pa.
Agad naman akong umiling. "Hindi! Baka ikaw lang may crush sakin e." biro ko pabalik sa kaniya.
Napalunok naman siya at umiwas ng tingin. Anyare sakaniya?
I cleared my throat before I speak.
"Ahm, Josh." tawag ko sa kaniya.
Lumingon naman siya sakin.
"Pwede bang half day lang ako pumasok bukas? Tatapusin ko naman kaagad yung trabaho ko tsaka aayusin ko agad yung schedules mo. Sasamahan ko kasi si Mama sa hapon sa monthly check up niya." I said at bahagya pang nahiya. Nakakahiya naman kasi, kaka-isang buwan ko lang sa trabaho aabsent kaagad ako.
"Sure, it's okay. Gusto mo wag ka na munang pumasok bukas para may kasama Mama mo." sabi niya pa.
Umiling naman ako. "No. Hapon lang ako hindi papasok." sabi ko naman.
Tumango nalang siya. Sinabi niya na bahala na lang daw ako kaya nagpasalamat ako sa kaniya.
The next day ay maaga akong pumasok ng office. Maaga kong sinimulan yung mga kailangan kong gawin. Inuna ko muna syempre ang schedules ni Josh. May isang meeting lang siya pero umaga iyon kaya nandito pa ako. After lunch naman ako uuwi.
"Josh, do you want coffee? Bababa ako sa cafeteria, baka may gusto ka?" I asked him pero umiling lang siya kaya lumabas na ako.
I can say that Josh and I are getting along well with each other. We are both comfortable kahit na kaming dalawa nalang sa office ang magkasama. Kahit na sa pangalan nalang namin tinatawag ang isa't isa ay hindi pa rin namin nakakalimutan na maging pormal kapag nasa harap kami ng mga empleyado niya.
Bumaba ako gamit ang elevator papunta sa cafeteria to buy snacks. After 30 minutes na kasi yung meeting, e baka magtagal kami doon kaya kakain muna ako para hindi ako magutom.
Pakabili ko ay agad na akong bumalik. Inalok ko pa si Josh kung gusto niya nung kinakain ko pero umiling lang ulit siya kaya sinabi kong sa mini office na muna ako, may titignan lang.
Lumipas na nga ang kalahating oras at papunta na kaming dalawa ni Josh sa conference room.
As his secretary, dala-dala ko yung ibang papers na kailangan and ako na din ang nauna sa kaniya maglakad at pinagbuksan siya ng pinto ng conference room.
"Goodmorning everyone." Josh greeted them.
The meeting immediately started after that.
Mabuti at nakaschedule talaga itong meeting ngayon at hindi urgent. Baka hindi pa ako maka-absent nang tuluyan mamayang hapon.
The meeting lasted an hour. Sakto lang ang itinagal noon. Lunch na nang matapos iyon kaya inayos ko muna yung office bago ako umuwi.
Sinamahan ko na magpacheck-up si Mama dahil sinabi sakaniya ng Doctor niya noon na mabuti kung magpapacheck-up si Mama monthly para mamonitor din siya. High blood na kasi si Mama. Mabuti nalang at walang masamang nagyayari sa kaniya lalo na ngayong may work na ako dahil hindi ko siya nababantayan kagaya ng dati.
Sandali lang naman yung check-up kaya umuwi din kami agad. Hindi na kami pumunta pa sa kung saan-saan dahil bawal ngang mapagod si Mama.
When we arrived at our house, I got the chance to chit-chat with my Mom. Ikinwento ko sa kaniya yung experience ko sa trabaho ko at kasabay ko din na naikwento sa kaniya si Josh. Ikinwento ko na napakabait niya at may mabuting puso.
Natuwa si Mama dahil hindi raw ako nahihirapan sa trabaho ko. She said that she's happy for me.
Napag-usapan din namin yung about sa kapatid ko. Yung sinabi niya sakin na nandito lang malapit sa location namin siya. Mama and I both hope na makita na namin siya soon dahil sobrang miss na namin siya.
The next day ay pumasok na ako sa trabaho. Kinamusta din ako ni Josh, he asked me if how was the check-up of my Mom yesterday. Sinabi ko naman na okay lang, mabuti at wala namang problema. Tinanong ko din siya kung kamusta siya kahapon. Sinabi niya na tahimik siya, wala daw dumadaldal sa kaniya kasi wala ako.
Natawa nalang ako. Sa sobrang close na kasi namin sa isa't isa ay kung ano-ano nalang ang dinadaldal ko sa kaniya. Kung ano-ano nalang din ang pinag-uusapan namin kada free time kaya sanay na kami sa isa't isa.
May sinabi siya sakin noon na talaga namang na-touch ako. Him being a CEO of a big company and me being his secretary, nakakatuwa lang yung ganoon. Parehas lang pala ang turing namin sa isa't isa. We treat each other as friends.

BINABASA MO ANG
My Boss, My Husband
FanfictionJosh Cullen Santos, the CEO of the biggest company in the country. He almost got everything he needs. Money, house, his company, ano pa ba? Isa lang naman ang wala pa siya e, girlfriend. His parents wants him to get married before he turns 30. Pinip...