Napatingin ako kay Josh dahil sa tanong niya. I slightly nod my head at binalik ulit ang tingin sa sunset.
"You're smiling, pero yung mga mata mo parang may something e. Tell me, is there something bothering you?" he asked concerned. "Nabobored ka na ba dito? Pwede naman na tayo ngayong bumalik na ng Manila." dire-diretsong saad niya.
I looked at him. I also looked around, tinitignan ko kung baka bumalik ba yung mga kaibigan niya, lalo na si Justin.
Baka pwede ko siyang makausap tungkol kay Justin. I'll just ask him some questions, gusto ko lang magka-idea.
We are both looking at each other. It took me a while before speaking.
"Is it okay if I ask you something?"
"Oo naman. You can ask me anything." he said and he smiled at me.
Hindi muna ako nagsalita. I stared at him for a while, nang hindi ko na kayanin ang kagwapuhan niya ay nagsalita na ako.
"How's Justin?"
Pakatanong ko ay bigla nalang siyang umiwas ng tingin sakin. Kanina nakangiti din siya pero bigla nalang iyon nawala nang banggitin ko ang pangalan ni Justin. What's up with him? Bawal bang banggitin ko ang pangalan ni Justin?
"Why, d-do you l-like him?" dahan-dahan at medyo nauutal niya pang tanong.
Agad naman akong umiling. Did he misunderstood what I asked?
"No, I don't like him!" sabi ko agad kaya agad naman siyang tumingin ulit sakin. "I'll just have to ask you some things about him." pagkaklaro ko ng tanong.
"I won't answer you hanggang hindi mo sinasabi sakin kung bakit ka nagtatanong ng tungkol kay Jah. Unless you like him."
"Hindi nga!"
May pagkamakulit din pala 'tong si Josh. Sinabi ko na ngang wala akong gusto kay Justin. Atsaka, ba't hindi niya masagot yung tanong ko? Arte niya.
Hindi pa siya kumibo.
"Then good that you don't like him. Ayokong may kaagaw sayo."
Nagulat ako sa sinabi niya. Kaagaw? Anong sinasabi niya?
"What are you saying? Anong kaagaw?" naguguluhan kong tanong.
Nakita ko ang paglunok niya bago siya nagsalita. "I like you Sam. Ayokong may kaagaw sayo."
My lips parted in schock! Did he just confess? Did my boss, Josh Cullen Santos just confess?!
"What are you saying?! Are you even sure of that?"
"Yes Sam. I'm sure of it. There's something special na naramdaman ko sayo na hindi ko naramdaman sa iba. Alam ko na rin sa sarili ko na gusto kita." he seriously said.
Oh, seryoso nga talaga. I don't know what to react. He likes me, and I like him too. I don't know what to say. Should I confess too?
"It's okay Sam, don't be pressured. Sinabi ko lang sayo pero may gusto din sana akong itanong sayo." sabi pa niya.
Hindi ako kumibo. Hinayaan ko muna siyang magsalita.
"Can I court you?"
Napa-angat ako ng tingin sa kaniya.
Dapat matuwa ako diba? Kasi yung taong gusto ko ay gusto din ako. Pero mas lamang ang pagkagulat ko ngayon eh.
I didn't say a word. I just nod my head slowly and smiled at him.
"Is it a yes? Will you allow me to court you?" he once again asked, hoping.
"Yes." I said and smiled.
After that ay bigla nalang niya akong hinila palapit sa kaniya. He pulled me for a hug. I smiled, and hugged him back.
"I'll wait until you're ready Sam. Basta ngayon, allow me to court you." sabi niya nang kumalas na kami sa yakap ng isa't isa.
Pakatapos ay hindi nalang ako umimik, I'm just smiling there. Yung tingin ko ay nasa dagat lang, pinapanood yung paghampas ng mga alon. Kaunti nalang din ay tuluyan nang lulubog ang araw.
Suddenly, I heared Josh cleared his throat. "So, bakit mo nga pala gustong magtanong about kay Justin?" pagbabalik niya ng topic.
Napahinga naman ako nang malalim. Mukhang masasabi ko sa kaniya ang tunay na dahilan ah.
"Fine! I'll tell you kung bakit ako nagtatanong. Basta hindi ko siya gusto, okay?" sabi ko.
Tumango siya at hindi na nagsalita. He let me speak kaya nagsalita ulit ako.
"Diba nakwento ko na sayo yung about sa kapatid ko na matagal na naming hinahanap?" panimula ko, tumango naman siya. "Justin ang pangalan niya, and also Jah din yung nickname niya."
"Justin?"
Tumango ako kay Josh. Tama siya ng pagkakarinig. Justin is my younger brother's name.
"Kaya kung napansin mong tahimik lang ako kaninang nagpakilala siya, nagulat ako non. Pati na nung kumakain sila, tinititigan ko siya minsan. Nagiisip-isip ako kung posible bang siya ang kapatid ko pero hindi e, de Dios ang sinabi niyang apelyido." I explained. "But there's still a part of me na nararamdaman kong siya talaga ang kapatid ko. From his smile, I observed kanina na parehas talaga sila ng ngiti ng kapatid ko. Yung gummy smiles nila." I said and chuckled a little.
I sighed and looked at Josh.
"So please, pwede mo bang kwentuhan mo ako tungkol sa kaniya? Or can you atleast give me some little details about him?" I asked.
Agad naman siyang tumango ng walang pag-aalinlangan. Napangiti nalang ako.
"But, mamaya nalang tayo mag-usap about jan, pwede? For now, bumalik na muna tayo sa hotel room dahil mamaya nag-aaya sina Stell na mag night swimming daw tayo doon sa pool." he said.
Tumango naman ako. "Sige ba, tara." sabi ko. Hindi naman ako nagmamadali na kwentuhan na niya ako.
Inilahad niya sa harap ko ang kamay niya, tinanggap ko naman iyon. Magkasama na kaming bumalik habang hawak namin ang kamay ng isa't isa.
He also said na maghanda na raw ako para sa night swimming namin mamaya. Tumango nalang ako sa kaniya.
Hindi pa rin lubos na nag sink in sakin yung mga nangyari kanina lang. First, nakilala ko si Justin na kapangalan ng kapatid ko. Sunod naman ay yung biglaang pag-confess ni Josh sakin, pati yung panliligaw niya. Parang masyado naman atang mabilis ang mga pangyayari?
BINABASA MO ANG
My Boss, My Husband
FanficJosh Cullen Santos, the CEO of the biggest company in the country. He almost got everything he needs. Money, house, his company, ano pa ba? Isa lang naman ang wala pa siya e, girlfriend. His parents wants him to get married before he turns 30. Pinip...