CHAPTER 7

3.2K 92 37
                                        

SAMANTHA's POV

We arrived already sa destination namin. Beach Resort pala 'to. The place is beautiful, ngayon lang ako nakarating dito. I didn't expected na ganito pala kaganda dito sa Batangas.

"Nag-book ka na ba ng room natin?" Josh suddenly asked.

"Yes." I answered.

Ako pa ba. Kahapon ko pa 'to inayos. Para ngayon ay yung meeting nalang niya ang iintindihin ko.

We asked the receptionist kung saan banda ang room namin kaya dinala na niya kami doon. Two rooms ang binook ko para tig-isa kami ni Josh. Alangan namang iisang kwarto lang kami.

"Ah Josh, pahinga ka nalang muna. Your meeting will be in one hour and thirty minutes pa naman e. You still have time to rest." sabi ko kay Josh bago kami pumasok sa kaniya-kaniya naming kwarto.

"Ganun ba? Sige." he said.

Pakatapos non ay pareho na kaming pumasok sa kwarto namin.

When I entered the room for me ay namangha ako. Malaki siya and maganda. The view on the veranda is beautiful too, natatanaw yung dagat.

Wala na ngayong lumalangoy sa may beach dahil tanghali na. I'm sure na dadami ang tao doon mamayang hapon.

Inayos ko muna yung dala kong bag kung nasaan yung mga gamit ko. Baka mamaya nalang ako magpalit ng damit kapag bababa na.

I decided to take a rest for awhile. Nakakangalay umupo ng dalawang oras. Nag-unat-unat na muna ako ng katawan. Hindi nagtagal ay humiga ako sa kama at nagcellphone.

Nang magsawa ako sa pag-cellphone ay may nakita akong mga magazine sa table kaya kinuha ko iyon. Tinignan ko ang mga nandoon. Nagpalipas na din ako ng oras. When I checked at the time, it's ten minutes before eleven.

Mag-aayos na ako. I decided to wear my offshoulder white floral dress. I also put my hair to a bun. Nang matapos akong magbihis at mag-ayos ng buhok ay sinunod ko namang ayusin yung mukha ako. I just put a little foundation and a lipstick. Simple lang ang ayos ko. Sa baba lang naman kami pupunta.

Nang matapos akong mag-ayos ay tinext ko si Josh. I reminded him about his meeting. Nagreply naman siya na pumunta muna raw ako sa room niya which is sa katabi ko lang din na room kaya pumunta na ako.

I knocked first before entering. Nang sumigaw siyang pumasok ako ay pumasok na ako. I got schocked of what I saw after I entered his room.

He was topless!

Naka white shorts lang siya.

"Ano ba yan, ba't di ka pa nagbibihis?!" tanong ko sa kaniya at tumalikod ako.

I saw his abs! Shocks! First time kong makakita non.

"Oh, ba't ka tumalikod?" he playfully said.

"Alangan namang panoorin kitang magbihis?" maldita kong tanong sa kaniya.

He didn't speak, I just heared him chuckled. Hindi nagtagal ay nagsalita na siya.

"Tapos na." sabi niya kaya lumingon na ako.

He's wearing a blue polo shirt na may mga dahon din na design. He looks good actually. Dagdag pogi points.

Hindi ko namalayan na nakatitig nalang pala ako sakaniya kung hindi niya lang ako hinawakan sa kamay at hinila palabas ng kwarto.

I looked at our hands, magkahawak-kamay kami. Hindi ako umimik. I just felt my heart beating fast because of his action. Hanggang sa makababa na kami. Restaurant itong baba at dito makikipagkita yung client niya. Tahimik pa rin ako.

"Excuse me, you're Mr. Josh Cullen Santos, am I right?" biglang may nagsalita sa may likod namin kaya napalingon kami doon ni Josh.

I looked at the girl, nakatingin siya kay Josh pababa sa magkahawak naming kamay. Agad ko namang inalis ang pagkakahawak non sa kamay ko.

"Ah yes, I'm Josh Cullen Santos." sagot naman ni Josh.

"Hi! I'm Nicole Del Valle, I'm your client." the girl named Nicole said at inilahad ang kamay niya sa harap for shake hands, tinanggap naman iyon ni Josh.

Tama, naalala kong Del Valle nga pala yung surname ng kliyente niya.

"And who is this girl?" tanong niya sabay taas ng kilay habang tinitignan ako mula ulo hanggang paa.

Taray niya a!

"She's Samantha Gonzales, my secretary." pagpapakilala ni Josh sakin.

"Oh, secretary." sabi niya pa.

I smiled at her. "Yes Ma'am." I said.

Mukhang kailangan ko ngayong makipagplastikan ha. I don't like her attitude, pasalamat siya at kliyente siya ng boss ko.

"I reserved a table for us. Let's go! May food na din. Let's just discuss everything while we're having lunch." she said.

Pumunta na kami sa table na sinasabi niya. Doon iyon banda sa gilid. Nauna na akong umupo.

"Hey Josh, you can sit beside me." maarteng sambit nitong Nicole.

Hindi ako nagsasalita, hanggang sa narinig kong nagsalita si Josh.

"Ah, no thanks. I'll just sit beside Sam." Josh said.

Pasimple naman akong napangisi. Buti nga sa kaniya! Pahiya ka ghorl?

Tinignan ko siya. Nakita ko siyang ngumiti ng pilit kay Josh saka ako inirapan. Hindi niya ata ako kilala! Palaban ako noh! Pasalamat siya at nandito si Josh at marami ring tao ang kumakain dito sa Restaurant.

"So, let's eat first and we will talk later on!" Nicole said.

Kumuha na sila ng pagkain. Nang mapansin ni Josh na hindi ako umiintindi na kamuha ng pagkain ay nagsalita siya.

"Let's eat Sam" he said.

I just nodded my head at him.

Kaunti lang ang kinuha kong pagkain. Nawalan ako ng gana sa inaasta ng babaeng 'to. Kumuha lang ako ng rice, shrimp, and fish. Kaunti lang iyon sa dami ng pagkain na nasa table namin.

Dahan-dahan lang akong kumakain, paunti-unti. Habang kumakain rin ay nag-uusap na silang dalawa.

I'm not listening, actually. Paminsan-minsan lang ako nagsasalita kapag may itinatanong si Josh sa akin. Tumatango-tango lang ako para kunwari ay naiintindihan ko sila kahit na hindi.

I'm the one who finished the food first dahil konti lang naman yung kinuha ko. Si Josh ay hindi pa rin tapos, parehas sila ni Nicole dahil nag-uusap pa sila.

Tumitingin-tingin nalang ako sa labas. I'm observing the place, I'm not minding these two. Pinapanood ko yung mga taong lumalabas at pumapasok ng Restaurant.

Hindi ko namalayan na tapos na pala ang dapat pag-usapan ng dalawang 'to kaya tinapik-tapik na ako ni Josh.

"Y-Yes?"

"The meeting is over. We can go now." he said.

I just nod at him at tumayo na rin.

"So Josh, maybe we can talk about it again next time?" Nicole asked Josh.

"Yes, maybe next time." Josh said and smiled a little.

I don't know what they are talking about dahil hindi naman ako nakinig sakanila kanina. Bahala na sila.

"See you again next time! I'm going, I have other things to do." akala ko ay aalis na itong babaeng 'to pero nagkamali ako. Nagulat ako sa ginawa niya.

Lumapit siya dito sa tabi ni Josh. She kissed Josh on the cheeks! Namilog ang mata ko sa gulat dahil sa ginawa niya. Close na ba sila para gawin niya iyon? May pa-beso pa ang gaga! Pakatapos ay umalis na agad siya.

Nakita ko ang pag-ngiwi ni Josh.

"Yucks" I said and I rolled my eyes.

"Grabe yun a." he said.

"Buti alam mo." sabi ko naman.

We decided na bumalik na sa room namin pero di pa man kami nakakaalis sa table namin ay may tumawag sa pangalan ni Josh.

My Boss, My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon