CHAPTER 27

3.9K 109 75
                                        

Nasa bahay na ako. Hinatid muna ako ni Josh dito sa bahay dahil magbibihis pa ako at kukuha ng mga gamit dahil doon nga ako sakanila matutulog ngayon at bukas.

Kumuha muna ako ng damit na dadalhin at inayos iyon. Pakatapos ay nagbihis na ako. Dress na lang ang isinuot ko na above the knee ang haba. Nag-ayos ulit ako sa sarili ko. Nang tapos na ako ay bumaba na ako.

"Let's go." sabi ko pakababa ko ng hagdan.

Naabutan ko si Mama at si Josh sa sala. Nag-uusap silang dalawa.

"Oh, ayos na ba yung mga dadalhin mong gamit?" tanong ni Mama.

Tumango naman ako. "Yes Ma" sagot ko.

Kinuha na ni Josh sakin yung gamit ko kaya ibinigay ko naman iyon. Nagpaalam na kami kay Mama at umalis na.

Alas syete na rin pala ng gabi. Tama lang ata para sa dinner.

Tahimik lang kami habang papunta sa bahay nila Josh. He's focused on driving at ako ay tahimik lang, medyo pagod lang kanina sa work.

"Ah love, alam na ba ng Mom mo na ngayon yung dinner?" maya-maya'y tanong ko kay Josh.
Nakalimutan ko kasi, baka mamaya hindi ni Tita ineexpect na ngayon iyon.

"Yes love. Tinawagan ko siya kanina pa and tuwang-tuwa rin siya." he said.

I just nod and smile. Pakatapos ay natahimik na ulit kami.

Mabilis lang kaming nakarating sa bahay nila. Wala pa sigurong thirty minutes ay nasa bahay na nila kami.

"Hello Sam! It's nice to see you again." Josh's Mom, Tita Aldrene welcomed us.

Lumapit si Tita sa amin tsaka ako niyakap at nakipagbeso. Nahihiya man ako but I hugged her back at nakipagbeso na rin.

"Nice to see you again too Tita." I said while smiling.

"Let's go inside. I already prepared dinner. Kayo nalang talaga ang hinihintay." Tita said at nauna nang maglakad habang nasa likod niya kami ni Josh.

"Susunod nalang kami Mom. I'll just change my clothes." Josh said kaya napatingin ako sakaniya.

Lumingon naman samin si Tita tsaka tumango.

Hinila na ako ni Josh papunta sa taas sa room niya. Pinaupo muna niya ako sa kama niya and siya naman ay kumuha ng damit na pamalit.

"Wait for me here love. Magbibihis lang ako." he said at tumango nalang ako.

Agad siyang pumasok sa banyo nitong kwarto niya. Hindi naman si Josh matagal magbihis kaya lumabas na kaagad siya. Casual nalang ang suot niya dahil kanina ay pang-opisina ang suot niya.

Lumabas na rin kaagad kami ng room niya para bumaba sa dining dahil naghihintay doon si Tita.

"Love." tawag ko kay Josh habang pababa kami ng hagdan.

Agad naman niya akong nilingon. "Yes love?" he asked.

"Is your Dad here?" I asked him. Naalala ko kasi na hindi ko pa nga pala nakikita at nakikilala ang Dad niya.

"Ah, he's not here love. He's in the States, he has important matters to do there." he answered.

Tumango nalang ako.

Kaya pala never ko pang nakikita ang Dad niya na kahit bumisita sa company niya just like his Mom, nasa ibang bansa naman pala.

When we arrived at the dining ay naghihintay na nga sina Tita samin, nandoon na rin si Ate Yuna. Napangiti nalang ako.

Hindi rin nagtagal ay kumain na kami. Medyo marami ang ipinahandang pagkain ni Tita eh kami-kami lang naman ang nandito. And as I can see, kaunti lang din ang maids na nandito pati na yung isang driver nila. Hindi ko nga lang alam kung saan na 'to mapupunta dahil alam kong hindi naman namin 'to lahat mauubos.

My Boss, My HusbandMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon