Agad naman kaming napalingon kung sino ang sumigaw non. But when we looked at the entrance of the Restaurant ay si Sir Paulo ang nakita namin pero may kasama pa siyang tatlong lalaki.
"Ginagawa nila dito?" I heared Josh whispered. Maski ako rin, nagtataka kung bakit sila nandito.
Lumapit sila dito sa pwesto namin.
"Hi Sam!" Sir Paulo greeted me at kumaway pa.
I smiled at him. "Hi Sir Paulo!"
"Paulo nalang, wag ng Sir. Magkaka-edad lang tayo dito." he said at tumawa pa. Tinanguan ko nalang siya.
"Nice dre!" the other guy said.
Yung dalawa naman ay nakangiting tumingin lang samin.
I know na sila yung mga pumunta last time sa office ni Josh. They are Josh's friends.
"Anong ginagawa niyo dito? Atsaka Paulo, akala ko ba may imemeet ka lang dito." sabi ni Josh.
"Kayo yung imemeet ko!" sabi ni Paulo at tumawa pa. "Bawal kasi ditong mag-solo kaya sumunod kami rito." sabi pa niya.
Napailing nalang si Josh.
"Ehem Josh, ipakilala mo naman kami sa kasama mo." sabi nung isa, I don't know his name yet.
"A-Ah, this is Samantha Gonzales. Sam, they're my friends." Josh said.
Nagpakilala naman sunod-sunod yung tatlo.
"Hi Sam! Stellvester Ajero, Stell nalang." sabi nung lalaking nagsabi kay Josh na ipakilala sila sakin.
"Hi Stell! Nice to meet you." I said and I smiled.
Pakatapos ay yung isa naman ang nagpakilala.
"Ken Suson." he said and smiled a little. And oh, he has a deep voice.
I smiled back at him and nag-hi din ako sa kaniya.
Isa nalang ang hindi pa nagpapakilala, yung pinaka-matangkad sa kanila. He's smiling to me kaya napangiti din ako. I remember someone from his smile.
"Hello po Ate Sam! I'm Justin de Dios po, but you can call me Jah." he said.
Natigilan ako.
Justin is his name. Parehas sila ng pangalan ng kapatid ko. And their smile, parehas sila ng kapatid ko noon kung ngumiti. Is this a coincidence? Maybe... No, maraming Justin ang pangalan dito, hindi lang ang kapatid ko tsaka de Dios ang apelyido niya kaya malabo. Pero parang may humaplos sa puso ko nang tawagin niya akong Ate Sam. I mean may ibang tumatawag din sakin non pero iba talaga yung sa kaniya.
"Hi J-Jah."
He's still flashing his gummy smile. Parehas talaga sila ng ngiti ng kapatid ko.
Josh ordered foods for them. Sila nalang ang kumain dahil busog pa kami dahil kakatapos lang din namin. Parehas lang ng kinain namin ni Josh yung inorder niyang food for his friends. Nag-usap-usap lang sila. Ako naman ay natahimik nalang. Paminsan-minsan kong tinitignan si Justin.
"Kuya Stell, ipagbalat mo nga akong hipon. Di naman diba ako marunong." Justin suddenly said kaya napatingin naman ako sakaniya ulit.
"Saglit lang Jah." Stell said.
I take that opportunity para magsalita.
"Ah, ako nalang Jah magbabalat. Akin na." I said kaya napatingin silang lahat sakin. Lalo na si Josh.
"Okay lang po ba?" he asked.
I smiled at him and nodded my head. "Oo naman."
Ibinigay na niya sakin yung platito kung saan niya nilagay yung mga hipon. Ako na ang nagbalat non para sa kaniya.
BINABASA MO ANG
My Boss, My Husband
FanfictionJosh Cullen Santos, the CEO of the biggest company in the country. He almost got everything he needs. Money, house, his company, ano pa ba? Isa lang naman ang wala pa siya e, girlfriend. His parents wants him to get married before he turns 30. Pinip...