CHAPTER 15

3.5K 92 7
                                        

"H-Hey" sabi ko kay Josh. Napahawak ako sa ulo ko dahil nakaramdam ako ng pagkahilo.

"Nilalagnat ka Sam, mainit ka. It's better for you to go home, c'mon ihahatid na kita." Josh said.

Umiling-iling naman ako. Marami pa akong gagawin, hindi ko naman ata 'to pwedeng iwan. Tsaka kakapasok ko palang, nawala ako ng dalawang araw.

"Wag nang makulit. Let's go." he said and held me on my wrist.

Inalalayan niya pa akong tumayo. Pakalabas ng office niya ay may ilan pa kaming nakasalubong na mga empleyado, lahat sila ay mukhang nagtataka.

Ilang saglit pa ay bigla nalang akong nabahing, agad naman akong nag-excuse. I even saw Ms. Pia, she's looking at me worriedly. Napansin niya atang masama ang pakiramdam ko dahil kanina nung nakasalubong ko siya ay tinanong niya ako kung ayos ba ako dahil parang hindi raw ako masigla ngayon. But I said I was fine kahit na hindi, pero ngayon alam na niya.

Nang makasakay kami sa kotse ay agad na nagdrive si Josh.

"Kung hindi pa ako lumapit sayo, di ko malalaman na may lagnat ka. Kailan pa yan? Uminom ka ba ng gamot?" he asked.

"Kahapon, medyo sumasama na yung pakiramdam ko pero uminom naman na ako ng gamot kaninang umaga." mahina kong sagot.

"Hindi ka na dapat pumasok. Does your Mom know that you're sick?" tanong pa niya.

Napailing ako. "Hindi ko na sinabi. Tsaka umalis din siya, she's going on a vacation with her college colleagues." sabi ko naman.

Napailing-iling nalang siya.

Hindi rin nagtagal ay nakarating na kami sa bahay.

"Sige na, thank you sa paghatid. Balik ka na sa company." sabi ko.

Akmang bababa na ako ng sasakyan nang mapansin kong bababa rin siya. Natigil ako at tumingin sa kaniya.

"What?"

"Bababa ka?" tanong ko. Tumango naman siya. "Wag na, bumalik ka na doon. You have a lot of paperworks to do." sabi ko sakaniya at bumaba na ng sasakyan.

Binuksan ko na yung gate, papasok na sana ako nang mapansin kong nakasunod pa rin si Josh sakin. I looked at him, he also looked at me. Nagtitigan lang kami. Ako na ang unang umiwas at napabuntong hininga nalang.
Hinayaan ko nalang siyang sumunod sakin hanggang sa loob ng bahay.

Naupo muna ako sa sofa sa sala dahil masakit pa rin yung ulo ko. Sumandal ako at ipinikit ang mga mata ko. Kaya ayokong nagkakasakit ako eh, bukod sa di ko magawa yung mga kailangan kong gawin, palagi lang akong nakahiga o nakaupo, parang nanghihina ako.

I felt Josh held my hand.

"Saan ba yung kwarto mo? Magpahinga ka muna." I heared him say. Hindi ko muna siya sinagot.

Naramdaman ko na binitawan niya ang kamay ko, naramdaman ko rin na tumayo siya pero di ko nalang pinansin. Nakapikit lang ako, nang pakiramdam ko ay hindi na medyo masakit yung ulo ko ay tumayo na ako.

Aakyat na sana ako ng hagdan papunta sa taas sa kwarto ko nang mahagip ng paningin ko si Josh. Nasa may lababo siya at may hawak na maliit na towel tsaka maliit na palanggana.

Napatitig ako sandali sakaniya. He don't have to do this. Oo, alam kong nanliligaw siya pero hindi lang naman yung panliligaw niya sakin yung dapat niyang asikasuhin. He still has his company that he have to manage.

I sighed atsaka pumunta na sa kwarto. Naupo muna ako sa kama. Maya-maya ay naisipan kong magbihis ng damit kaya kumuha na ako sa cabinet at pumasok sa CR ng kwarto ko, doon ako nagpalit.

Pakalabas ko ng banyo ay nagulat ako dahil nandoon na si Josh. Dumiretso nalang ako sa kama tsaka humiga, binalot ko yung katawan ko ng kumot dahil nilalamig ako.

"Sige na Josh, balik ka na doon sa company. Magpapahinga na ako. Papasok nalang ako bukas pag magaling na 'ko." sabi ko habang nakatalikod sa kung nasaan siya.

He didn't say a word kaya pumikit nalang ako.

Maya-maya lang ay naramdaman kong umupo siya sa tabi ko. Hinawakan niya ako sa braso tsaka ko naramdaman na pinupunasan niya pala ako. "I will take care of you." he said kaya napadilat ako ng mata.

"You don't have to do this." sabi ko nang mahina sakaniya.

Pinapagpatuloy niya lang yung pagpunas sa braso ko. "Please Sam, let me do this. Lalo na't wala kang kasama rito." he said.

Wala na akong nagawa. Pinabayaan ko nalang siya. Nang matapos siya sa pagpunas sa braso ko ay nilagay niya yung towel sa noo ko.

Pakatapos ay tumayo na siya. Pero bago pa man siya makalabas ng kwarto ko ay nagsalita ako.

"Thank you" I said, mahina lang iyon but it's enough for him to hear it.

Napatigil siya saka lumingon sakin. He smiled at me so I smiled back at him. Tumalikod din kaagad ako at ipinikit ko na ang aking mga mata.

My Boss, My HusbandMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon