CHAPTER 34

2.8K 86 2
                                    

"We're going Ma, I'll just visit you again next time." nagpaalam na kami ni Josh kay Mama. Sinundo na kasi ako ni Josh dito sa bahay dahil dalawang araw din akong nagstay dito dahil binisita ko si Mama. And yung dalawang araw din na iyon ay nandoon naman si Josh sa bahay nila kasama sina Tita Aldrene and Ate Yuna. Time rin namin iyon para magspend kami ng oras sa family namin.

"Sige, ingat kayo." sabi ni Mama. "Yes Ma, we will. Love you, ingat ka rin dito." sabi ko pa sakaniya.

Ngayon ay pabalik na kami ni Josh sa bahay.

Hindi ako makapaniwala na ilang buwan na kaming magkarelasyon ni Josh. Eight months, and our relationship is going strong. Nagkakaroon lang minsan ng tampuhan pero hindi naman iyon tumatagal pati na kapag minsa'y nag-aaway kami, hindi namin hinahayaan na tumagal ng ilang araw ang away namin. We will reach out to each other and we will talk about our problems and fix it. Minsan si Josh ang unang nagrereach out pero kapag nakikita ko na sobrang busy siya sa company ay ako na ang nagttry na umayos non. Ayokong makitang nahihirapan siya, minsan kapag nagkakaron kami ng away at may inaasikaso rin siyang importante para sa kompanya ay ako na ang umaayos. Para hindi lang palagi siya ang nag-aayos ng problema at nagbababa ng pride.

At isa pa pala, yung tungkol sa pinatigil ko na sa paghahanap yung private investigator, nalaman na iyon ni Mama ilang linggo pakalipas non. Nagalit sa akin si Mama kung bakit ko raw iyon ginawa. Nagdahilan nalang ako na sayang lang ang perang ipinambabayad niya roon sa private investigator dahil wala namang progress ang paghahanap at ayaw ko man sabihin ito noon pero sinabi ko nalang na baka nga wala na yung kapatid ko, kahit na alam kung buhay na buhay siya. Iyon nalang ang sinabi ko. Ilang linggo rin kaming nagkatampuhan ni Mama dahil doon pero ayos na iyon ngayon. Iisipin ko nalang ay kung paano ko nalang sasabihin ang totoo kay Justin.

Bumuntong hininga ako nang maisip ko kung gaano karami na ang nangyari. May mga hindi man maganda pero pangako kong aayusin ko iyon.

"What do you want for dinner love? I will cook." sabi ko kay Josh.

Nandito kami sa kwarto namin. Nakaupo siya sa chair niya habang nakatapat sa laptop. Pumwesto ako sa likuran niya and I encircled my arms around him, I also placed my chin on his shoulders and gave him a kiss on his cheeks. Napalingon siya sakin kaya nagtama ang mga tingin namin.

"You. I want you." he said then he kissed me. I kissed him back but it didn't last long. I was the one who broke the kiss.

"Not now love. Seryoso nga, magluluto ako." I said.

Sandali siyang napaisip saka ulit ako tinignan.

"Adobo nalang siguro love"

I nodded and smiled. "Sige, adobo. Stay here and I'll be back once the food is ready." I said.

Lumabas na ako ng kwarto at bumaba na. Pumunta ako sa kitchen para magluto. May mga stocks din kasi kami rito kahit minsan na lang kami kumain dito sa bahay. Usually kasi ay kapag breakfast lang kami rito kumakain dahil nasa company kami and madalas din ay sa labas nalang kami kumakain ng dinner kaya uuwi nalang talaga kami para magpahinga na.

Malapit na akong matapos, I'm peacefully cooking when someone hugged me from my back. Alam ko naman kung sino iyon.

"Tapos ka na ba roon sa ginagawa mo?" tanong ko.

"Yes love" Josh answered.

"Gutom ka na ba? Malapit naman na 'tong maluto." sabi ko sakaniya pero hindi siya sumagot kaya nagsalita pa ulit ako. "Ihanda mo na nga lang yang lamesa." utos ko sakaniya. Napaayos naman siya ng tayo at inalis na ang pagkakayakap sakin. "Okay." he said.

Nang maluto na yung ulam namin ay kumain na rin kami. Josh was the one who volunteered to wash the dishes after we ate, pumayag nalang ako. Umakyat nalang ako sa kwarto at nagshower sandali, pagkatapos ay natulog na rin naman kaagad kami.

Morning came and kagaya ng nakasanayan namin, sabay kaming pumapasok ni Josh ng company. Sanay na rin naman ako sa ilang buwan ba naman na naming pagsasama. Alam naman na nilang lahat na may relasyon kami so ano pang sense kung itatago pa naman iyon.

My Boss, My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon