CHAPTER 40

2.9K 87 1
                                    

Kakarating lang namin ni Josh dito sa bahay. I mean dito sa bahay namin ni Mama. Sinabi ko kasi sakaniya na kung pwede ay dito na muna kami ngayon dahil may pag-uusapan kami ni Mama.

"You didn't inform me na dito pala kayo tutuloy." sabi ni Mama pakarating namin.

"Si Sam lang po muna Tita, hinatid ko lang po siya." rinig kong sabi ni Josh kaya naguguluhan akong tumingin sakaniya. I thought dito rin siya matutulog muna gaya ng nakasanayan namin. "May kailangan po kasi kayong pag-usapan ni Sam and I think it will be better if kayo po muna ang mag-usap tungkol doon." sabi pa ni Josh kay Mama.

Mama looked at the both of us confused. Medyo matagal si Mama na napatitig sa akin bago siya nagsalita.

"What is it anak? You're pregnant? Well, okay lang naman sakin."

Parehas kaming nagulat ni Josh sa sinabi ni Mama.

"Ma naman! Hindi!" medyo inis kong saway kay Mama. Kung ano-ano kasi sinasabi.

Binigyan naman ako ni Mama ng mataray niyang tingin. "Oh bakit? May masama ba sa sinabi ko?" she asked.

Narinig ko ang pagtawa ni Josh sa tabi ko kaya agad ko siyang sinamaan ng tingin.

"Don't worry Tita. Me and Sam will get there soon." pinalo ko si Josh sa hita niya dahil sa sinabi niya. Natatawa lang niya akong tinignan.

Tumahimik ako at umaktong naiinis na. Tumigil na rin sa pagtawa si Josh at umayos na. Hindi nagtagal ay napagpasyahan niya na umuwi na sa bahay nila para makapag-usap na raw kami ni Mama. Ihinatid ko na siya sa gate.

"I'll fetch you tomorrow" bilin pa niya.

I just nodded and kissed him. Pakatapos ay umalis na rin siya. Pumasok na ako sa loob ng bahay, wala na sa sala si Mama so I guess nandoon siya sa taas sa kwarto niya.

Dumiretso na muna ako sa kwarto ko at nagbihis. Nakakain na rin ako kanina kaya dumiretso na ako sa kwarto ni Mama pakatapos kong magbihis.

I knocked first betore entering Mama's room. Sakto lang ang pagpasok ko dahil hinihintay niya raw ako.

Tumabi muna ako sakaniya na maupo sa gilid ng kama niya.

"Anong pag-uusapan?" tanong ni Mama kaagad.

I'm really nervous right now to be honest. I don't know what will be Mama's reaction once I told her the truth about his long lost son.

Huminga muna ako ng malalim bago bumaling kay Mama. Kinuha ko ang kamay niya tsaka ko iyon hinawakan.

"Tungkol po sana Ma kay Justin" sabi ko.

Mama's brows furrowed. "Ano? Diba pinatigil mo na yung pagpapahanap? Tapos ngayon sakin ka maghahanap." sabi niya sa akin. Napayuko nalang ako at napasimangot.

"Ano kasi," sabi ko at tumigil sa pananalita. I'm thinking of a right words to say. "What will be your reaction if nalaman mo na buhay nga siya? And who knows, nasa malapit lang natin siya." naisipan ko muna na itanong yan kay Mama. Hindi ko muna siya bibiglain.

"What happened to you Sam? Ba't bigla mong natanong yan?" nagtatakang tanong pabalik sakin ni Mama. Talagang magtataka siya dahil ngayon nalang namin ulit napag-usapan ang tungkol sa kapatid ko.

"Just answer Ma, please?"

Walang nagawa si Mama kundi sagutin ang tanong ko. "If ever na nandito lang nga siya, masaya na ko. Atleast alam ko na buhay siya. Pero kung sakali man na totoo, gusto ko na siyang makita. Gusto ko na siyang makasama. Sa tagal na panahon na nawala siya sa atin, gusto kong bumawi sakaniya. But I think it is impossible now, seventeen years na ang lumipas. We don't even know what he looks like now. Hindi natin alam kung kilala pa ba niya tayo. Maybe he already forget about us. At kahit tayo, hindi natin alam kung ano rin ang maaaring maramdaman niya pag nakita at nakilala niya tayo. Walang nakakaalam Samantha sa maaaring mangyari." habang nagsasalita si Mama ay naging emosyonal siya. Hindi ako nagdalawang-isip na yakapin siya.

I hate seeing Mama cry dahil pati ako ay naiiyak din. Agad kong pinatahan si Mama at pinagaan ang loob niya.

"Don't worry Ma. Makikita mo na siya, makakasama na natin si Justin." sabi ko.

Humiwalay si Mama sa pagkakayakap sakin tsaka ako tinignan.

"Ano ba ang sinasabi mo? Samantha umayos ka." kung dati kinakabahan ako everytime na tinatawag na niya ako sa buo kong pangalan, ngayon hindi na.

"Mama, nahanap ko na si Justin." sabi ko habang nakangiti sakaniya.

"Samantha naman." Mama is not fully convinced.

"Ma, I know it's hard for you to believe this but it's true na nahanap ko na siya. Aren't you happy?" I said, my eyes getting watery.

"M-Masaya, masaya ako anak. Pero p-paano mo nasabing nahanap mo na siya?" naguguluhang tanong niya.

"Nakilala ko siya, isang taon na ata. I met him because of Josh." mas lalong naguluhan si Mama nang mabanggit ko si Josh. "Yes Ma, si Josh. Justin is one of Josh's bestfriends. Nung ipakilala ako ni Josh sakaniya, nagkaroon agad ako ng kutob na kapatid ko siya. Bukod sa Justin ang pangalan niya, iba po talaga Ma kapag tinatawag niya akong Ate. Pero nag-alangan pa ako non kasi iba naman ang apelyido niya, de Dios Ma, that's his surname at hindi ang apelyido natin. But that doesn't stop me from suspecting. Sinabi ko iyon kay Josh, nagpakwento ako sakaniya kung ano at kamusta si Justin, kung ano ang mga hilig niya, and doon ko rin napagtanto na maraming silang similarities ni Justin na kapatid ko. Palagi ko iyon Ma iniisip until Josh helped me to get a DNA sample from Justin, at doon, pinatest namin iyon at doon ko Ma nalaman na siya nga ang kapatid ko. And as soon as nalaman ko iyon, pinatigil ko na rin yung hinire mo na private investigator sa paghahanap." I explained to Mama.

"Pero Samantha, matagal na iyon!" medyo napataas ang boses ni Mama kaya napagitla ako.

"I know Mama. Sorry, ngayon ko lang sinabi sayo. It's just that I'm looking for a perfect timing." I said.

Naiintindihan ko si Mama kung sakaling magalit siya sa akin dahil hindi ko agad sinabi sakaniya. Ayaw ko lang siyang mabigla noon at hindi ko pa  naman din nasasabi kay Justin. Pero ngayon na okay na, ito na ang panahon na dapat ko nang sabihin kay Mama.

Hindi ako kinibo ni Mama pakatapos.

Huminga ako ng malalim bago tumayo.

"Dadalhin ko si Jah dito bukas Ma." huli kong sinabi bago ako lumabas ng kwarto ni Mama.

Dumiretso na akong pumasok sa kwarto ko. I guess bukas ko na nga lang talaga sila pagkikitain. Para maayos na rin ang lahat saming pamilya.

My Boss, My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon