After Mama and I had a talk ay bumalik rin kaagad ako sa room.
I want to rest. I feel like laying on the bed the whole day. Parang masama ang pakiramdam ko. Gusto kong mahiga nalang buong araw at magpahinga. Pero naalala ko na may lalabhan pa nga pala ako, I will do it later.
Gusto kong matulog pero hindi naman ako nakakatulog. Nakahiga lang ako, balot na balot ako ng kumot dahil giniginaw ako. I was just staring at the ceiling of my room until I heared the door open. Pagtingin ko ay si Mama.
"Sam, lalabas ako, maggroceries lang ako. May ipapabili ka ba?"
Umiling-iling lang ako. "Wala po Ma." mahina kong sabi.
Pakatapos ay nagpaalam na si Mama. I was left here in our house alone.
Biglang pumasok sa isip ko si Justin. Should I tell my Mom that I met someone na kapangalan ng nawawala niyang anak? Kaedad at parehas pa ng mga ngiti ng anak niya? There's a part of me who wants to tell her but a part of me don't. I want to tell my Mom that I met a guy who has the same name, age, and smiles of her long lost son because I want to give her more hope. But a part of me doesn't want to tell her about it. Ayokong mabigyan si Mama ng mga false hope, ayokong umasa si Mama lalo na't hindi naman ako sigurado.
Baka wag nalang. Saka ko nalang sasabihin sakaniya kapag sigurado na ako. I just need to clear things out. Hindi ko pa nga pala nakakausap si Josh, hindi pa siya sakin nakakapagkwento about kay Justin.
Maybe kapag nalinawan na ako at kapag sigurado na ako ay pwede ko nang sabihin kay Mama.
Hindi ko namalayan na sa pagiisip-isip ko ay nakatulog na ako. Nagising nalang ako dahil nagriring yung phone ko. Agad ko iyong kinuha sa side table ko at agad iyong sinagot nang hindi man lang tinitignan kung sino ang tumawag.
"H-Hello" I answered the call with a low voice.
Inangat ko yung kumot ko sa katawan ko dahil nilalamig pa rin ang katawan ko.
"Sam" agad kong nakilala ang boses na iyon.
"Josh, napatawag ka? May kailangan ka ba? May ipapagawa ka bang office work?" sunod-sunod kong tanong habang nakapikit ang mga mata ko.
"Ah no, wala." sagot niya.
Nagtaka naman ako kung bakit siya napatawag. Bored ba siya at walang makausap kaya tinawagan niya ako?
I just stayed silent. I waited for him to speak.
"Ahh Sam, may gagawin ka ba later?" maya-maya'y tanong niya.
Hindi pa muna ako nagsalita. Inaalala ko muna kung may gagawin ba ako mamaya. Naalala ko na maglalaba nga pala ako mamaya ng mga damit ko. "Maglalaba lang naman ako mamaya." sagot ko sa tanong niya.
"Ah, ganun ba? Sige" sabi nalang niya. "Bakit nga pala?" tanong ko sa kaniya. Alam kong hindi naman siya tatawag para tanungin lang kung may gagawin ba 'ko.
"Wala naman. I just want to check on you?" patanong niyang sabi.
He just want to check on me? Uh, okay?
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko, tumahimik nalang ako. Hindi ko rin naman feel magdaldal ngayon, medyo masama pa rin yung pakiramdam ko.
Tumagal ang tawag ni Josh ng kalahating oras. Nakipagkwentuhan lang siya. Nasabi niya rin sakin na kaya raw hindi na siya nakapagpaalam sakin kanina ay dahil tinawagan siya ng Mom niya. Hindi niya nasabi kung bakit at hindi ko na rin siya natanong. Nakikinig lang ako sa mga sinasabi niya hanggang sa magpaalam na siya.
Bumangon na ako sa kama. My head still hurts.
Kinuha ko na yung laundry basket kung nasaan yung mga lalabhan kong damit. Dahan-dahan naman akong bumaba ng hagdan, nadaanan ko si Mama sa kitchen na inaayos yung mga pinamili niya kanina.
I started washing my clothes. I used our washing machine this time, minsan kasi ay hindi ko iyon ginagamit kapag sinisipag ako, mano-mano kumbaga. But I'm not feeling well this time kaya nag washing machine nalang ako. Pakatapos kong banlawan yung mga winashing ko ay gumamit nalang din ako ng dryer para matuyo agad, alas singko na rin kasi ng hapon.
Pakatapos ay nagpahinga ulit ako. Nakakarami na akong pahinga ngayong araw ah, nakakapanibago.
Nang sumapit ang gabi ay kumain na kami ni Mama ng dinner. After that ay bumalik na ako sa kwarto ko. Inihanda ko ang susuotin ko bukas sa office dahil balik trabaho na. Pakatapos ay natulog na rin ako.
My sleep went peaceful, dire-diretso naman ang naging tulog ko. But I didn't expect what to feel sa paggising ko.
Ang bigat ng pakiramdam ko. Masakita yung ulo ko. Medyo mainit din ako.
Kahit na gusto ko pang magpahinga at matulog ay pinilit kong bumangon na. May pasok pa ako sa trabaho. Pakatapos kong maligo, magbihis at mag-ayos ay lumabas na ako ng kwarto. Dumiretso ako sa dining, naabutan ko si Mama na bihis na bihis. She's eating breakfast kaya umupo na rin ako at kumain ng konti dahil wala akong gana.
"Goodmorning Ma, ba't bihis na bihis ka?"
"Aalis ako. I'm going to a vacation with your Tita Amy kasama yung mga college colleagues daw namin. I'll be gone for a week. Sorry ngayon ko lang nasabi sayo." she said.
Napatango nalang ako. I remember Tita Amy, close friend siya ni Mama. Mukhang solo ko 'tong bahay ng isang linggo.
"Will you be fine here? Kung gusto mo papapuntahin ko yung pinsan mo rito para may kasama ka?"
Agad naman akong umiling kay Mama. "No Ma, I'm fine here. Nasa office naman ako madalas, ako na po bahala rito." sabi ko.
Tumango nalang si Mama.
After I ate my breakfast ay uminom ako ng gamot. Kailangan kong pumasok kahit na medyo masama ang pakiramdam ko.
I arrived at the office at seven, I think? Wala pa si Josh.
It's nice to be back, kahit na dalawang araw lang akong nawala rito. Nilinis ko muna yung office. Bigla-bigla nalang akong nababahing kapag may alikabok.
I checked Josh's schedule, wala siyang meeting ngayong araw. Pero maraming paperworks siyang gagawin at pipirmahan.
"Hey, goodmorning Sam." I heared someone said.
Napaangat tuloy ako ng tingin, nandito na pala si Josh.
"Goodmorning." I said and smiled at him a little.
Ibinalik ko yung tingin ko sa binabasa ko.
I gave Josh the hard copy of his schedule. "Here's your schedule." I said.
"Did you ate breakfast?" he suddenly asked. Tumango naman ako.
Pumasok ako sa mini office kaya nagpaalam ako sa kaniya. I opened the laptop in front of me, may hahanapin lang akong file. Nang makita ko na ay binasa ko iyon, yung ibang napag-usapan lang pala 'to sa meeting nina Josh tapos ni Nicole. Naalala ko nanaman ang babaeng yon! Masama na nga ang pakiramdam ko tapos naalala ko pa yung inasta niya sakin tas yung ginawa niya kay Josh. Naiirita ako sa babaeng iyon!
Pakatapos kong basahin iyon ay agad kong isinara ang laptop. Mas lalo atang sumakit yung ulo ko. Tumayo rin ako at hininaan ang aircon na nandito sa mini office, nilalamig kasi ako. Pansin kong mainit pa rin ako kagaya kanina.
Naupo nalang ulit ako. I stared at the papers in front of me, kaya ko naman 'tong gawin dahil hindi naman masyadong madami pero pakiramdam ko na nadadamihan ako, parang hindi ko 'to lahat magagawa. Tumungo nalang ako sa table, medyo isinubsob ko ang mukha ko roon at ipinatagilid yung ulo ko so I'm facing the wall. Hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
I just felt someone's hand on my forehead. Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko. I saw Josh's worried face. Napaayos tuloy ako ng upo.
BINABASA MO ANG
My Boss, My Husband
FanfictionJosh Cullen Santos, the CEO of the biggest company in the country. He almost got everything he needs. Money, house, his company, ano pa ba? Isa lang naman ang wala pa siya e, girlfriend. His parents wants him to get married before he turns 30. Pinip...
