CHAPTER 22

3K 95 21
                                    

Nandito na ako sa bahay nila Josh. Tinotoo talaga niya yung sinabi niya, pinasundo ba naman ako kanina sa office. Wala na akong nagawa kaya sumama nalang ako.

May nag-assist sakin na maid nang makapasok ako sa bahay nila. Hinatid niya ako sa tapat ng kwarto ni Josh kaya nagpasalamat na 'ko tsaka nagpaiwan.

I knocked first. "Josh andito na 'ko." sabi ko pero wala akong narinig na response mula sakaniya. I continued knocking on the door pero hindi pa niya talaga binubuksan. "Papasok na 'ko." sabi ko pa. I slowly opened the door, good thing that it isn't locked.

Pakapasok ko ay nakita ko siyang nakahiga sa kama, natatabunan siya ng comforter. Nang makalapit ako sa kaniya ay nakita kong natutulog pala siya. Umupo ako sa tabi niya tsaka ko siya tinitigan. I stared at his face, napakaamo talaga ng hitsura niya. Hinawi ko ng dahan-dahan ang buhok niya.

"Just sleep there" I whispered.

Tumalikod ako sa kaniya pero nakaupo pa rin ako sa may tabi niya.

Kinuha ko ang phone ko saka nag-browse sa internet. Nanood din ako ng mga videos, hinihinaan ko lang yung volume para hindi siya magising.

After thirty minutes siguro, I felt an arm snaked into my waist. I know it's Josh's arm. I turned my gaze into him pero nakapikit pa rin siya. Sumiksik pa siya sakin.

I tapped his arm at akmang tatayo na ako nang higpitan niya pa lalo ang pagyakap sa bewang ko.

"Just stay here." he said.

I sighed. "Okay." I said to him.

Hindi na siya umimik pa. We fell into a silence until I'm the one who broke it.

"Ba't hindi ka pala pumasok sa office?" tanong ko sakaniya though alam ko naman na ang sagot.

"Hangover." he answered.

Just as I thought. Hangover nga.

"Diba I reminded you na wag kang sosobra ng inom! Now look at you! Nakahilata, parang wala kang kompanyang iniintindi ha!" panenermon ko sakaniya. Hindi naman siya nagsalita. I don't know what's his reaction right now dahil tumalikod din kaagad ako sakaniya kanina.

"Sorry na, love." I heared him say.

Napataas ang kilay ko dahil sa sinabi niya. Tinatawag nanaman niya ako non eh di pa nga kami. Huh, akala niya ata madadaan niya ako sa pagtawag niya non sakin?

"Love mo alak mo!" bulyaw ko sakaniya.

I heared him chuckled a bit.

Ilang sandali lang ay tinanggal na niya ang pagkakayakap sakin. Bumangon na siya sa pagkakahiga at tumabi sakin na nakaupo sa kama niya.

"Nainis kasi ako kay Jah, nagtatanong ako ng maayos tapos di naman ako sinasagot." sabi niya.

Napataas ang isang kilay ko. "Bakit, ano ba kasing tinanong mo?" tanong ko sakaniya. "Samin nalang muna 'yon." sabi niya. Sinamaan ko naman siya ng tingin. He just smiled at me tapos tumayo na siya. Sinundan ko siya ng tingin at mukhang papasok siya sa banyo ng kwarto niya. "What are you looking at? Gusto mo sumama ka sakin sa loob?" pilyo niyang tanong. Mas lalo ko lang siyang sinamaan ng tingin, natawa nalang siya tsaka siya pumasok na sa loob.

Tinignan ko naman yung kama niyang hinigaan. Inayos ko nalang iyon dahil nagulo sa pagtulog niya. Madali lang iyon at nakita ko na rin siyang kakalabas lang ng banyo.

"What time did you go home? I've been calling you also earlier bago ako pumasok sa company, di mo naman sinasagot." sabi ko sakaniya.

Umupo ulit siya sa dulo ng kama.

My Boss, My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon