After I explained to Josh what really happened ay nag-sorry ulit kami sa isa't isa. We cleared things between us at ngayon ay okay na kami. Mabuti nalang understanding siya.
"Saan ka pala nanggaling?" I asked Josh dahil wala siya kanina.
"You really want to know?" mahina rin niyang tanong kaya napakunot ako ng noo.
"Yes. Wala ka raw sa company sabi ni Jah, pati sa bahay ng parents mo. So, where have you been?"
"Nakipag-meet ako sa Dad ni Nicole, kay Mr. Salvador."
Saglit akong natigilan bago siya binigyan ng nagtatakang ekspresiyon. Parang may naramdaman akong kaba sa loob ko nang isipin ko na nagkita sila. Baka may nangyaring hindi maganda at hindi lang sinasabi ni Josh kaha nag-aalala ako.
"Nalaman na niya yung nangyari? What did he do? May ginawa ba siya sayo? Does something bad happened?" sunod-sunod at nag-aalala kong tanong.
Josh chuckled kaya nagtaka ako.
"No love, nothing bad happens. Don't worry too much." he said in a reassuring tone, naalis naman ang pagkakaba ko kahit papaano.
"Eh anong nangyari, ba't kayo nagkita?" tanong ko ulit.
Josh sighed before speaking. "He apologized to me, to us, for what his daughter Nicole did to you."
My mouth parted a little pero agad ko namang isinara 'yon. Nagulat lang ako kasi hindi ako makapaniwala na ginawa 'yon ng tatay ni Nicole. Though nagpapasalamat din ako kasi hindi niya kinampihan ang anak niya na mali ang ginawa.
"Hindi natin iyon ineexpect, diba." sabi pa ni Josh at mahinang natawa. "Well, mabuti na rin 'yon." he added.
Napatango nalang ako. Wala naman akong maisip na pwedeng sabihin.
"Nga pala love, nasabi rin niya sakin kung anong ginawa niya kay Nicole after what happened."
"Ano?" di ko mapigilang tanungin siya.
"He said he got really angry at her. Nagsisisi raw siya dahil hinayaan niya pa si Nicole na may gawin na ganoon. Kilala raw niya si Nicole at hindi na bago sakaniya ang katulad ng ginawa niya sayo. And this is the thing, he sent Nicole abroad early in the morning."
"Ano? Bakit daw? Was it because of what she did?" di ko makapaniwalang tanong.
"Yes. Mr. Salvador is very sorry to us because of what happened. And he said that he sent Nicole abroad para maturuan na ng leksiyon, hindi na siya nagsabi pa ng details. Isa lang daw ang sinisigurado niya, hinding-hindi na tayo guguluhin ni Nicole. Papabantayan niya raw doon si Nicole at hindi niya papabayaan na makauwi siya ng Pilipinas nang hindi pa siya nagtitino."
It was good to hear na wala na si Nicole sa buhay namin. Nakampante ako sa sinabi ni Josh, na finally wala ng Nicole na manggugulo sa relasyon namin.
At kaya pala kapag nakikita ko na magkasama sila Nicole at Mr. Salvador ay parang tumitino siya. Wala siyang ginagawa sa harap ng tatay niya na alam niyang hindi nito magugustuhan.
Ipinagpatuloy lang ni Josh ang pagkukwento niya sa naging usapan nila ni Mr. Salvador. Kampante ako na naging maayos nga ang usapan nila at walang nangyaring hindi maganda.
Sa bahay lang kami nagstay ng buong araw.
Bigla ring sumagi sa isip ko na baka alam na ng mga tao sa kompanya yung nangyari sa pagitan namin ni Nicole. Hindi malabong malaman nila 'yon dahil may nagsidatingan na mga tao noon bago pa man kami makaalis ni Josh. Bigla nalang din akong nakaramdam ulit ng kaba.
Kakausapin ko sana tungkol doon si Josh pero bigla namang nagring ang phone niya kaya parehas kaming napatingin doon.
"Si Dad tumatawag, sagutin ko lang." sabi ni Josh na tinanguan ko nalang.
Hindi naman lumayo sakin si Josh nang sagutin niya ang tawag kaya naririnig ko ang mga sinasabi niya. Pero si Tito na nasa kabilang linya ay hindi ko masyadong naiintindihan kaya hindi ko rin maintindihan kung tungkol saan ang pinag-uusapan nila. Hihintayin ko nalang silang matapos bago ko kausapin si Josh.
"Maaapektuhan? Why is that Dad? Personal na namin 'yon so bakit maaapektuhan ang kompanya?" rinig kong sabi ni Josh.
Kumunot ang noo ko dahil doon. Anong pinag-uusapan nila at ganon yung mga sinasabi niya?
"Just like what you said Dad, hindi ka sigurado. So just trust me. I won't let that affect the company, ako nang bahala."
Naguguluhan ako, I don't have any idea kung anong pinag-uusapan nila at nakakaramdam ako ng kaba.
Hinayaan ko na muna silang mag-usap. Lumabas muna ako ng kwarto at bumaba sa kusina para kumuha ng tubig. Nauuhaw kasi ako. Babalik na rin sana ako kaso bumaba na rin si Josh at lumapit na sakin.
"Tapos na kayong mag-usap?" tanong ko sakaniya. He just sighed then he nods his head. I held his hand kaya napatingin siya doon. "May problema ba? Anong pinag-usapan niyo? Pwede ko bang malaman?" tanong ko ulit.
"Ah, may sinabi lang si Dad about sa company." sabi niya, mukhang nag-dalawang isip pa siya kung sasagutin niya ba ako.
"W-What about the company?" kinakabahan kong tanong.
Napansin siguro ni Josh na kinakabahan ako kaya nginitian niya ako at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko.
"Relax love." he said. "There's no any serious problem in the company. I can handle what's going on in the company." he added.
Napatitig ako sakaniya bago ako tumango. Alam ko naman na kaya niya, siya pa ba.

BINABASA MO ANG
My Boss, My Husband
Hayran KurguJosh Cullen Santos, the CEO of the biggest company in the country. He almost got everything he needs. Money, house, his company, ano pa ba? Isa lang naman ang wala pa siya e, girlfriend. His parents wants him to get married before he turns 30. Pinip...