CHAPTER 57

2.5K 93 25
                                    

"Wala siya sa company?" mahina kong tanong.

Justin nods his head as an answer.

What the hell is happening? Kung wala si Josh sa company at sa bahay ng parents niya, then where is he?

Tumayo ako at iniwan muna si Justin sa dining. I get my phone from my clutch bag na nasa sofa tsaka ko iyon binuksan.

Wala man lang text or tawag na galing kay Josh so I decided to contact him pero hindi niya sinasagot. I dialed his number twice pero hindi niya iyon sinasagot.

"Jah may alam ka ba kung saan siya pwedeng pumunta?" tanong ko kay Justin nang sumunod siya sa akin dito sa sala.

"Wala Ate. Lagi lang naman iyon nasa company eh, and kapag umiinom man 'yon kapag may problema, sa gabi iyon at hindi sa ganitong oras." sabi niya.

Dahil sa frustrations ay napaupo nalang ako sa sofa.

Hindi ko alam kung saan man pumunta si Josh dahil hindi naman siya palaalis. Aalis lang iyon kapag importante, sa kumpanya man o sa personal niyang buhay at lagi naman niya akong kasama.

Sinubukan ko ulit siyang tawagan, and finally, finally he answered.

"Where are you?" halos mangiyak-iyak kong tanong sakaniya.

Justin is on my side, he's caressing my back.

Samantalang hindi man lang nag-salita sa kabilang linya si Josh kaya saglit akong napapikit. Ano bang ginagawa niya.

"Love, please come home. Mag-usap tayo, I promise I'll explain everything to you." sabi ko pa at mahinang humikbi.

Ilang segundo rin kaming natahimik. Tanging hikbi ko lang ang naririnig namin. Josh isn't even talking, ni isang salita wala siyang sinasabi. Hindi nagtagal ay narinig ko na pinatay na niya ang tawag.

Inilapag ko nalang ang phone ko sa sofa at tumulala sa kawalan. I sighed, why is this happening?

Bumalik nalang ulit ako sa kwarto at nagbihis ng pambahay lang, tutal hindi naman na ako makakapasok sa trabaho. Justin is here at the house, sinamahan niya ako. Ang sabi niya ay aalis lang daw siya kapag dumating na si Josh.

"Sure ka Jah? Baka may lakad ka, makaabala pa ako." tanong ko sakaniya dahil nagpilit siya na samahan ako dito sa bahay.

"Sure ako Ate. Wala naman akong lakad ngayon." sabi niya kaya tumango nalang ako.

Justin suggested na manood kami ng movies kaya iyon ang ginawa namin. But time to time ay hinihintay ko pa rin si Josh. Three hours had passed but Josh is still not home yet. Sinubukan ko pa siyang tawagan pero hindi na niya sinagot.

"Don't worry Ate, uuwi rin siya. Baka maya-maya nandito na 'yon." Justin suddenly said. Tinanguan ko nalang siya, tama naman siya.

Nanonood pa rin kami ng movie pero iniikot ko ang paningin ko rito sa sala. Hanggang sa mahagip ng mata ko ang full body mirror na nakadikit sa wall.

I stared at myself through the mirror at napunta ang tingin ko sa tiyan ko. I stood up tsaka ako tumapat doon. Mariin kong tinitigan ang katawan ko, pakatapos ay sa tiyan ko.

"Jah" tawag ko kay Justin, napatingin naman siya sakin. "Halata ba na buntis ako? I mean nahahalata ba itong baby bump ko?" tanong ko sakaniya.

Sandali rin niya akong tinitigan bago sumagot. "Kapag mariin nilang tinitigan yang tiyan mo, mahahalita nila. Pero kapag hindi, hindi."

Saktong pagtapos ng pagsasalita ni Justin ay biglang bumukas ang main door na siyang pagpasok ng isang tao na kanina ko pang hinihintay.

"Josh..." banggit ko sa pangalan niya.

My Boss, My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon