JOSH's POV
I stopped when I heared Nicole's name. I didn't expect this.
"What about her?" kalmado kong tanong kalaunan.
"Paano niyo siya nakilala? And I heared na may kaaway siya kanina dahil may nakarinig and now, nalaman ko na si Sam pala 'yon. How did that happen? May nagawa ba yung isa sakanila kaya sila nag-away?" Paulo asked me.
I took a shot first before answering him.
"She was my client. We met a year ago, secretary ko na noon si Sam. Tanda mo pa ba nung sumunod kayo samin sa Resort sa Batangas? Siya yung client na kinita ko roon." I started. "Ilang beses na rin kaming nagkita dati but that was for business purposes only, Sam knows it dahil parati kaming magkasama. Minsan nang nagselos si Sam sakaniya kaya minsan yun na rin nagiging cause ng away namin pero naaayos din namin 'yon. Pero mag-iilang buwan na rin naman simula nung pinutol ko na yung connection ng company ko sa company nila kaya hindi ko na rin alam kung bakit nanghihimasok siya sa relasyon namin si Sam." inis kong paliwanag.
Patuloy lang na nakikinig sakin si Paulo kaya nagpatuloy ako.
"Minsan na niyang siniraan si Sam sa akin, pinuntahan niya ako sa office ko and she showed me pictures of Sam na may kasamang ibang lalaki na kumakain sa labas but it didn't work. Excuse my words Pau pero ang tanga niya. Yung picture na pinakita niya, eh picture 'yon nina Sam at Justin. Magkapatid 'yon anong masama sa kumain sila sa labas." sabi ko at suminghal pa.
I just get annoyed everytime na naaalala ko yung mga ginawa niya kay Sam.
"But now, Pau, I don't know. Yung nangyari kanina, yung pinakitang pictures ni Nicole kanina. T-That's Sam, may kasamang lalaki, m-magkayakap, magkausap." sabi ko tsaka umiwas ng tingin.
Umiling-iling nalang ulit ako. Hindi ko dapat paniwalaan iyon. No. Ngayon pa ba.
Tinapik-tapik ako ni Paulo sa balikat kaya muli akong napatingin sakaniya.
"Wag kang maniniwala sa naninira sa relasyon niyo Josh. Kilala mo si Sam, ikaw ang nakakakilala sakaniya at hindi yung iba. You know what she's capable of doing at sa tingin mo ba magagawa niyang lokohin ka? At ngayon pa kung kailan ikakasal na kayo't magkaka-anak." he seriously said. "Talk to her tomorrow, kapag parehas na kayong maayos. Ayusin niyo rin yung naging problema niyo kanina. Talk to that old man na pagsabihan niya yung anak niya."
Sandali tuloy akong napatitig kay Paulo. Napaisip ako tungkol sa huli niyang sinabi.
"Who's that old man you're talking about?" taka kong tanong.
"Yung tatay nung Nicole." inis niyang sabi kaya mas lalo tuloy akong nagtaka.
Bakit ba naiinis siya pag nababanggit niya si Nicole? At isa pa, bakit siya nagtatanong sakin tungkol sa ganitong bagay. Unless kung meron siyang gustong ipunto.
"May gusto ka bang sabihin? Kilala mo ba sila?" nagtataka kong tanong.
Paulo took a shot of his drink before gazing his attention on me.
"I don't know them, at wala akong balak na kilalanin sila. I don't even care about them." bored niyang sagot.
"Eh bakit ka nagtatanong about dito?"
Silence surrounded as after I asked him another question. Nakatingin lang si Paulo sa baba.
Ilang minuto rin siguro kaming natahimik bago siya nagsalita.
"Narinig ko lang kasi si Dad na may kausap sa phone. He was talking about an arrange marriage thing. Narinig ko yung ibang sinabi niya at narinig ko nga rin doon yung pangalan na Nicole. At dapat din pala, magkikita kaming dalawa last week pero hindi ako pumayag. Nawalan ako ng pake kung magalit man sakin si Dad. Pero ngayon, ngayon lang ako pumayag na ako na ang umattend doon sa birthday niya because Dad was so busy. Kakausapin ko na rin sana si Nicole about the thing at sasabihan ko siya na wag siyang papayag pero mukhang hindi naman na ata kailangan." tumigil muna siya sa pagsasalita at bumuntong-hininga. "I just hate that. Ayokong pinapakialaman ang buhay ko. Tsaka, alam mo naman diba, I already have someone at hinihintay ko nalang siyang bumalik." bahagya pang humina ang boses niya sa huli niyang sinabi.
I know what he's talking about kaya tinanguan ko siya.
What he's talking about is his ex. Naging sila two years nung college kami pero naghiwalay din bago umalis ng bansa yung ex niya. But we heared na malapit na rin daw iyon na bumalik, mga ilang buwan nalang daw.
Nabalot ulit kami ng katahimikan.
Iniisip ko rin yung mga sinabi niya kanina. Na may balak pala si Tito na i-arrange siya doon kay Nicole.
Bahagya nalang akong napangiwi. Sa ugali ng babaeng 'yon, walang papatol doon. Or kung meron man, hindi rin magtatagal 'yon.
Paulo checked his phone bago bumaling sakin.
"Nasa labas na ng subdivision niyo yung pinapunta kong driver. I'm going." sabi niya at tumayo na.
Tumayo na rin ako at tumango. Pero ilang segundo lang ay may narinig kaming foot steps na pababa ng hagdan.
And we both looked at Sam nang makababa na siya. Dahan-dahan siyang lumapit sakin at tinignan yung nasa harap namin na mga bote ng alak. She sighed.
"Ah Sam, I'm going" sabi ni Paulo. Tumango nalang si Sam sakaniya. "Josh" sabi niya pa sa akin kaya tinanguan ko nalang din siya.
Pakatapos ay tuluyan na ngang umalis si Paulo. Kami nalang ni Sam ang natira.
"Matutulog na 'ko." paalam ko kay Sam nang hindi man lang siya tinitignan.
Aakyat na sana ako pero nagsalita siya.
"Talk to me love, please" mahina niyang sabi.
I sighed pero hindi ko pa rin siya nilingon.
"Bukas nalang" sabi ko.
Tuluyan na akong umakyat at pumasok sa kwarto namin. Nagbihis muna ako bago humiga.
Sandali pa akong napaisip. Aaminin ko ulit na nagseselos pa talaga ako hanggang ngayon dahil doon sa picture na iyon.
BINABASA MO ANG
My Boss, My Husband
FanfictionJosh Cullen Santos, the CEO of the biggest company in the country. He almost got everything he needs. Money, house, his company, ano pa ba? Isa lang naman ang wala pa siya e, girlfriend. His parents wants him to get married before he turns 30. Pinip...