I checked the time on my phone and it's 6 AM. Agad akong bumangon sa pagkakahiga. Pinakiramdaman ko muna ang sarili ko. Maayos na ang pakiramdam ko, hindi na rin ako nilalagnat.
I know na umuwi na si Josh, maybe kagabi. Alangan naman dito siya matulog, diba?
Pumasok muna ako sa CR ng kwarto ko at agad na naghilamos. Pakatapos ay lumabas na ako ng room ko. Bumaba na ako at pumunta sa kitchen para magluto ng breakfast ko.
I'm feeling better now kaya papasok na ako sa trabaho. 6 AM na kaya mamadaliin ko na 'to. I cooked bacons, egg and fried rice for breakfast. Ako lang naman ang kakain pero pangdalawang tao ang niluto ko.
Habang nilalapag ko sa table ang niluto ko ay biglang may humawak sa bewang ko.
Nahinto ako sa ginagawa ko at hindi makagalaw. Agad akong kinabahan dahil ako lang naman mag-isa rito. May nakapasok bang magnanakaw?! Napalunok nalang ako. Dahan-dahan akong lumingon only to see a familiar man smiling at me.
It's Josh!
Napatitig ako sa kaniya at agad na nawala ang kaba na nararamdaman ko pero nandun pa rin ang pagkagulat. What is he doing here? Don't tell me na hindi siya umuwi at dito siya natulog?
"Goodmorning Sam" he said.
Nabalik lang ako sa ulirat nang magsalita siya.
"G-goodmorning." I greeted him back.
Tinanggal na ni Josh ang pagkakahawak niya sa bewang ko at tinulungan ako sa ginagawa ko. Siya na ang naglapag ng mga niluto ko sa lamesa.
"What are you still doing here? Don't tell me that you didn't go home yesterday." sabi ko sakaniya.
Umupo na ako at ganon din siya.
"Hindi nga. I slept here in your house." he asnwered.
"Here?! Eh, hindi nga kita nakita tapos nagulat nalang ako nasa likod na kita." I said.
"Nasa sala ako, sa sofa ako natulog." he said.
Saglit akong natahimik at napaisip. I'm trying to remember kung nasa sala nga ba siya. Natandaan ko na dumiretso nga pala ako sa kusina kaya hindi ko siya nakita sa sala. Parang nakakahiya naman sakaniya, una nakatulugan ko siya at kahit hindi man niya sabihin, alam kong siya ang nagbuhat sakin papunta sa kwarto, and sa sofa pa siya natulog. Gosh, ano kaya magandang pambawi?
I just nod my head at him at kumuha na ng pagkain.
"Kumain ka na rin." sabi ko sakaniya.
"So ganito pala ang pakiramdam kapag araw-araw na kitang kasama. Yung nagluluto ka ng breakfast natin tsaka sabay tayo kumakain. Wife material huh, I love it." he suddenly said kaya napatingin ako sakaniya.
Hindi nalang ako nagsalita pero ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko. I feel like I'm blushing, wag sana niyang mahalata.
"By the way, maayos na ba pakiramdam mo?" he asked.
Kumakain na rin siya.
Tumango ako sakaniya at nagpatuloy sa pagkain.
"Papasok na 'ko ngayon sa office." sabi ko sakaniya.
Naramdaman ko ang pag tingin niya sakin. Kunwari nalang hindi ko alam na nakatingin siya sakin at patuloy lang akong kumakain.
"Wag muna." he said kaya tumingin ulit ako sakaniya.
Nagkatinginan tuloy kami. Ako na ang nag-iwas ng tingin.
"Why?" pagtanong ko sakaniya.
Okay naman na ako. I'm feeling better now at kaya ko na ulit pumasok sa office, ba't sinabi niyang wag muna?

BINABASA MO ANG
My Boss, My Husband
FanfictionJosh Cullen Santos, the CEO of the biggest company in the country. He almost got everything he needs. Money, house, his company, ano pa ba? Isa lang naman ang wala pa siya e, girlfriend. His parents wants him to get married before he turns 30. Pinip...