We decided na yung dala ko nalang na kotse yung gamitin namin papuntang sementeryo. Justin was silent while we're on our way there. Hinayaan ko nalang siya dahil alam kong nag-iisip-isip pa siya.
Nang makarating na kami sa sementeryo ay pumunta kami sa puntod ni Papa. Ako muna ang nagsalita, tila kinakausap ko ang puntod ni Papa na parang siya mismo iyon. Nang tapos na akong magsalita ay si Justin naman. I was staring at him the whole time at hindi nakatakas sa paningin ko ang pangingilid ng luha niya habang nagsasalita.
I placed my hand at his back and caressed it.
Noon, kami lang ni Mama ang bumibisita rito sa puntod ni Papa. But now, kasama ko na yung kapatid ko, I'm with Justin now.
Ako naman ang umiwas ng tingin. I immediately wiped my tears away. Pakatapos ay bumaling din agad ako kay Jah nang nakangiti.
We stayed at the cementery for an hour, hanggang sa nag-aya na si Jah na bumalik na. At dahil alas-kwatro na ng hapon ay inaya ko na muna siya sa isang fast food para magmeryenda. Nag-usap kami habang kumakain hanggang sa matanong niya sa akin kung paano ko raw sasabihin kay Mama na nahanap ko na siya.
"Uh, I'll talk to her later and I'll explain what happened." I said, reassuring him.
Tumango naman siya at ngumiti kaya ngumiti rin ako. Hanggang sa may sumagi sa isip ko.
"Jah"
Tumingin siya sa akin, nag-aantay ng sasabihin ko.
"Kapag nalaman na ni Mama, would you stay at the house?" dahan-dahan kong tanong.
I smiled when he slowly nods his head and smiled at me. "Ofcourse yes. Ilang taon akong nawala kay Mama, sainyo. Siyempre gusto ko kayong makasama." sabi niya na ikinatuwa ko.
Nang matapos kami ay nag-order pa ako ng para kay Josh. Diretso rin kaagad ako sa company pakatapos nito. Tutal ay nakausap ko naman si Jah, naliwanagan na siya at nagka-ayos na kami.
Hinatid ko si Jah sa bahay nila dahil isang sasakyan lang ang ginamit namin. We hugged each other bago ako umalis at bumalik sa company. I was smiling the whole time.
Sa wakas ay alam na ng kapatid ko na kapatid ko siya. Ang sarap lang sa pakiramdam.
After I parked Josh's car ay agad na akong pumasok sa building at pumunta sa office niya. Hindi ko alam kung tapos na ba ang meeting ngayon ni Josh kaya hindi ko alam kung nasa office niya lang ba siya o nasa conference room.
I saw Ms. Pia walking so I approached her.
"Ms. Pia!"
Bahagya pa siyang nagulat sa pagtawag ko. Lumapit ako sakaniya.
"Yes Sam?"
"I'll just ask if nasa meeting pa ba si Josh ngayon." sabi ko.
"Sa pagkakaalam ko ay tapos na kani-kanina lang yung meeting. Nagsilabasan na kasi sila sa conference room."
Tumango ako at nagpasalamat sakaniya.
I walked my way towards Josh's office. Nakangiti akong naglalakad. Pero bago ko pa man mabuksan ang pinto ng office niya ay may narinig akong isang boses. My brows automatically furrowed when the voice I heared was familiar.
Hindi na ako nagdalawang isip na pumasok sa loob. I saw Nicole standing in front of Josh's table.
Hindi nila napansin na nandito na ako.
"You should get out. Wala ka namang importanteng sadya rito." Josh said, his eyes are fixed on his laptop. Hindi niya rin binabalingan ng tingin si Nicole. I smirked.
BINABASA MO ANG
My Boss, My Husband
FanfictionJosh Cullen Santos, the CEO of the biggest company in the country. He almost got everything he needs. Money, house, his company, ano pa ba? Isa lang naman ang wala pa siya e, girlfriend. His parents wants him to get married before he turns 30. Pinip...