"Sir Josh, you have a client who wants to meet you." I said while my eyes are still fixed on the paper I am reading.
Nandito kami sa conference room so dapat formal kami dahil nandito pa yung ibang empleyado.
Nasa tabi ko naman si Sir Josh.
"Ngayon ba? Anong oras?" tanong niya sakin.
Umiling ako tsaka siya tinignan.
"It's not here in Manila. It's somewhere in Batangas." sabi ko sa kaniya.
"Kailan ba?" he asked again.
Tumingin ulit ako sa papel at tinignan kung kailan yung date na nandoon.
"Sa weekend pa naman pala. You have the time to think kung kayo ang pupunta doon or sila nalang dito ang pupunta." sabi ko.
Tumango-tango naman siya.
It's Thursday afternoon today. He still have time until tomorrow to think about it.
Naunang bumalik si Sir Josh sa office niya dahil inayos ko pa yung mga papers na naiwan niya dito sa conference room.
"Ms. Gonzales" someone called me.
Tumingin ako sa paligid, tinignan ko kung sino ang tumawag sakin. May isa lang na tao ang nakatingin sakin, yung isang member ng board.
"Yes Ma'am?" I asked him, smiling.
Lumapit siya sakin at may ibinulong na ikinagulat ko.
"Is there something going on between you and the CEO?" she asked, referring to Sir Josh.
Agad naman akong umiling-iling. What made her think na may namamagitan samin ni Sir Josh? Ni minsan hindi nga sumagi sa isip ko yung ganon e.
"Nothing Ma'am. I'm just his secretary, that's all." I said.
Bahagya tuloy akong nahiya.
"Okay, sabi mo e." she said casually. "Parang ang saya niyo kasi kapag magkasama kayo e." dagdag niya pa.
I smiled a little. "Yun po ba? Mabait naman po si Sir Josh e. Magaan siyang ka-trabaho." I explained to her.
Tumango-tango nalang siya. "By the way, just continue your work. I like you for being his secretary and bilang ka-trabaho na din namin. Hindi ka katulad ng mga nagdaang secretary ng boss mo. Iba ka sakanila, maayos at organized kang tao. Keep it up." sabi niya sakin.
Nahihiya naman akong nagpasalamat. I think it's my first time receiving a compliment from others here at the company. Mataas pa ang posisyon nung pumuri sakin, she's a member of the board.
Lumabas na siya ng conference room.
After I finished what I am doing ay bumalik na rin ako sa office. Naabutan kong nakatingin lang sa labas si Josh, nakatulala. Hindi niya siguro naramdaman na pumasok na ko kaya hindi siya lumingon. Nasa labas lang ang tingin niya.
"May problema ba?" I suddenly asked.
Bahagya pa siyang nagulat kaya lumingon siya sakin.
"W-wala. It's just a little headache. Hindi kasi ako nakatulog kagabi kaya siguro medyo masakit yung ulo ko." he said.
I got worried for him kaya agad ko siyang tinanong kung uminom na ba siya ng gamot pero umiling lang siya.
"Wait, may mga gamot ka ba dito?" I asked him pero umiling lang ulit siya.
Bumuntong hininga ako at tumayo. Pumasok ako sa mini office ko at kinuha ang bag ko. I checked if may gamot ba akong dala para sa sakit ng ulo and luckily meron kaya agad akong bumalik kay Josh.
BINABASA MO ANG
My Boss, My Husband
Fiksi PenggemarJosh Cullen Santos, the CEO of the biggest company in the country. He almost got everything he needs. Money, house, his company, ano pa ba? Isa lang naman ang wala pa siya e, girlfriend. His parents wants him to get married before he turns 30. Pinip...