CHAPTER 38

2.8K 89 0
                                    

SAMANTHA's POV

I thank Josh for his consideration. Siya pa talaga nag-insist na dapat ko ng kausapin si Justin.

Half day lang ako ngayon sa office. After we ate our lunch ay sumama pa muna ako kay Josh pabalik sa office para kunin yung gamit ko.

He let me use his car again. I hesitated at first, I said that I can manage to commute but he insisted kaya pumayag na ako.

I drove my way back to our house to change my clothes. Hindi rin ako nagtagal at agad ding umalis.

Papunta na ako kay Jah, sana lang talaga at kausapin na niya ako. Hindi na ako nagmessage sakaniya dahil baka pag nalaman niyang pupunta ako sakaniya ay baka umiwas at umalis lang siya. I know Justin's place dahil minsan na rin akong nakapunta roon kasama sina Josh at ang mga kaibigan nila. Sa ngayon ay nandoon siya sa parents niya or should I say sa kumuha at umampon sakaniya.

Medyo may kalayuan ang bahay nila sa amin. It took me forty minutes to finally reach their place. Nang sa wakas ay nakarating na ako ay hindi pa muna ako bumaba ng sasakyan. I observed the place, napakatahimik. Iniisip ko kung nandoon ba siya. Sana naman hindi siya umalis.

I get my phone and texted Josh.

S: I'm already infront of their house love. Kinakabahan ako. I just hope na nandito siya at hindi siya umalis.

Seconds after I texted Josh ay napagdesisyunan ko na bumaba na. I took a deep breath before I rang the doorbell at their house. Hindi naman nagtagal at may nagbukas na non.

Yung kinalakihang magulang ni Justin ang nagbukas non. Mukha pa siyang gulat nang makita ako.

"H-Hi po T-Tita" kahit na kinakabahan ay ngumiti pa rin ako. "Nandyan po ba si Justin? Kakausapin ko po sana siya, importante lang po." diretsa ko nang sabi.

"Y-Yes hija. Nasa taas si Jah. Halika, pasok ka." sabi ni Tita.

Tita let me go inside their house. She led the way upstairs, papunta sa kwarto ni Jah. Sinabi ko sakaniya na kahit sa living room ko nalang hintayin si Justin but she insisted. Napansin ko rin na iba ang tingin sakin ngayon ni Tita, parang meron siyang gustong sabihin sa akin. Kahit na curious ako ay isinawalang bahala ko nalang iyon at sumunod sakaniya.

Tita knocked first on Justin's room. Hindi rin nagtagal ay bumukas na iyon.

Justin is shocked to see me. I smiled a little at him, hoping that he would smile back but he didn't, umiwas lang siya ng tingin. Inaya akong pumasok ni Tita sa loob kaya sumunod nalang ako, pinaupo niya ako sa couch na naroon.

"Talk to Samantha, Justin." Tita seriously said. Justin didn't say a thing. "Maiiwan ko na kayo rito." Tita added. Hinawakan pa niya ako sa balikat at nginitian. I smiled back and thank her. Pakatapos ay iniwan na niya kami ni Justin dito sa kwarto.

Justin and I were silent. Ilang minuto rin ata kaming tahimik. Huminga muna ako ng malalim bago tumingin sakaniya. He's looking down.

"Justin I'm sorry."

"I'm sorry Ate Sam."

Nagulat ako nang magkasabay kaming nagsalita. I didn't expect that.

Magsasalita ulit sana ako pero nauna na siya.

"Ate Sam I'm sorry. Sorry sa inasal ko kahapon at napagtaasan kita ng boses." he sincerely apologized.

A small smile suddenly flashed on my lips.

"No, I deserved it, don't be sorry. Ako ang may kasalanan sayo. I secretly took a DNA sample from you without your consent." I said and bowed down my head.

My Boss, My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon