SAMANTHA's POV
Hindi na ako masyadong nagulat sa inasta ni Josh sakin ngayon pero nasaktan pa rin ako. I know what he's feeling. Pero hindi ko talaga inakala na papaniwalaan niya talaga yung nakita niya sa picture na iyon. Kilala naman niya ako, alam niyang hinding-hindi ko magagawa iyon sakaniya.
Before I lost my consciousness earlier, hindi ko alam kung galit siya o ano. Hindi niya siguro ako papansinin kung hindi pa ako nawalan ng malay. Ngayong nagising na 'ko, medyo nahihilo pa rin ako pero binabalewala ko nalang iyon.
Mag-isa ako ngayon na naiwan sa sala. Josh is in our room now. Ramdam ko ang lamig sa boses niya kanina.
My tears are falling while remembering what happened earlier. Gusto ko na siyang kausapin pero ayaw naman niya. Gusto kong magpaliwanag sakaniya. Bukas, hindi ko alam kung kakausapin niya ba ako, knowing he's jealous. Baka iwasan nanaman niya ako.
Dahan-dahan akong umakyat at pumasok sa kwarto namin. Nadatnan ko siyang nakahiga na sa kama at nakapikit na but I do not know if he's still awake or not.
Kinuha ko ang phone ko. Bago ako lumabas ng kwarto ay saglit ko pa siyang tinitigan.
"S-Sorry love" I whispered before going out in our room.
Bumaba ulit ako at pumunta sa sala.
Hindi ko na rin mapigilan na mapahagulgol. I frustatedly look on my phone. Binuksan ko iyon at tinignan ang mga contacts na nandoon.
I need someone to talk right now. Matagal kong tinitigan ang pangalan ni Justin at ni Mama doon. Gusto kong may makausap isa sakanila pero ayokong makaistorbo. Tinignan ko ang oras at alas dos ng madaling araw na.
Pinunasan ko nalang ulit ang luha ko bago ko hinawakan ang phone ko. I decided na wag nalang silang tawagan, mag-aalala lang sila.
I cried again, out of frustration. I covered my face with my hands habang hawak pa rin ang phone ko.
Umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa nagulat nalang ako nang may magsalita sa phone ko galing sa kabilang linya.
"Hello Ate. Are you crying?" narinig ko ang nag-aalalang boses ni Justin sa kabilang linya.
Napatakip ako sa bibig ko. Nagpunas ulit ako ng luha bago nagsalitan
"N-No Jah. H-Hindi ako u-umiiyak." I said, trying not to cry. "Sige na, napindot ko lang 'to, s-sorry sa istorbo." sabi ko at agad na pinatay ang tawag.
Inilapag ko nalang sa table ang phone ko.
Hindi ko alam na aksidente ko palang napindot 'yon at natawagan siya. Pinatay ko nalang ang phone ko para wala na don makatawag.
Napatitig nalang ako sa kawalan. Unti-unti na rin akong tumatahan. Nag-stay nalang ako sa sala ng halos isang oras. Umakyat lang ako sa kwarto nang dalawin na ako ng antok.
Tanghali na nang magising ako dahil madaling araw na rin naman nang natulog ako kanina. Wala na si Josh sa tabi ko nang magising ako kaya napabuntong-hininga nalang ako. I just thought that he's in the office.
And as usual, pakagising ko kanina ay diretso nanaman ako sa banyo at doon sumuka. Pakatapos ay mabilis akong naligo. Nag-isip-isip pa ako kung susunod akong papasok sa kaniya sa trabaho pero kalaunan ay nagdesisyon agad ako. Sinuot ko na yung sinusuot ko kapag papasok ako sa office, nag-ayos na ako at inayos ko rin yung make up ko para hindi halata na kagagaling ko lang sa iyak. Pakatapos ay lumabas na ako ng kwarto.
Bago pa ako makababa ng hagdan ay narinig ko na tumunog ang doorbell. Napakunot noo naman ako. Sino naman ang pupunta rito sa bahay ganitong oras.
Hindi na umulit tumunog ang doorbell kaya naisip ko na baka may nantrip lang non kaya bumaba na ako. Pakababa ko ay nagulat ako dahil siya ding pagpasok ni Justin. He's holding some paperbags.
"J-Jah"
"Nag-aalala ako sayo Ate kaya ako pumunta rito. Narinig kitang umiiyak nung—"
Pinutol ko na kaagad siya sa pagsasalita. "I didn't cry Justin." I said.
Natigil naman siya at tinitigan ako. I sighed before walking.
"Aalis na ako, may trabaho pa ako." pagpapaalam ko sakaniya pero hinarangan kaagad niya ako.
I sighed again. Eto naman si Justin sa pagiging makulit niya.
"You're not yet eating Ate. Kumain ka."
"Hindi ako nakapagluto. Sa Resto nalang ako kakain." sabi ko at akmang hahakbang na ulit sana pero nagsalita pa siya.
"That's why I ordered food for us. Kumain muna tayo or isusumbong kita kay Mama at kay Kuya Josh."
This time, I'm the one who stopped when I heared Josh's name. Bumuntong hininga ako. I really need to talk to him.
Napansin iyon ni Justin kaya tinapik-tapik niya ako sa balikat. Napatingin naman ako sakaniya at ipinakita niya sa akin yung dalawang paper bags ba hawak niya.
"Ano yan?"
"Foods. Don't worry Ate, may rice 'to and steak din 'tong inorder ko."
Para akong naglaway at bigla nalang ginanahan na kumain nang marinig ko na steak ang pagkain na inorder ni Justin. Kinuha ko na sakaniya yung isang paper bag tsaka kami dumiretso sa dining.
Ako na ang naghain. Mabilis lang iyon dahil nagmamadali ako.
We immediately started eating as soon as nahain ko na yung pagkain. Di ko namalayan na sunod-sunod na pala yung pagsubo ko kung hindi pa ako awatin ni Justin.
"Dahan-dahan lang Ate. Baka mabulunan ka." sabi niya tsaka ako inabutan ng tubig.
I drink the water first before speaking.
"Hindi. Tsaka okay lang din Jah. Just so you know, there's a baby inside my womb now kaya minsan napapadami talaga ang kain ko." I explained to him while eating.
Naramdaman ko na natigilan si Justin kaya tinignan ko siya. I snapped my finger right on his face dahil napatitig na siya sakin. Nabalik din naman siya sa ulirat.
"B-Baby, as in b-bata?" tanong niya nang medyo nakaawang pa ang bibig. Natatawa naman akong tumango. "Really? Alam na ba ni Kuya Josh?"
Natigil ako nang banggitin niya ulit si Josh. Tumango nalang ako kay Justin at hindi na umimik. Ipinagpatuloy ko nalang ang pag kain ko.
"Ba't parang di ka masaya?" mahinang tanong niya.
I sighed before talking.
"Masaya ako Jah. Masaya ako na malaman na buntis ako, si Josh sobrang saya din niya nung sinabi ko sakaniya. We're very happy. But we just had a little misunderstanding last night." I said.
Habang nagsasalita ako ay feeling ko maiiyak ako kaya pinipigilan ko iyon. Nakakapagod umiyak.
"Little misunderstanding nga lang ba Ate? But why is he not in his company? Bago ako pumunta rito, galing din ako sa bahay nila Tita dahil akala ko nandoon siya or kayo. Pero wala raw doon kaya dito na ako pumunta and naabutan nga kita dito kanina, tulog pa."
Sandali akong napatitig kay Justin habang nagsasalita siya.
"Wala siya sa company?" mahina kong tanong.
BINABASA MO ANG
My Boss, My Husband
FanfictionJosh Cullen Santos, the CEO of the biggest company in the country. He almost got everything he needs. Money, house, his company, ano pa ba? Isa lang naman ang wala pa siya e, girlfriend. His parents wants him to get married before he turns 30. Pinip...