CHAPTER 24

3.1K 106 15
                                    

After kong sagutin si Josh ay mas naging sweet siya. I mean, sweet na siya noon pa man but he became more sweeter and caring which I really admire.

For now, only our family knows about our relationship. Hindi pa rin ni Josh nasasabi sa mga kaibigan niya. People in the company doesn't know anything about it. Pero sa tingin ko, parang nakakahalata na si Ms. Pia. She asked me last time pero wala akong naisagot sakaniya. Good thing that she understands, sabi niya ay hihintayin nalang niya akong umamin. Wala naman daw masama kung kami nga ni Josh, which is totoo nga.

Sa totoo lang, gusto kong sabihin ang totoo kay Ms. Pia pero madaldal din iyon eh, baka ipagkalat ng wala sa oras. Natawa nalang ako sa isipan ko ng sabihin kong madaldal si Ms. Pia.

Maybe I'll just ask Josh about that thing.

"Hey love, it's already lunch time. Mamaya na yan." sabi ko kay Josh.

Kanina pa kasi siya nakatutok sa laptop niya. He's reviewing some files and pinag-iisipan rin niya kung itutuloy niya pa ba yung appointment niya kay Mr. Del Valle. 

"Sorry love, lunch na ba?" he asked. Tumango naman ako.

He closed his laptop at tumayo na sa swivel chair niya. Lumapit siya sakin at inilahad niya sa harap ko ang isa niyang kamay. Nagtataka naman akong tinignan iyon.

Mukhang nabasa niya ata ang nasa isip ko kaya nagsalita siya. "We're going to eat outside." he said. Napatango naman ako, I accepted his hand kaya magkahawak kamay na kami.

Lumabas kami ng office niya ng magkahawak ang kamay. Saka ko lang naalala na baka may makakita kaya napatigil ako. Natigil din si Josh at lumingon sakin.

"Why?" he asked.

Tumingin pa muna ako sa paligid bago magsalita.

"Ah love, someone might see us holding hands." I said worriedly.

He sighed and just smiled. Hindi niya pa rin binibitawan ang kamay ko, bagkus mas lalo niya lang iyong hinigpitan.

"Don't worry love, akong bahala. There's nothing that they can do." he complacently said.

Napatitig ako ng ilang saglit sakaniya. Pakatapos ay napatango nalang. Kahit na kinakabahan sa pwedeng maging reaksiyon ng mga empleyado niya o ng tao na nasa paligid namin, hindi ko pa rin binitawan ang kamay niya.

And just as I expected, nang makita kaming dalawa ni Josh na magkahawak kamay ng mga empleyado niya ay nakarinig ako ng mga bulong-bulungan. I saw how shocked they are nang makita ang magkahawak naming kamay ni Josh. On the other hand, nang tignan ko si Josh ay normal lang siya, parang wala lang na pinagtitinginan kami ng mga empleyado niya. Nakita ko rin si Ms. Pia na nakatingin sakin, she's smiling from ear to ear. I just smiled back at her a little and continued walking with Josh.

Nang makalabas na kami ng company at nakapunta na sa sasakyan niya ay saka palang ako nakahinga ng maluwag. I felt uncomfortable kaninang pinagtitinginan kami eh.

"Nagulat sila eh." biglang sabi ko at bahagya pang natawa.

Napalingon naman sakin si Josh sandali dahil nagddrive siya. "Oo nga" sabi niya at natawa rin.

Mabilis lang kaming nakarating sa Restaurant. Ito yung Restaurant na kinainan namin ni Josh noon, masasabi kong masasarap ang nasa menu nila rito.

Josh was the one who ordered food for us.

Habang hinihintay namin yung pagkain ay may bigla akong naisipan itanong sakaniya.

"Favorite Restaurant mo ba 'to love?" tanong ko kay Josh.

"Yes love. Dito ako madalas kumain tuwing nasa company ako at kapag wala sa bahay." sabi niya. Napatango-tango naman ako. "Ba't mo nga pala natanong?" tanong naman niya.

"Wala naman. Pero kasi diba, remember last time nung inaya mo akong maglunch, dito rin tayo kumain." sagot ko sa tanong niya.

He just nod his head. "So what can you say about the foods here?" he asked again.

"It's great. Masarap." sabi ko ng nakangiti.

Nakita ko rin na napangiti si Josh. "Really?"

Tumango-tango naman ako.

"But you know love, may mas masarap pa rito." he said while smiling widely.

Nagtaas naman ako ng kilay.

"Ano?" takang tanong ko sakaniya.

"Ako." sagot niya nang nakangisi at nagtataas-baba ng kilay.

"Love!" saway ko sakaniya at pinandilatan siya ng mata, natawa tuloy siya.

Kung ano-ano pinagsasasabi niya. Namula tuloy ako dahil doon kaya nag-iwas ako ng tingin.

Mabuti nalang at dumating na kaagad ang mga pagkain kaya doon ko nalang binaling ang atensiyon ko. Tahimik lang kaming kumakain. Mukhang magiging paborito ko na rin ang Restaurant na 'to dahil sa sarap ng mga pagkain.

Pakatapos naming kumain ay saka binayaran ni Josh yung mga kinain namin.

Bumalik din kaagad kami sa kompanya pakatapos. Josh interwined our hands, pinabayaan ko nalang dahil nakita naman ng mga tao kanina. And as expected, pakabalik namin ng kompanya ay nandoon pa rin yung mga tingin nila samin at sa magkahawak naming kamay. Naglakad nalang ako ng diretso at hindi na iyon pinansin.

After our lunch, we came back to our work normally.

"Sign this." sabi ko sakaniya. I placed the paper in his table. Tumango siya at sinulyapan iyon at ibinalik ang tingin sa laptop.

Josh has no meeting assigned today kaya nandito lang siya sa office niya. Iyon ang gawi niya tuwing wala siyang meeting, he will stay at his office at gagawin ang kailangan gawin. No wonder he's a sucessful CEO. He's focused on his company, hindi niya iyon pinapabayaan. And hindi lang iyon, kahit na isa siyang CEO, hindi ko siya nakitang nagyayabang sa ibang tao sa ilang buwan ko na ring pagtatrabaho as his secretary. Napakabait at napakasipag niya and he deserves what he have right now.

That's why I love him. Hindi lang dahil sa kung anong meron siya kundi dahil na rin sa pagkatao niya.

My Boss, My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon