CHAPTER 60

2.6K 80 19
                                    

Kakagaling lang namin ni Josh sa OB ko dahil sinamahan niya akong magpacheck.

Maayos naman daw kami ni baby so there's nothing to worry about. Doctora said that normal lang naman daw yung mga nararanasan kong morning sickness though alam ko naman na iyon, tinanong lang kanina ni Josh dahil nag-aalala raw siya kasi madalas pagkagising ko ay parati akong nasusuka o naduduwal. Basta, pinaalalahanan lang ako na wag daw masiyado akong nagpapagod.

I'm three months pregnant now by the way.

Paalis palang kami ni Josh sa clinic. We're on his car at paalis palang kami. Since Josh cancelled all of his schedules today ay may gusto pa sana akong puntahan and I need him to be with me.

"Love pwedeng wag muna tayong umuwi?" tanong ko sakaniya.

Napalingon sa akin si Josh and he gave me a questioning look. "May gusto kang puntahan?" tanong niya kaya tumango ako.

"Oo, tsaka ano kasi..." nagdalawang-isip pa ako kung sasabihin ko ba sakaniya na kikitain ko si Noah. Naghihintay ng sasabihin ko si Josh kaya napalunok muna ako bago magsalita. "K-Kikitain ko yung kaibigan ko, si N-Noah. And I want you to come with me." sabi ko nang nauutal. "P-Para magkakilala na rin kayo." dagdag ko pa.

It took Josh a while before he responded. I'm a little bit nervous dahil baka magalit nanaman siya at hindi pumayag. Pero nakahinga naman ako ng maluwag nang sumagot na siya.

"Okay. Saan ba?"

Halos mapanganga ako sa gulat sa isinagot niya kaya natawa siya sa akin. I mean, seriously, pumayag kaagad siya? Walang bahid ng pagdadalawang-isip. Pero mukhang okay naman na 'yon. Para magkalinawagan lang.

Nang makabawi ako sa pagkakagulat ay sumagot na ako kay Josh. Sinabi kong sa isang coffee shop nearest to us, alam naman niya kung saan iyon kaya hindi na siya nagtanong pa.

Last night, I messaged Noah if we can meet each other. Sinabi ko na gusto ko lang siyang makita, at kamustahan na rin. I did not tell him that I will be bringing Josh with me.

"We're here love." Josh said. Itinigil na rin niya yung kotse. Bago kami bumaba ay nagtanong siya. "Nandyan na ba siya sa loob?" tanong niya.

Nagkibit-balikat lang ako. Wala pa akong natatanggap na message mula kay Noah eh.

Pero sakto naman, bago kami makapasok ni Josh ng coffe shop ay tumawag si Noah. I signaled Josh na sasagutin ko lang ang tawag kaya tumango lang siya.

"Hello Noah, nasan ka na? Nandito na 'ko."

"Hello Bes, sorry late. Pero I'm on my way na, malapit na 'ko, na-traffic lang. Kanina ka pa ba dyan?" Noah asked on the other line.

"Ah no, kakarating ko lang. It's okay, I'll just wait for you here." sabi ko.

"Okay, sige. Malapit na talaga ako, promise." sabi niya pa.

I just nodded my head kahit na hindi niya nakikita. Nagpaalam na ako at sinabing hihintayin ko nalang siya bago ko pinatay ang tawag. Pakatapos ay bumaling na ako kay Josh.

"Mauna na tayo sa loob love. He said he's on his way here na, malapit na raw siya." I said.

We were holding each other's hands when we entered the coffee shop. Kaunti lang ang tao na nandito sa ngayon. Humanap na kami ng table ni Josh na good for three people at doon pumwesto. Madali nalang kaming magkikita mamaya ni Noah dahil kaunti lang naman kaming tao na nandito, hindi na siya maghahagilap pa.

Pagkaupo na pagkaupo namin ay inalok agad ako ni Josh if gusto kong kumain. I then decided na mag-order na rin ng makakain naming tatlo para pagdating ni Noah ay may makakain na kami at tuloy-tuloy na ang pag-uusap.

"Yung cake love, dalawang slices sakin ha." paalala ko kay Josh bago siya pumunta sa counter para mag-order.

He just nodded then he left. Ako ang natira rito sa table namin. I'll just wait for Josh na nag-oorder and I'll also wait for Noah to come.

I'm also checking my phone if there's a message from Noah but there's none kaya wala akong nagawa kundi maghintay. Sabi naman niya kanina ay malapit na siya kaya kampante lang ako.

Maya-maya lang ay napatingin ako sa pintuan ng coffee shop nang tumunog ang bell doon, sign na may pumasok. I smiled when it is Noah.

I raised my hand and I also called him kaya napatingin naman kaagad siya sakin. He smiled when he see me, naglakad na rin siya papalapit sakin.

We hugged each other bago ko siya pinaupo.

"Thank you for coming." I said.

Naalala ko kasi na hanggang ngayon ay naghahanap pa siya ng trabaho. Mabuti nalang at pinagbigyan niya ako na magkita kami ngayon.

"Ano ka ba Bes, basta ikaw." sabi naman niya.

Napangiti nalang ako.

"Nga pala, I'm not alone. I'm with my fiance." I said.

Bahagyang nanlaki ang mata ni Noah kaya mahina nalang akong natawa. "Really? Nasaan siya?" he asked.

I pointed at the counter where Josh is. Busy umorder si Josh at nakatalikod siya samin kaya hindi pa kita ni Noah ang mukha niya.

"Siya?" Noah asked then he looked at me. Tumango naman ako. "Infairness ng fiance mo Bes. Nakatalikod palang pero tingnan mo nga naman ang tindig, tsaka feel ko na gwapo!" medyo ipit pa yung boses niya sa huli niyang sinabi, parang kinikilig.

I laughed a little before rolling my eyes at him.

"Ofcourse he's handsome!" I said, kunwaring nagtataray. "And not just that. He's also kind, napakabait niya." I said in a sincere voice.

Noah just nodded his head habang nakikinig sakin. Magsasalita pa sana ulit ako pero dumating na si Josh dala yung order namin kaya napatingin kaming dalawa ni Noah sakaniya.

"Excuse me, mukhang nagkakasiyahan na agad kayo ah." sabi niya.

Inilapag na rin niya sa table namin yung pagkain bago bumaling sa aming dalawa.

"So, you're Samantha's friend." sabi ni Josh kay Noah.

Noah just nods his head while smiling.

Inilahad din ni Noah ang kamay niya sa harap. "Yes, I'm Noah Dela Cruz. Sammy's friend since college." pormal na pagpapakilala niya.

Josh gladly accepted his hand. "Josh Cullen Santos, Sam's fiance." pagpapakilala naman ni Josh. They shaked each other's hands pakatapos ay pinaupo ko na sila, magkatabi kami ni Josh ata nasa harap namin si Noahn

"Omg, parang thirdwheel ako here." pabirong sabi ni Noah kaya natawa kami.

Napailing ako, kahit kailan talaga. I'm glad he didn't changed, palabiro pa rin siya gaya ng dati.

"Ikaw talaga!" sabi ko sakaniya habang tumatawa.

Doon na kami nagsimula na mag-usap-usap na tatlo. Nung una ay ako ang mas dumadaldal sakanila dahil kinakabahan ako na baka maging awkward kaming tatlo. Pero naging kabaliktaran ang nangyari, it didn't became awkward.

Naalala ko na magaling pala sa pakikipag-commumicate sina Josh and Noah so it didn't became awkward. Naging magaan lang ang pag-uusap namin. I'm happy na parang nagiging magkasundo na silang dalawa.

My Boss, My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon