CHAPTER 25

3.3K 98 22
                                        

"Love, may holiday next week diba. Magpapapasok ka ba ng mga empleyado?" tanong ko kay Josh.

Naalala ko kasi na may holiday next week. Hindi ko alam kung nagpapapasok ba siya ng mga empleyado niya kapag ganoong araw.

"Maybe? I don't know love." hindi sigurado niyang sagot. "Titignan ko nalang. If mayroon tatrabahuhin na importante, magpapapasok ako. And if none, hindi." dagdag niya pa.

Napatango nalang ako.

Sa akin, okay lang naman kung may pasok. Wala namang problema sa akin iyon.

I checked the time. It's already 2:30 in the afternoon. May meeting pala si Josh mamayang alas tres.

"Your meeting will be in thirty minutes love, baka nakalimutan mo." sabi ko pa sakaniya. Pinaalalahanan ko lang siya.

He just nods his head.

Ako naman ay inihanda yung mga kakailanganin niya mamaya. Inayos ko rin yung folders and envelopes kung nasaan yung ibang mga papeles para nakaayos lang.

"Let's go love." Josh said.

Tumango naman ako at umayos na.

He hold my hand, hindi naman ako umangal. Magkahawak-kamay naman kaming lumabas ng office niya. We walked towards the conference room. Nang makarating na kami sa tapat ng conference room ay tatanggalin ko na sana ang pagkakahawak ng kamay namin pero hindi niya iyon binitawan. Tinapik-tapik ko naman ang kamay niya.

"Makikita nila." sabi ko.

"It's okay. Wag kang kabahan." sabi niya.

Hindi naman ako kinakabahan. Nag-aalala lang ako tapos baka mapagalitan pa ako. Lalo na't nasa mataas na posisyon din sa kompanya ang nasa loob.

"Pasok na tayo?" tanong ni Josh.

Huminga muna ako ng malalim saka tumango.

We entered the conference room and their stares welcomed us. I can't read their reactions.

Naglakad lang si Josh papunta sa unahan kaya sumunod naman ako. Magkatabi lang naman kami parati dahil secretary pa rin niya ako.

Josh cleared his throat and all eyes are on him.

"Good afternoon everyone. Shall we start the meeting?" tanong niya.

Tumango naman sila.

And just like that, the meeting immediately started kaya nakinig nalang ako sa mga pinagsasasabi nila. The flow of the meeting went well dahil na-busy din sila. Pero kahit na abala sila ay may nararamdaman pa rin akong mata na nakatitig sa akin. I felt uneasy pero hindi ko iyon pinahalata. I maintained my focus on the meeting.

Hindi naman gaano tumagal ang meeting dahil may ilang bagay lang silang pinag-usapan. Nang matapos ang meeting ay lumabas na ang ilang empleyado pero nanatili pa rin sa loob yung mga member ng board na nasa mataas din na posisyon.

"Do you still have any concerns?" Josh asked them.

Umiling naman yung iba pero may nagtaas ng kamay na isa. I remember her, siya yung nagtanong sa akin dati kung mayroon bang namamagitan sa amin ni Josh. Oh no, magtatanong ba siya ulit tungkol doon?

"Yes Mrs. Chavez?" Josh asked her.

Tumayo naman si Mrs. Chavez at tumingin sa aming dalawa ni Josh. Nagbaba tuloy ako ng tingin.

"Sorry but my concern isn't related to the meeting earlier or any business stuffs." I heared her say. Sinulyapan ko naman si Josh at nakita kong dahan-dahan siyang napatango. "I'm just curious Mr. Santos, I just want to confirm this, is there something going on between you and your secretary?" she asked.

Sabi ko na eh, iyon ang itatanong niya.

Nag-angat na ako ng tingin at tumingin kay Josh. Nakatingin rin pala siya sakin.

"Yes, she's my girlfriend now." Josh confidently answered. Inabot niya pa ang kamay ko tsaka niya ipinagsiklop ang kamay naming dalawa kaya napatingin din ako sakaniya.

I saw how their mouth's formed an 'o' of Josh's sudden confirmation.

"Why is that?" Josh asked.

"N-Nothing." Mrs. Chavez said. "Natanong ko lang naman because I heared na pinag-uusapan kayo rito sa company nung isang araw." dagdag pa niya.

"Okay" parang wala lang na sabi ni Josh. "Is that all?" he asked again.

Akala ko ay wala nang magsasalita pero meron pa pala. The other member of the board speak.

"Mr. Santos" tawag nito kay Josh. Napatingin naman si Josh sakaniya, pati na rin ako. Naghihintay lang kami sa susunod niyang sasabihin. "It's been two years since you became the CEO of SGC. Just like your Dad, you did well and you're doing well. Hindi mo pinapabayaan ang kompanya, and you maintained the company on top." alam kong magsasalita pa sana siya pero nagsalita rin si Josh kaya natigil siya.

"Just go straight to the point Mr. Mijares." Josh said.

"Okay." Mr. Mijares said, he breathe deeply before speaking again. "Wag mo sanang masamain pero since girlfriend mo na ang secretary mo. She knew about the things in the company o kung ano pa man na bagay na nandito sa kompanya. Ang sa akin lang, hindi ka ba natatakot sa susunod na maaaring mangyari? Ayaw mo naman ata mawala ang mga pinaghirapan mo, pinaghirapan natin."

Napayuko ako sa narinig ko. Hindi ko inaasahan iyon.

"Mr. Mijares I respect you. Pero sana naman bigyan mo rin kami ng respeto. Ganyan talaga ang sasabihin mo sa harap namin? Sa harap ng girlfriend ko?!" medyo tumaas ang boses ni Josh kaya napahawak ako ng mahigpit sa kamay niya. "Mawalang galang na pero kung wala rin lang naman lalabas na maganda sa bibig niyo ay mas mabuti nang wag na lang kayong magsalita. Just keep it for yourself." sabi ni Josh.

"Sorry to meddle but I can see that Ms. Gonzales has a clear and good intention. She's doing her job properly, I actually like her performance at work. And about their relationship, I think labas na tayo roon. Hindi natin sila kontrol, may sarili naman silang buhay at hindi na natin kailangan pang pasukin iyon."

Napatingin nalang ako kay Mrs. Chavez nang dahil sa sinabi niya. Pati si Josh ay napatingin din sakaniya. Samantalang natahimik nalang si Mr. Mijares sa pwesto niya. Pati ang ibang kasama namin na member ng board ay natahimik din.

"I guess wala nang dapat pang pag-usapan. Now if you'll excuse us, aalis na kami." Josh said after the silence.

Magkasabay kaming lumabas ni Josh ng conference room, tahimik lang akong nakasunod sakaniya. Dumiretso agad kami sa office niya. As soon as we entered his office ay niyakap niya agad ako.

"Are you okay love?" he asked.

I nod and smiled a little. "I'm okay, I guess?"

Hindi ko alam pero parang naiiyak ako. Napansin iyon ni Josh kaya niyakap niya ulit ako.

"Just forget what happened earlier, lahat ng narinig mo kalimutan mo nalang iyon. His opinion is not important." he said.

Napahikbi nalang ako. "I just didn't expect na ganon ang tingin sa akin. Is it bad that I love you? Wala naman akong interes na gawing masama sa company. Maayos naman akong nagtatrabaho diba? Kahit na tayo na patuloy lang ako sa maayos na trabaho ko diba?" paulit-ulit kong tanong kay Josh.

"Yes love, you are doing your job. Alam ko na mabuti ka, may mabuti kang intensiyon sa kompanya. Alam ko iyon. So stop crying." Josh said.

"Thank you, love" I said.

"For what?"

"For trusting me." I said sincerely.

"Ofcourse love. I trust you and I love you. Always remember that." he said.

Niyakap ko nalang si Josh ng mahigpit. Umiyak ako hanggang sa medyo gumaan na ang loob ko. I felt comfort in his arms.

Hanggang sa matapos na ang office hours at uwian na. As usual, Josh drived me home. Nung gabi naman bago matulog ay tumawag pa siya sa akin. He keeps on asking me kung okay na ba talaga ako kahit ilang beses ko na rin sinabi sakaniya na ayos na ako. Sinisigurado lang daw niya. Natuwa ako dahil sa concern niya sa akin, kaya mahal ko siya eh. Yung tawag niya ay tumagal hanggang sa nakatulog na ako, siya na ang nagpatay dahil paggising ko ng umaga ay nakapatay na ang tawag.

My Boss, My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon