4. Drunken Night

402 11 0
                                    

CHAPTER 4: Drunken Night

ISANG malakas na sampal ang iginawad niya kay Clarisse nang makalabas ng opisina niya si Hensin. Sa lakas ng sampal niya ay napasalampak ang babae sa sahig habang hawak ang pisngi nito.

Nanlalaki ang mga mata nito sa gulat nang mag-angat ng tingin sa kaniya. “Zyjill…”

“This is your fault! Kapag tuluyang nawala sa ‘kin si Hensin, mapapatay kita!” galit na galit na sigaw niya rito. Hindi pa nga siya pinatatawad ng nobya niya, ‘tapos ito nanaman ngayon.

Hindi ko kakayanin ‘pag nawala sa ‘kin si Hensin.

“But I’m your fiance, Zyjill! Ako dapat ang pinipili mo!” sigaw rin nito sa kaniya habang nagsisimula nang lumuha.

Nang-uuyam niya itong nginisian. “Sino ka ba sa tingin mo para piliin ko? You’re just a pathetic whore who wants a marriage with me, just to save your family’s falling company!”

“No. I love you, Zyjill---”

“Shut up! I’m done with your game.” Dinuro niya ito. “Tell this to my parents, I don’t care! Wala na ‘kong pakialam kahit na mawala pa sa ‘kin ang ospital na ‘to! Mas gugustuhin ko pa’ng mawalan ng mana, ke’sa mawala sa ‘kin si Hensin!” At saka na siya mabilis na lumabas ng office niya para habulin ang nobya niya.

Hindi niya hahayaan na tuluyan itong mawala sa kaniya.

He never cheated on Hensin. Ang nakita nito sa opisina niya kanina ay hindi niya ginusto. Nagulat din siya nang bigla na lamang kumalong sa kaniya si Clarisse at hinalikan siya; at huli na nang maitulak niya ito, dahil sakto naman ang pagdating ni Hensin.

I swear, I never cheated on her. Mahal na mahal ko siya, and she’s the only woman I want to be with in entire my life. Ginagawa ko lang ang lahat ng ‘to para sa kinabukan naming dalawa.

He dated those girls because that what his parents wants. I’m just obeying them. Pero labag sa kalooban niya ang pagsunod sa mga ito.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin naipapasa sa pangalan niya ang ospital na pag-aari ng pamilya niya, kaya napipilitan siyang sumunod sa mga ito, dahil tinatakot siya ng mga itong itatakwil siya at aalisan ng mana kapag sumuway siya.

Malaki na ang naging paghihirap niya sa ospital, kaya natakot siyang mawala ito sa kaniya. Inisip niya rin ang magiging kinabukasan nila ni Hensin, dahil alam niyang sisirain ng pamilya niya ang buhay niya.

That’s how powerful my family is. I just scared… At ‘yon ang pinaka malaking naging pagkakamali niya; ang naging duwag siya sa sarili niyang pamilya. Mas natatakot pala siya na mawala sa kaniya ang babaeng mahal niya.

Sana pala hinayaan niya na lamang na itakwil siya ng pamilya niya at alisan siya ng mana, eh ‘di, sana maayos sila ngayon ni Hensin; wala sana sa panganib ngayon ang relasyon nilang dalawa.

Ito ang gusto niyang ipaliwanag kay Hensin, pero ayaw siya nitong bigyan ng pagkakataon. Gusto niyang linawin dito ang rason niya, pero ayaw siya nitong pakinggan. Nasasaktan din naman siya sa nangyayari sa kanila. Alam niyang siya ang nagkamali; kasalanan niya ang lahat nang ‘to; at ‘yon ang mas masakit.

Nang makalabas siya ng ospital ay hindi niya na naabutan pa si Hensin, dahil kahit sa’n siya lumingon ay hindi niya na ito mamataan. Napahawak na lamang siya sa kaniyang ulo. Ano na ngayon ang gagawin niya? Hindi puwedeng mawala sa kaniya ang babaeng mahal niya.

Mabilis siyang tumakbo patungo sa kung sa’n naroon ang kotse niya. I need to talk to her. Hindi niya puwedeng hayaang matapos ang gabing ‘to nang hindi niya naipaliliwanag dito ang side niya.

Friendship To Lovers (Dr. Kristof Gomez's Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon