CHAPTER 14: Can’t forget
“MALDITA talaga ang babaeng ‘yon! Nako, malilintikan talaga sa ‘kin ‘yon kapag nagkaharap uli kami n’on! Ang lakas ng loob niyang saktan si Hensin!” himutok pa rin ni Kristine habang naglalakad sila patungo sa paradahan ng tricycle.
“Nako, makita lang n’on. Mata niya lang ang walang latay!” segunda pa ni Katherine.
Natatawa na lamang si Hensin, dahil mukhang mas galit na galit pa ang mga ito, ke’sa sa kaniya na siyang puro galos at masakit ang anit.
“Ayusin nga natin ‘yang buhok mo,” dagdag pa ni Katherine, at saka sinimulang ayusin ang buhok niya, dahilan para mapahinto sila sa paglalakad.
“Kalma lang kayo. Hindi naman nalugi si Hensin eh. Mas marami ngang pasa si Kiray. Sa sadista ba naman ng babaeng ‘yan. Mas mag-alala kayo kay Kiray, pft.”
Sinamaan niya ng tingin si Kristof. “Letse ka! Ang sakit kayang kumalmot ng babaeng ‘yon! May sa-pusa yata ‘yon eh!” hasik niya rito. Napangiwi siya nang makita nanaman ang mga mahahabang kalmot sa braso niya.
“May kalmot din naman ako ah. Look.” Sabay pakita sa leeg nitong may kalmot nga rin. “Hirap niyo kasing awatin. Para’ kayong mga tigreng nagsasagupaan— aray!” Naputol ang sinasabi nito’t napalitan ng pagdaing, dahil sa biglaang Pagbatok dito ng ate nitong si Kristine.
“Huwag mo na ngang awayin ang girlfriend mo! Siya na nga’ng nasaktan eh. Kasalanan ‘to ng maarteng Kiray na ‘yon!” kapagkuwa’y hasik ni Kristine dito, kaya naman napahimas na lamang sa nasapol na ulo ang binata.
Napangisi siya’t dumila sa kaibigan. Kampi kasi parati sa kaniya ang dalawang kapatid nito, kaya parati siyang ngiting tagumpay.
Hanggang sa makarating na sila sa sakayan. Nahiwalay na silang dalawa ni Kristof sa dalawang kapatid nito, para daw hindi na sila magsiksikang apat sa iisang tricycle. Iisa lang ang way nila, pero mas mauuna nga lang silang dalawa ni Kristof na makauwi, dahil mas mauuna nilang marating ang baryo kung sa’n nakatirik ang bahay ng mga magulang ng kaibigan, ke’sa sa baryo kung nakatira ang dalawang kapatid nito.
Nang tuluyan silang makarating sa bahay ay agad na sumalubong sa kanila sina Esmeralda at Antonio. Hindi na sila nagulat na alam na ng mga ito ang nangyaring gulo sa pagitan nilang dalawa ni Kiray. Sa dami ba naman ng mga nakakita sa kanila sa peryahan, malamang talaga na makarating ‘yon dito sa mag-asawa.
“Hensin, hija, ayos ka lang ba? Nako, Diyos ko. Ano ba’ng nangyari sa inyo? Halika rito. Gamutin natin ‘yang mga sugat mo,” nag-aalalang saad ni Esmeralda, at saka siya hinila patungo sa sala.
“Oh, ito,” si Antonio, kasabay ng pag-abot ng first aid kit sa asawa.
“Ano ba talaga’ng nangyari, Kristof? Bakit mo naman hinayaang masaktan ‘tong si Hensin? Tignan mo, oh? Ang daming kalmot,” muli ay tanong ni Esmeralda, habang sinisimulan nang linisin at gamutin ang mga galos niya. Napapangiwi na lamang siya dahil sa hapdi na dulot ng alcohol.
“Sinugod ni Kiray eh. Kaya ayon, nag-ramble sa peryahan. Hirap awatin. Nakalmot nga rin po ako ni Kiray, oh.” Sabay pakita nanaman nito sa nakalmot na leeg. May lahi yata talagang pusa ang babaeng ‘yon, tss.
“Tsk tsk tsk. Ano ba’ng nasa isip niyang si Kiray at bigla na lang nanunugod?” kunot noong tanong na rin ni Antonio. “Maupo ka na rin, Tope, at nang magamot din ‘yang kalmot sa leeg mo,” kapagkuwa’y utos nito sa anak.
“Because of her insecurity. Hindi niya kasi matanggap na girlfriend na ‘ko ni Kristof,” sagot niya, dahilan para matigilan ang lahat. Natigilan din siya’t nagtatakang tumingin sa mga ito. “What? Did I said something wrong? ‘Yon naman po talaga ang dahilan ni Kiray,” kapagkuwa’y takang tanong niya sa mga ito.
BINABASA MO ANG
Friendship To Lovers (Dr. Kristof Gomez's Story)
Romance[COMPLETED] WARNING: R18 || SPG || Mature Content "Dr. Kristof Gomez's Story" _____ They have been friends for years. Madalas man silang hindi magkasundo, hindi na nila maitatanggi na nagkaroon na rin sila ng special bond. They often riled each othe...