12. Okay, deal

143 5 0
                                    

CHAPTER 12: Okay, deal

PABABA pa lamang si Kristof sa tricycle na sinakyan niya ay nakita niya na agad ang nakabusangot na pagmumukha ni Kiray na nakaabang sa harapan ng bahay nila.

Here she go again, tsk.

Napakamot na lamang siya sa kaniyang ulo’t tuluyan nang bumaba ng tricycle at nagbayad. Sana lang ay wala pa ang Tata niya, dahil paniguradong pagagalitan nanaman siya kapag sinungitan niya ang dalaga.

Ewan niya ba, pero naaasar talaga siya kapag kinukulit siya nito at parang linta na dikit nang dikit sa kaniya. Ayaw niya sa lahat ay ‘yong mga makukulit na babae; lalo na kapag hindi niya naman type.

Mabuti sana kung kamukha niya si Ivana Alawi. Baka sakaling patulan ko siya, pft.

Okay, sobra na siya. Minus one hundred na siya sa langit, panigurado. Napailing na lamang siya sa sinasaad ng kaniyang isipan. Kung may nakaririnig lamang ng iniisip niya, siguradong susumpain siya, dahil sa kagaguhan niya.

“Tope, totoo ba ang sinabi ng babaeng labanos na ‘yon?” nakabusangot pa rin ang mukha na salubong sa kaniya ni Kiray.

Nangunot ang noo niya. Sinabi ni Hensin? Ang kaibigan niya ba ang dahilan kung bakit lukot na lukot ang pagmumukha ng babaeng ‘to? Ano nanaman kaya’ng ginawang ka-abnormal-an ni Hensin? Mukhang masisiyahan siyang malaman ‘yon.

Nawala ang pagkakakunot ng noo niya’t napangisi. “Ano nama’ng sinabi ni Hensin sa ‘yo?” kapagkuwa’y tanong niya, kasabay ng pamumulsa niya sa suot niyang clean cut shorts.

Lalong nalukot ang mukha nito. “Na suitor ka raw niya! Ang kapal ng mukha ng labanos na ‘yon! Sabihin mo sa ‘king hindi totoo ‘yon, Tope! Napakalandi ng babaeng ‘yon! Bakit pa kasi dinala-dala mo pa ‘yon dito?! Kairita!”

Nanliit ang mga mata niya dahil sa narinig na sagot. So, gumawa ng kuwento ang kaibigan niya, para lang inisin itong si Kiray. ‘Tapos, ako pa ‘tong sinasabihan ng abnormal? Samantalang, mas malala naman ang tama niya sa utak, pft. Pinigilan niya ang matawa. Pero sige, sakyan natin ‘yan.

“Huwag mo ngang pagsalitaan ng ganyan si Hensin. Eh, ano naman kung nanliligaw ako sa kaniya? Hindi mo ba alam kung gaano ako kasuwerte, dahil sa dami ng nagkakandarapa sa kaniya, ako lang ang pinayagan niyang manligaw sa kaniya? Feeling ko nga malapit na ‘kong sagutin n’on eh.” Ngumisi siya. Kasinungalingan. Minus fifty nanaman siya sa langit. Pft.

“So, totoo nga?!” hindi makapaniwala nitong bulalas sa kaniya. “Ano ka ba naman, Tope?! Ano ba’ng kagusto-gusto sa labanos na ‘yon?! Maputi lang siya at makinis, pero hindi siya maganda!” Pinigilan niya ang sarili humagalpak sa tawa. Panigurado kasing magpupuyos sa galit si Hensin, kapag narinig ang sinabi ni Kiray.

Pero siyempre, ipagtatanggol niya ang nililigawan niya kuno. Kaya naman, agad niyang sinagot si Kiray, “Ano’ng hindi maganda? Alam mo? Insecure ka lang kay Hensin. Bukod kasi sa maganda na, sexy, mabait, may degree, may trabaho, ‘tapos masipag pa. Suwerte ang lalaking mamahalin niya. Kaya masuwerte ako kapag sinagot niya na ‘ko.” Paniguradong lalaki ang ulo ng kaibigan niya dahil sa mga sinabi niya.

“Pero, Tope—”

“Stop it, Kiray. Tigilan mo na ‘ko, dahil ayo’kong masira kay Hensin. Ito na ang pagkakataon ko para maging akin siya, kaya huwag mong sirain ang plano ko para sa aming dalawa,” seryosong putol niya rito, at saka niya na ito tinalikuran at naglakad papasok sa loob ng bahay.

Pero napahinto siya nang mabungaran ang nakangising si Hensin pagbukas niya pa lamang ng pinto. Agad siyang napabusangot, dahil alam niyang narinig nito ang lahat ng mga sinabi niya. At paniguradong lumaki nanaman ang ulo nito ngayon. Tch.

Friendship To Lovers (Dr. Kristof Gomez's Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon