CHAPTER 6: Just go with the flow
IBINALIK niya ang paningin sa lalaking nasa harapan niya nang tuluyan nang makapasok sa loob ng bahay si Hensin.
Napangisi siya nang makita kung gaano kasama ang tingin nito sa kaniya. Pero wala siyang pakialam. Ang lalaking ‘to ang dahilan kung bakit umiiyak at nasasaktan si Hensin ngayon.
Naikuyom niya na lamang ang kaniyang mga kamao. Parang may nagtutulak sa kaniya para suntukin ang lalake. But of course, hindi niya gagawin ‘yon. He’s an educated person, at ang pakikipag-away at suntukan ay para lamang sa mga immature na tao.
“So, Dr. Bustamante. Hensin is now okay with me, ‘wag mo na siyang guluhin. Sobra-sobra na ang sakit na idinulot mo sa kaniya. Tantanan mo na siya,” aniya sa malumanay na boses. Lahat ng bagay at gulo ay puwedeng maresolba sa maayos at mahinahong usapan. Pero dipende kung edukado rin ang kausap mo, pft.
Mapait na ngumisi ang kaharap. “You think maniniwala ako sa palabas mo? I know how much Hensin loves me. Kaya imposibleng pumayag siyang maging boyfriend ka nang gano’n na lang.” Lumapit ito ng isang hakbang sa kaniya, kasabay ng pagpasok ng dalawang kamay sa bulsa ng pants nito. “I’m not stupid. Nakita ko rin ang reaksiyon ni Hensin kanina; she seems also surprised when you said the word babe.” Tipid itong pekeng tumawa, bago muling nagpatuloy, “Kaya kung ano man ‘yang binabalak mong gawin, I won’t let you win. Akin lang si Hensin. Siya lang ang nag-decide ng break up; I never agreed with it. So, technically, we didn’t officially broke up; kami pa rin hanggang ngayon.”
Sarkastiko siyang tipid na tumawa. “If that’s what you think, go lang. Pero sinasabi ko sa ‘yo, hinding-hindi ko na hahayaang bumalik pa sa ‘yo si Hensin. Tama na ang mga sakit na ibinigay mo sa kaniya. I won’t let you hurt her again. Mark my words, Zyjill. Kaya huwag ka nang umasa, dahil hanggat nandito ako, hindi ka na makalalapit pa kay Hensin.”
Hensin already had enough. Hindi niya na hahayaang saktan pa ito ng walang kuwentang lalaking ‘to.
“Let’s see, Dr. Gomez,” nakangising sagot nito, bago siya tinalikuran at naglakad palapit sa kotse nito.
Pinanood niya ang tuluyang pag-alis nito, bago siya pumihit at naglakad palapit sa bahay na tinitirahan ni Hensin.
“Hensin!” tawag niya sa dalaga, kasabay ng pagkatok niya sa pinto. At hindi rin nagtagal ay bumukas ito. Kasunod n’on ay ang pagdaing niya dahil sa sumalubong sa kaniyang hampas. Puro pasa talaga ang abot niya sa babaeng ‘to. Tsk.
“Ano nanaman ba?! Ba’t nanghahampas ka nanaman?!” bulalas niya habang hinahaplos ang brasong hinampas ng sadistang dalaga.
Hinatak siya nito para tuluyang makapasok sa loob ng bahay, at saka isinara ang pinto.
“Ano nanaman kasing ka-abnormal-an ‘yon? May pa-babe-babe ka pang nalalaman! Gusto mo bang isipin ni Zyjill na isa akong malanding babae na pumapatol sa kaibigan? Sira ulo ka talaga!” hasik nito, at akmang hahampasin na nanaman siya, pero mabilis na siyang umilag. Ang bigat ng kamay nito ehh. Masakit.
“Hindi naman siya naniwala ehh!” pabulalas na sagot niya rito. Sayang nga at hindi siya naniwala, tss.
Natigilan ito. “Talaga?” kapagkuwa’y tanong nito.
“Oo nga.” Sinamaan niya ito ng tingin. “Hindi ka kasi marunong makisama. May pagulat-gulat effects ka pa kasi, ayan tuloy nakahalata!” hasik niya rito. Sayang ‘yong plano niya. Tch.
“Sino ba naman kasi ang hindi magugulat? Bigla-bigla ka na lang bume-babe diyan! Abnoramal ka talaga kahit kailan!” Biglaan ko lang din naman kasing naisip!
BINABASA MO ANG
Friendship To Lovers (Dr. Kristof Gomez's Story)
Romance[COMPLETED] WARNING: R18 || SPG || Mature Content "Dr. Kristof Gomez's Story" _____ They have been friends for years. Madalas man silang hindi magkasundo, hindi na nila maitatanggi na nagkaroon na rin sila ng special bond. They often riled each othe...