CHAPTER 15: Unspoken Promise
MADALING araw na siyang nakatulog, pero maaga pa rin siyang nagising kinabukasan. Siniguro niyang maayos ang sarili niya, bago siya lumabas ng kuwarto.
Sa sala kaagad dumapo ang paningin niya nang makalabas siya. Pero agad na nangunot ang noo niya nang hindi makita ro’n si Kristof, at walang bakas na natulog ito roon.
Sa’n kaya natulog ang abnormal na ‘yon? Baka naman sa silid ng mga magulang nito? Baka gano’n na nga.
Kaya naman nagkibit balikat na lamang siya’t dumeretso na sa may banyo, para maghilamos at mag-toothbrush.
Alas-singko pa lang ng umaga, kaya naman medyo madilim pa sa labas at tulog pa ang mga tao. Pero paniguradong maya-maya lang ay gigising na si Esmeralda para magluto ng umagahan.
Kaya naman nang matapos siyang maghilamos at mag-toothbrush ay sinimulan niya na’ng mangialam sa kusina. Gusto niyang ipagluto ng umagahan ang mga ito. Sayang naman ang pag-gising niya ng maaga kung tutunganga lang siya sa sala; at saka, nakahihiya naman kung wala siyang gagawin, lalo pa’t nakikituloy lang naman siya rito.
Kaya naman sinimulan niya na ang pagluluto. Naisip niyang isangag ang natirang kanin kagabi, pero bago ‘yon ay nagprito na muna siya ng ilang sunny side up egg at bacon na nakita niya sa ref. Pagkatapos n’on ay nag-init na rin siya ng tubig, dahil ipatitikim niya sa mga ito kung gaano siya kasarap magtimpla ng kape. Favorite kaya ng kuya niya at ni Kristof ang kapeng timplado niya. Napangisi siya sa isiping ‘yon.
Pero habang nagsasangag siya’y bigla na lamang tumunog ang phone niya na nasa bulsa ng short niya. Kaya naman dali-dali niya itong kinuha at sinagot.
“Hey, Kuya. ‘Buti napatawag ka. Akala ko, nalimutan mo na ‘ko eh,” nakangising bungad niya rito, kasabay ng pagpatay niya sa stove, dahil tapos na rin naman ang niluluto niya.
“Tss. How are you there? Are you enjoying your vacation?” sa halip ay tanong nito.
Sumandal siya sa lababo, bago sinagot ang kuya niya, “Of course. Ba’t ngayon mo lang ako tinawagan? Akala ko tuloy tino-talk shit lang ako nina Kristof and Sigmund na sila na raw ang bahala sa ‘yo. Pa’no ka pala nila napapayag na isama ako rito sa malayong province na ‘to? First time kong malayo sa ‘yo, Kuya, hah? ‘Buti hindi ka umiyak hahaha!”
“Daldal mo,” anito, at na-i-imagine niya na ang nakabusangot nitong mukha, dahilan para muli siyang matawa.
“I’m just a bit shock, ‘no. Ayaw mo kaya ng nalalayo ako sa ‘yo ng ilang araw. Napapraning ka kasi kapag hindi mo ‘ko nakikita at nababantayan. Kaya nagulat ako na napapayag ka ni Kristof na isama ako rito. Do you trust that abnormal? Tsk tsk tsk. I’m really shocked.”
“Basta, mag-enjoy ka na lang diyan. Alam kong stressed ka this past few days. Kaya chance mo na ‘yan para ma-relax. And I trust those men.” Wala sa sarili siyang napangiti dahil sa sinabi ng kuya niya. Hindi siya makapaniwala na talagang pinagkakatiwalaan nito ang kaibigan niya.
Ang kuya niyang may trust issue ay pinagkakatiwalaan ang abnormal niyang kaibigan. That’ seems absurd, but it makes her feel glad. Masarap lang sa pakiramdam na ang dalawang taong mahalaga sa kaniya ay nagkakasundo.
“If you say so. Kaya pala ang bilis kang napapayag, pft. But, don’t worry, Kuya, dahil susulitin ko ‘tong one week na nakawala ako sa ka-istriktuhan mo hahaha!”
“Sige lang, enjoy-in mo lang ‘yang freedom mo. Pagbalik mo rito, humanda ka, dahil mas magiging strict ako sa ‘yo.” Ito naman ang nang-aasar na tumawa, kaya napanguso siya.
“Napaka-asshole mo talaga, Kuya, ‘no? Kaya siguro nagkasundo kayo ni Kristof, kasi pareho kayong abnormal,” kapagkuwa’y hasik niya rito, dahilan para lalong matawa ang nakatatandang kapatid mula sa kabilang linya.
BINABASA MO ANG
Friendship To Lovers (Dr. Kristof Gomez's Story)
Romance[COMPLETED] WARNING: R18 || SPG || Mature Content "Dr. Kristof Gomez's Story" _____ They have been friends for years. Madalas man silang hindi magkasundo, hindi na nila maitatanggi na nagkaroon na rin sila ng special bond. They often riled each othe...