CHAPTER 10: Childhood Stalker
“BEE. Sounds good,” wala sa sariling usal niya, kasabay ng pag-guhit ng isang tipid na ngiti sa labi niya.
Hindi niya alam kung ano ang sumapi sa kaniya at naisatinig niya ang salitang ‘yan. Parang ang sarap kasi sa pandinig ng endearment na ‘yon?
Napangiwi siya. Ano ba ‘tong iniisip ko? This is madness.
Muli na sana siyang magsasalita para bawiin ang sinabi niya nang pigilan siya ng isang sigaw ng babae.
“Tope!!!” Kasunod n’on ay bigla na lamang may dumamba sa kaniya ng yakap.
The fudge?!
“Na-miss kita, Tope! ‘Buti umuwi ka na!” tuwang-tuwang bulalas ng babaeng nakayakap pa rin sa kaniya.
Napangiwi na lamang siya, dahil kilalang-kilala niya ang babaeng ‘to. Buhay pa pala ‘to? May respeto siya sa mga babae, pero pagdating sa babaeng ‘to, hindi niya talaga mapigilan ang maging rude.
Nakita niyang kunot na kunot ang noong nakatingin sa kanila si Hensin, kaya mabilis niyang naitulak si Kiray palayo sa kaniya, dahilan para muntikan na itong masubsob sa lupa; pero hindi naman natuloy. Sayang.
“Aray naman, Tope ko. Makatulak naman wagas,” nakangusong saad nito sa kaniya, kapagkuwa’y malawak din namang ngumiti at muling nanguyapit sa braso niya. “Na-miss talaga kita, Tope. Bakit kasi ang tagal mong umuwi? Ang tagal ko tuloy naghintay sa ‘yo.”
Napangiwi na lamang siya’t pilit binaklas ang pagkakakuyapit sa kaniya ni Kiray, at saka siya mabilis na lumayo rito at tumabi kay Hensin. “Lumayo ka nga sa ‘kin. Wala ka pa ring pinagbago; may sa-linta ka pa rin,” hasik niya rito, at saka siya sumulyap kay Hensin na kunot noo lang na nakatingin sa kanila.
Muling ngumuso si Kiray. “Ang hard mo talaga sa ‘kin. Hanggang ngayon pakipot ka pa rin sa ‘kin. Wala ka pa ring pinagbago; maliban sa lalo kang gumwapo.” Kapagkuwan ay ngumisi ito sa kaniya. Pero mabilis na napasimangot nang magawi ang tingin kay Hensin, kasabay ng pagtaas ng kilay nito.
Oh, no. This is war.
Kilala niya na si Kiray, dahil bata pa lang sila ay may gusto na ito sa kaniya. Kiray was his childhood stalker. Matagal niya na itong paulit-ulit na ni-re-reject, dahil hindi niya ito type, pero sadyang makulit ang dalaga, dahil sa bawat uwi niya rito ay ayaw siyang tantanan.
At alam niya kung gaano ito ka-war freak. Inaaway nito ang lahat ng babaeng lumalapit sa kaniya. At mukhang hindi nito palalampasin si Hensin.
And I also know Hensin; she’s also a war freak bitch. Hindi ito nagpapaapi. Napaka-sadista pa nga eh, tss.
“Ano ba’ng ginagawa mo rito, Kiray? At saka, pa’no mo nalaman na nandito ako?” nakasimangot na tanong niya sa dalaga, bago pa nito malditahan ang kaibigan niya na nakataas na rin ang kilay sa tabi niya.
“Nagpunta ako sa bahay niyo, pero wala ka. Ang sabi ni Nana, nandito ka raw sa palayan para igala itong kaibigan mong…” Muli itong lumingon kay Hensin. “Mukhang labanos,” kapagkuwa’y dugtong nito.
“Excuse me?” taas kilay na sambit ni Hensin.
“Dadaan ka? Go, umalis ka na. Istorbo ka sa ‘ming dalawa ni Tope,” kapagkuwa’y nakangising sagot naman ni Kiray, kasunod ng pag-irap.
“Oh, ayo’ko na’ng makakita ng nagsasabunutan sa harapan ko.” Pumagitna na siya agad, bago pa mag-ramble-an ang dalawa. Dahil alam niyang hindi uurungan ni Hensin si Kiray.
BINABASA MO ANG
Friendship To Lovers (Dr. Kristof Gomez's Story)
Roman d'amour[COMPLETED] WARNING: R18 || SPG || Mature Content "Dr. Kristof Gomez's Story" _____ They have been friends for years. Madalas man silang hindi magkasundo, hindi na nila maitatanggi na nagkaroon na rin sila ng special bond. They often riled each othe...