51. Be Free and Be Happy

133 5 0
                                    

CHAPTER 51: Be Free and Be Happy

“FUCK!” naibulalas na lamang ni Hanson, dahil wala pa rin silang mahanap na lead kung sa’n dinala ni Almario ang kapatid niya at ang fiance nito.

Hindi na siya mapakali, at pakiramdam niya’y mababaliw na siya sa pag-aalala para kay Hensin. Hawak ito ng taong pumatay sa mga magulang nila, at ngayo’y hindi niya alam kung paano pa ito hahanapin.

Nagdududa na tuloy siya sa sarili niya. Nararapat pa rin ba siyang matawag na greatest detective of this city, na kung ang sarili nga niyang kapatid ay nawawalan na siya ng idea kung paano ito maililigtas?

Napasabunot na lamang siya sa kaniyang buhok. Talagang mababaliw siya kapag may nangyaring masama sa kapatid niya. Ito na lang ang nag-iisang pamilyang me’ron siya. Ikamamatay niya kapag nawala pa ito sa kaniya.

“Mahahanap natin siya, Detective. Marami ka nang na-solve na crime dito sa Crimson Wood. I know, you can also solve this, especially that it involves your sister. I know you can save her.”

Nilingon niya si Kristof na punong-puno rin ng pag-aalala para sa kapatid, pero bakas ang pag-asa at pagtitiwala na magagawa niyang mailigtas ang nag-iisang pamilya niya.

Pilit siyang ngumiti kay Kristof. “I will do anything and everything to save my sister,” kapagkuwa’y sagot niya. Handa niyang gawin ang lahat, kahit pa ang makipagtunggalian kay kamatayan, para lang mailigtas ang kapatid niya.

“Do everything to track him down! Kung kinakailangan pati impiyerno halughugin niyo, mahanap niyo lang ang lokasyon ng demonyong ‘yon!” kapagkuwa’y matigas na utos niya sa mga kasama niya rito sa operation.

They need to find their location as soon as possible, dahil habang tumatagal, mas lalong nalalagay sa bingit ng kapahamakan ang buhay nina Hensin at Zyjill.

Inilabas niya ang phone niya’t tinawagan ang tinalaga niya para maghanap sa mga posibleng dinaanang ruta ng sasakyan ni Almario. Nakuhanan ng surveillance camera sa labas ng kanilang apartment ang plaka ng kotseng ginamit nito. Kaya naman mabilis sana nila itong mahahanap.

Pero masyadong matalino si Almario, dahil hindi na nila makita ang plaka nito sa kahit saan. Mukhang nagpalit ito ng plaka, kaya hindi na nila ito magawang i-track.

Hindi pa man niya napipindot ang call ay naunahan na siyang tawagan ng taong sana’y tatawagan niya. Kaya dali-dali niya itong sinagot, habang tahimik na nananalangin na sana’y may hatid na itong magandang balita.

“Na-track niyo na?” bungad niya rito.

“Wala pa rin.” Napapikit na lamang siya’t napasuklay sa buhok niya gamit ang mga daliri niya sa kaliwang kamay dahil sa naging sagot nito. Pero muli siyang napamulat sa sumunod nitong sinabi. “Pero nahanap namin ang kotse ni Almario. Mautak nga ang taong ‘yon. Inihulog niya ang kotse niya sa Crimsod Wood Lake. Mabuti na lang at may nakakita.”

Hindi siya nagpalit ng plaka, nagpalit siya ng kotse.

“Nakita rin ba ang plaka ng bagong sasakyang ipinalit ni Almario?” kaya naman ay tanong niya.

“’Yon ang problema, hindi niya nakita, dahil wala raw siyang interes, kaya hindi niya na lang pinansin.” Mahina siyang napamura dahil sa naging sagot nito.

“Hintayin mo ‘ko riyan. Huwag mong paaalisin ang witness. Baka kahit maliit na detalye na puwedeng makatulong ay may napansin siya,” saad niya, kasabay ng pagtayo niya, dahilan para mapatayo rin si Kristof.

“Let’s go, Kristof,” mabilis na pag-aya niya sa binatang doktor, at saka na sila mabilis na umalis para magtungo sa Crimson Wood Lake.

***

Friendship To Lovers (Dr. Kristof Gomez's Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon