37. That Man

118 4 0
                                    

CHAPTER 37: That Man

NAPANGITI si Hensin nang pagmulat ng kaniyang mga mata ay agad na bumungad sa kaniya ang nakangiting mukha ni Zyjill, habang matamang nakatitig sa kaniya.

“Good morning, beautiful,” nakangiting bati nito, kasabay ng marahang paghaplos nito sa mukha niya.

Ngumiti siya pabalik dito. “Good morning.” At saka siya pasimpleng kumapa sa gilid ng labi niya’t tinanggal ang bakas ng tumulong laway.

Hindi na siya nakaiwas pa nang lumapit ang mukha ni Zyjill sa kaniya, kasunod ng paglapat ng labi nito sa labi niya. Mukhang pareho naman silang wala pang toothbrush, kaya hinayaan niya na lamang at tinugunan ang halik nito.

Yumakap ang mga braso niya sa leeg nito, kasabay ng pag-ibabaw ng nobyo sa kaniya, habang ang kanilang mga labi ay patuloy sa sabay na pag-galaw.

She felt his tongue teasing her lips, that’s why she also move her own tongue to meet his and played together.

This is so sensual. Idagdag pa na kapwa pa rin silang walang saplot na dalawa sa ilalim ng kumot, kaya naman damang-dama nila ang balat ng isa’t isa. Though, it still feel romantic, because it’s Zyjill.

“May pasok pa tayo,” nangingiting anas niya nang gumapang ang mga labi ni Zyjill pababa sa leeg niya, dahilan para mapahinto ito’t mabilis na umungot sa pagkadisgusto, at saka isinubsob ang mukha sa leeg niya, kaya natawa na lamang siya’t tinapik-tapik ito sa likod. “Tayo na. Baka ma-late tayo,” kapagkuwa’y natatawang saad niya.

“Five minutes. I still want to cuddle,” mahinang sagot nito, kasabay ng mahigpit na pagyakap sa kaniya, at mas pagsiksik pa ng mukha sa leeg niya.

Napairap siya, pero natatawa pa rin naman, kasi para’ itong bata sa inaakto nito. “Ano’ng five minutes ka riyan? Isa, Zyjill. Tayo na kasi!” Kasabay ng mahinang pagtulak niya rito, kaya naman labag sa loob na itong kumalas sa kaniya’t naupo. Naupo na rin siya’t tinawanan lang ang masamang tingin nito sa kaniya.

Mahina niya itong kinurot sa pisngi. “Huwag ka ngang magpaka-cute diyan. Maligo ka na’t maghanda sa pagpasok,” saad niya, at saka na naunang tumayo, walang pakialam kahit na bumaranda pa sa paningin ng nobyo ang hubad na katawan niya. Wala naman na siyang dapat ikahiya, dahil nakita, nahawakan, at nahalikan naman na nito ang lahat-lahat sa kaniya. “Hurry up, Zy,” aniya, kasabay ng pagpulot sa mga damit na hinubad niya kagabi.

“Tsk. Oo na, heto na po, tatayo na,” labag pa rin sa loob na sagot ni Zyjill, kasabay ng pagtayo, wala ring pakialam kahit na bumalandra sa paningin niya ang oh so hot and sexy naked body nito, kaya naman muli na lamang siyang tipid na tumawa, at saka na nilisan ang kuwarto nang matapos siyang makapagbihis.

Habang nasa banyo si Zyjill at naliligo, nakialam na siya sa kusina nito’t nagluto ng umagahan. Hindi sila nag-dinner kagabi, kaya naman ngayon ay gutom na gutom na siya.

Natatawa na lamang siya sa kapilyahan niya. Mabuti na lamang nga’t sanay na sa kaniya ang nobyo niya, at sa katunayan ay tuwang-tuwa pa nga ito kapag umiiral ang kapilyahan niya. Naiiling na lamang siya. Bakit nga ba ngayon niya lang ginawa ito? Masyado kasi siyang nagpaka-stress nang dahil sa ex best of friend niya na ayaw naman na sa kaniya. Tch.

Kung ayaw niya na sa ‘kin at ayaw niya na ‘kong maging kaibigan, eh ‘di, ‘wag! Hindi siya kawalan! Ayaw ko na rin sa kaniyang sperm siya! Mas masarap pa rin naman si Zyjill, tss.

Napapairap na lamang siya. “Huwag mo na ngang isipin ang abnormal na ‘yon, Hensin. Wala siyang kuwents!” mahinang saway niya sa sarili, habang naghihiwa ng sibuyas para sa lulutuin niyang corn beef. Sayang lang dahil walang lamig na kanin, kaya naman hindi siya makapag-fa-fried rice; hassle naman kasi kung magpapalamig pa siya ng sinaing, gastarol pa sa oras, baka talagang ma-late pa sila sa trabaho.

Friendship To Lovers (Dr. Kristof Gomez's Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon