39. Who is it?

114 4 0
                                    

CHAPTER 39: Who is it?

HINDI alam ni Zyjill ang mararamdaman matapos malaman na buntis ngayon ang girlfriend niya. Magiging masaya sana siya, pero naguguluhan siya dahil five weeks na itong buntis.

Five weeks ago, hindi maayos ang relasyon nilang dalawa dahil sa kasalanang nagawa niya. Kaya paano? Paano ito nabuntis?

Hindi niya gusto ang idea na pumapasok sa isip niya, naninikip ang dibdib niya, at parang nanghihina ang katawan niya sa isiping may ibang nakasiping ang nobya niya nang mga panahong hiwalay silang dalawa.

Then, who is it? Sino ang ama ng ipinagbubuntis ngayon ng girlfriend niya?

“How dare you impregnate my sister before marriage?!” mahina pero mariing sambit nito sa kaniya nang makarating sila sa smoking area para do’n mag-usap nang pribado.

I’m really sure that it’s not mine. But…

“I’m sorry. Paninindigan ko ang nangyari. I will marry Hensin,” ang tanging nasambit niya. Nasasaktan siya sa isiping hindi siya ang ama ng dinadala nito, pero mahal na mahal niya si Hensin, kaya hihintayin niya ang paliwanag nito sa kaniya, at kung ano man ‘yon ay tatanggapin niya ‘yon nang buong-buo.

“Dapat lang!” Matalim siya nitong tinignan. “Alam ko kung gaano ka kamahal ng kapatid ko, Zyjill, pero sa oras na paiyakin mo nanaman siya, ako mismo ang maglilibing sa ‘yo nang buhay. Naiintindihan mo?”

Hindi siya nagpatinag sa masamang tingin nito, at sa halip ay seryoso niyang nilabanan ang tingin nito. “Mahal na mahal ko rin si Hensin, Hanson, kaya wala ka nang dapat na ipag-alala; the wrong decision I made before was the most stupidest thing I did in my entire life, and I won’t ever do the same mistakes ever again.”

That’s how I love Hensin. Kung kinakailangan kong akuin ang anak niya, gagawin ko.

***

“HOW come?” hindi makapaniwalang bulalas ni Hensin, matapos sabihin ng kuya niya na buntis siya.

How come na buntis ako? And five weeks? Naging maingat naman kami ni…

“Oh my god…” wala sa sariling usal niya nang maalala ang mga nangyari sa kanilang dalawa ni Kristof. Pero naging maingat naman sila ni Kristof nang mga panahong ‘yon. Gumagamit kaya kami ng condom. Don’t tell me may nabutas at may nakapuslit na sperm! Naguguluhan siya.

Pilit niyang inalala kung ilang araw na ba ang nakalipas mula nang may mangyari sa kanilang dalawa ni Kristof, para malaman kung kailan ang araw na ‘yon na nabuo ang batang nasa tiyan niya ngayon.

Shock!

“’Di kaya no’ng unang beses?!” wala nanaman sa sariling bulalas niya matapos bilangin ang mga araw. Lasing kasi sila nang mga panahong ‘yon, at hindi niya maalala kung gumamit ba sila ng proteksyon no’n o hindi.

Problema ‘to…

Ni hindi manlang niya napansin na delayed na pala siya dahil sa sobrang pagka-stress niya sa lalakeng mukhang ama rin ng nasa sinapupunan niya ngayon.

“Ano ba, Hensin?” Nabalik ang atensiyon niya sa kuya niya nang pabulalas nitong tawagin ang pansin niya. “Pinaglololoko mo ba ‘ko? Wala ka talagang idea kung paano ka nabuntis?” pagkatapos ay tila naiinis nitong sambit sa kaniya.

Napakamot siya sa ulo niya. Ano na’ng gagawin niya ngayon? Isa itong malaking pagkakamali. Hindi dapat nangyari ‘to. Binalot siya ng pangamba.

Bumuntonghininga si Hanson. “Nakausap ko na si Zyjill, kaya kayo naman ang mag-usap. Planuhin niyo na kung kailan kayo ikakasal; bago pa man lumaki ‘yang tiyan mo.”

Friendship To Lovers (Dr. Kristof Gomez's Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon