5. Let's just forget about this

312 5 0
                                    

CHAPTER 5: Let’s just forget about this

NAPABALIKWAS siya nang makarinig ng sigaw ng isang babae sa tabi niya, kasunod n’on ay ang sunod-sunod na malakas na paghampas sa braso at dibdib niya.

“What the hell, Hensin?! Ano’ng problema mo?!” inis na bulalas niya, habang sinasangga ang mga hampas nito.

“What the hell talaga, Kristof! Look what happened! Bakit mo hinayaang mangyari ‘to?!” sigaw nito sa kaniya, habang hawak-hawak ang kumot na tanging tumatakip sa hubad nitong katawan.

Pinasadahan niya ng tingin ang kabuuan nila. At do’n lang rumagasa sa ala-ala niya ang nangyari sa kanilang dalawa kagabi.

Ang simpleng halikan lang sana nila ay hindi nila inasahang aabot sa isang mainit na tagpo.

Fuck.

“Kainis ka naman ehh!” Napangiwi na lamang siya nang muling makatanggap ng hampas mula kay Hensin.

Kunot noo niya itong tinignan. “Ba’t ako? Ikaw ang unang humalik sa ‘kin!” reklamo niya rito. Alam niyang may kasalanan siya, dahil masyado siyang nagpadala sa tukso. Pero hindi lang naman siya ang may kasalanan, ‘di ba? Dalawa silang nag-enjoy kagabi.

“Kahit na! Lasing ako. Eh ‘di, sana pinigilan mo ‘ko!”

“Hoy, lasing din ako, kaya huwag mong isisi lang sa ‘kin ang nangyari!”

“My god, Kristof! Nakakainis ka!!!” sigaw nito, at saka marahas na kinamot ang ulo nito, kasunod ng pagbabato ng masamang tingin sa kaniya.

Bumuntonghininga siya. Bakit ba parating ganito ang mga babae? Akala mo parating biktima, tsk. Pareho silang lasing at nagpadala sa pagtaas ng kanilang libido. At alam niyang hindi tama dahil magkaibigan silang dalawa. Pero ano pa ba’ng magagawa nila kung nangyari na? Bakit kailangan pa’ng magsisihan sa isang bagay na pareho naman nilang ginusto?

Kung hindi naman kasi ginusto, hindi naman mangyayari. Kahit na lasing siya, malinaw sa ala-ala niya ang buong nangyari; malinaw sa ala-ala niyang pareho nilang ginusto at in-enjoy ang isa’t isa sa ibabaw ng kama niya.

Pumikit si Hensin habang nakahawak sa ulo nito. Hangover. Kahit siya’y parang minamartilyo ang ulo niya ngayon; medyo nahihilo pa siya; at sa tuwing iniisip niya ang alak, pakiramdam niya’y masusuka na talaga siya. Ayo’ko na talaga’ng uminom. Pero siyempre, sinasabi niya lang ‘yan ngayon dahil sa nararamdaman niyang hangover.

Sandaling namayani ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa.

Pero maya-maya pa’y…

“Mag-ayos ka na. I’m sure nag-aalala—”

“Let’s just forget about this,” putol nito sa kaniya. Kaya kunot noo niya itong tinignan.

“What?”

Seryoso itong nag-angat ng tingin sa kaniya. “Kalimutan na lang natin na nangyari ‘to. We’re friends, Kristof. Ayo’kong magkailangan tayo,” kapagkuwa’y anito.

Unti-unting nawala ang pagkakakunot ng kaniyang noo. Pero bakit ganito ang nararamdaman niya? Parang hindi niya gusto ang ideyang kalimutan ito nang gano’n na lang?

Pero tama ito, magkaibigan sila. Hindi rin niya gusto ang magkailangan silang dalawa. Dahil hindi ginagawa ng dalawang magkaibigan ang ginawa nila kagabi.

Kaya marahan siyang tumango, kasunod ng kaniyang pagsagot, “You’re right. Let’s just forget everything happened last night.” That’s the right thing to do; I think. Marahan siyang bumuntong hininga, at saka na inilihis ang usapan, “Mag-ayos ka na. I’m sure nag-aalala na si Detective Hanson sa ‘yo; because I’m sure, hindi ka nakapagpaalam sa kaniya kagabi.”

Friendship To Lovers (Dr. Kristof Gomez's Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon