35. It Hurts

135 4 0
                                    

CHAPTER 35: It Hurts

SUMAPIT na ang gabi, at hanggang ngayon talaga’y hindi sinasagot ni Kristof ang mga calls and messages niya. Naiinis na talaga siya. Sobra naman kasi ang reaksiyon nito sa pakikipagbalikan niya kay Zyjill, parang wala na sa tama.

Naiintindihan niya na nagtatampo ito, dahil sa dami na ng effort nito para lang tulungan siya sa pag-mo-move on niya, pero sa huli ay makikipagbalikan lang din naman pala siya.

Pero, kailangan ba talaga na iwasan siya’t ignore-in ang lahat ng mga messages and calls niya? Gusto niya itong kausapin at magpaliwanag, para maintindihan din nito ang side ni Zyjill, pero ayaw naman siya nitong pagbigyan.

Kainis na talaga siya!

Kaya naman heto siya ngayon sa tapat ng apartment ng kaibigan. Alas-diyes na ng gabi, kaya naman alam niyang nandito na ngayon ang lalake, at alam niyang gising pa ito sa mga oras na ito, kaya wala itong dahilan para hindi siya pagbuksan.

Malakas siyang kumatok sa pinto nito. “Hoy, Kristof! Kapag hindi mo ‘to binuksan, sisirain ko ‘tong pinto mo!” kapagkuwa’y pagbabantang sigaw niya rito. Wala siyang pakialam kahit na makaabala pa siya sa mga taong nakatira sa mga katabing apartment ng kaibigan.

Muli siyang malakas na kumatok. “Kristofer Honey B. Gomez! Buksan mo ‘to!!!” Hindi siya tumigil hanggat hindi bumubukas ang pinto.

Kaya naman napangisi na lamang siya nang sa wakas ay bumukas ito’t bumungad sa kaniya ang seryosong mukha ni Kristof, dahilan para unti-unti ring maalis ang kanina lang ay ngisi na nasa kaniyang mga labi.

“What do you want? Natutulog na ang mga tao. Nakakaistorbo ka,” kapagkuwan ay parang inis na sambit nito sa kaniya, kaya agad siyang napasimangot.

“Kasalanan mo ‘to! Bakit ba kasi ayaw mong sagutin ang mga tawag ko? Iniiwasan mo ba ‘ko?!” sumbat niya rito. Pero hindi manlang naalis ang kaseryosohan sa mukha nito, nakaramdam tuloy siya ng kaba. Bakit ba kasi ito ganito ngayon? Hindi siya sanay.

“Puwede ba, Hensin, tigilan mo muna ako? Pagod ako, at sobrang dami ko pang kailangang gawin. Huwag mo muna akong tatawagan o pupuntahan; huwag mo muna akong istorbohin.”

Her anger arisen because of what he have said, kaya masama niya itong tinignan. “Bakit ka ba ganyan? Kung galit ka, kausapin mo ‘ko! At saka, ano ba’ng kinagagalit mo? Ang pakikipagbalikan ko kay Zyjill?” She clacked her tongue. “Nang dahil lang do’n? Ano ba naman ‘yan, Kristof! Maiintindihan ko kung nagtatampo ka sa desisyon ko. Pero ‘yong ganito? Hindi ko maintindihan! Parang wala ka na kasi sa tama!”

Napahilamos si Kristof sa sariling mukha, bago parang pagod na tumingin sa kaniya. “Please, ngayon lang ako makikiusap sa ‘yo.” Bumuntonghininga ito, bago nagpatuloy sa sinasabi, “Huwag ka munang magpakita sa ‘kin. Kahit ngayon lang, pagbigyan mo ‘ko.”

Nanlalaki ang mga mata niya itong tinignan. Hindi siya makapaniwala sa naririnig niya rito. Ano’ng dahilan? Bakit ayaw siya nitong makita? Hindi niya maintindihan.

“Kristof…”

“Please, Hensin. I’m so tired---”

“Saan ka pagod? Sa trabaho mo? Pero bakit kailangan maging ganito ka? Hindi ko maintindihan---”

“You would never understand me, Hensin. Believe me, this is all on me, wala kang kasalanan. I’m so sorry.”

Pagkatapos n’on ay basta na lamang nitong isinara ang pinto nang hindi manlang hinihintay ang tugon niya.

Naguguluhan siya; hindi niya mapaniwalaan ang nangyayari; at nasasaktan siya…

Nasasaktan siya sa inaakto ngayon ni Kristof sa kaniya.

Friendship To Lovers (Dr. Kristof Gomez's Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon