CHAPTER 44: Tell Him?
“IT’S better if you request another leave. Huwag ka muna’ng pumasok sa trabaho hanggat hindi natin nahuhuli ang taong ‘yon.” Nangunot ang noo ni Hensin dahil sa narinig na sinabi ng kuya niya habang naghahapunan sila.
Kaka-start niya lang ulit sa work niya noong isang araw, ‘tapos gusto nito na mag-leave nanaman siya? Hindi naman na yata puwede ‘yon. Baka matanggal na siya niyan sa trabaho, lalo pa’t medyo hindi nagiging maganda ang performance niya sa work noong mga nakaraan araw dahil sa pagiging lutang niya at kawalan ng focus.
And I don’t want to lose my job. Lalo na ngayong magkakaanak na ‘ko.
“I can’t stop myself from worrying. Simula nang simulan natin ang plano, hindi ka na nilubayan ng mga in-assign kong magmanman sa ‘yo at sa mga taong nasa paligid mo. Pero kahit isang beses, hindi nila nakita ang taong ‘yon. Pakiramdam ko tuloy alam niya na may mga palihim na nakamanman sa ‘yo.”
Dama nga niya ang pag-aalala sa boses ng kapatid niya, at naiintindihan niya ito. Pero hindi naman puwede ang gusto nitong mangyari. Hindi niya hahayaan na maapektuhan ang buhay niya nang dahil lang sa demonyong taong ‘yon.
Marahan siyang umiling. “Huwag kang praning, Kuya. Magiging maayos ang lahat, okay?” pagpapagaan niya sa loob nito. “Think positive. At saka, wala ka bang tiwala sa mga katrabaho mo na in-assign mong magbantay sa ‘kin? Ako kasi ang laki ng tiwala ko sa kanila; and of course sa ‘yo. Malaki ang tiwala ko na hindi niyo ‘ko pababayaan.”
Napabuntonghininga na lamang ang kapatid niya, dahilan para mapangiti siya, dahil panalo nanaman siya sa usapang ito. Madalas talaga walang laban sa ‘kin si Kuya. Buwahahaha! Pinigilan niya ang mapahagikgik dahil sa sinambit ng kaniyang isipan.
“Basta, just always be cautious. You know how much wicked that person. Tahimik siya ngayon, pero hindi natin alam kung kailan siya kikilos at may gawin nanamang masama.”
“Yes, Kuya, I already know that. Don’t worry too much. I can take care of myself,” nakangiting sagot niya, at saka na nagpatuloy sa pagkain niya.
Pero nakaka-isang subo pa lamang siya ay nagsalita nanaman si Hanson, “Anyway…” Dahilan para muli siyang mag-angat ng tingin dito. “When are you planning to tell Kristof?” kapagkuwan ay tanong nito.
Hindi siya agad nakasagot. Hindi naging matanong ang kapatid niya patungkol dito, magmula nang una’t huli nila itong mapag-usapan. Pero mukhang iba ngayon; mukhang hindi na ito nakatiis pa, kaya nagtanong na ito ngayon.
“Balak namin ni Zyjill kapag natapos na ang kasal namin next month,” sagot niya, matapos ng sandaling pagtahimik.
Nangunot ang noo nito. “Bakit pagkatapos pa ng kasal? Bakit hindi mo na lang sabihin agad?” kapagkuwan ay tanong nito.
Nagkibit-balikat siya. “’Yon ang gusto ni Zyjill eh.”
Napataas ang dalawang kilay ni Hanson, kapagkuwa’y ngumisi. “Someone’s being cautious,” nakangisi pa ring anito, dahilan para siya naman ang pangunutan ng noo.
“Sinasabi mo?”
Nanatili ang ngisi sa labi nitong tumitig sa kaniya. Sinumpong nanaman yata ng ka-abnormal-an ang taong ‘to. Tsk tsk tsk.
“Kuya, an’yare na sa---” Pinutol nito ang pagsasalita niya.
“Sabihin mo na kay Kristof. Huwag mo nang paabutin pa sa kasal niyo ng fiance mo.”
Nangunot ang noo niya. “Bakit ba nagmamadali ka, Kuya? Ang gusto ni Zyjill, kapag natapos na ang kasal. Hayaan na lang natin.”
“Basta. I want to know something. Sundin mo na lang ako. At saka, hindi naman kailangang malaman ni Zyjill. Ako’ng bahala kay Kristof. Basta sabihin mo na agad sa kaniya.”
BINABASA MO ANG
Friendship To Lovers (Dr. Kristof Gomez's Story)
Romance[COMPLETED] WARNING: R18 || SPG || Mature Content "Dr. Kristof Gomez's Story" _____ They have been friends for years. Madalas man silang hindi magkasundo, hindi na nila maitatanggi na nagkaroon na rin sila ng special bond. They often riled each othe...