24. The Top Reason

148 5 0
                                    

CHAPTER 24: The Top Reason

HINDI na siya nagulat nang salubungin siya ng nakangising mukha ni Hensin pagpasok pa lang niya sa loob ng bahay nila. Inasahan niya na ‘to, dahil kahit na may nagbago na sa sitwasyon ng kanilang pagkakaibigan, hindi pa rin maaalis ang pang-aasar sa kanilang dalawa.

“So, how was it? Kayo na ba?” nakangising tanong nito.

“Sira. Nag-usap lang kami,” sagot niya, at saka ito nilampasan at pabagsak na naupo sa mahabang sofa na nasa sala.

Mabilis naman itong sumunod at tumabi sa kaniya. “Talaga ba? Pft. But, seriously. How was it? Tinanggap niya ba ang apology mo? Ayos na ba kayo? Titigilan niya na ba ang kabaliwan niya sa ‘yo? Kumusta ang pag-uusap niyo? Share naman diyan,” kapagkuwan ay sunod-sunod nitong tanong.

“Tsismosa ka talaga, ‘no?” natatawang aniya rito, pero inirapan lang siya nito, kaya napailing na lamang siya’t sinagot ang mga tanong nito, “Ayos na. Tanggap niya nang hindi talaga ako magkakagusto sa kaniya. Tinanggap niya ang apology ko, at nag-sorry din siya dahil sa pang-aaway sa ‘yo. ‘Yon lang naman. Happy?”

“Dapat lang na mag-sorry siya, dahil ang sakit kaya niyang manabunot at mangalmot, ‘no.”

“Mas masakit naman suntok mo. Nagka-black eye ‘yong tao eh, pft,” sagot niya rito, dahilan para mapataas ang isa nitong kilay.

“So, siya na ang kinakampihan mo ngayon? Eh ‘di sa kaniya ka na. Sa kaniya ka na rin maghingi ng kiss, tss.”

Hindi niya napigilan ang pagtawa dahil sa sinambit nito. Hindi niya inasahang may ganitong side pala ang kaibigan niya.

Cute.

Kaya naman hinila niya ito’t pinakandong patagilid sa hita niya. “Tampo ka na niyan?” kapagkuwa’y aniya rito, kasabay ng pagyakap ng mga braso niya sa baiwang nito.

“Sinasabi mo?”

Tipid siyang tumawa. “Gusto mo ba ng fries at saka burger? Pft.”

“Gago,” sagot nito, kasabay ng mahinang pagsampal sa mukha niya, dahilan para muli siyang matawa.

“Ang arte mo. Kiss mo na lang ako,” nakangising saad niya, at saka ngumuso rito.

Mahina nitong sinampal ang bibig niya. “Adik sa kiss, tss. Si Kiray na lang ang halikan mo,” kapagkuwa’y hasik nito sa kaniya, kaya muli na lamang uli siyang natawa.

“Halikan mo na lang kasi ako. Gusto mo rin naman eh. Pabebe ka pa.”

Pinigilan niya ang matawa nang agad siya nitong samaan ng tingin. Napakasarap talagang asarin nitong kaibigan niya. Mas lalong gumagaan ang pakiramdam niya. Pft.

“Ang kapal talaga ng kalyo niyang mukha mo, ‘no? Grabe, tinalo ang great wall of China.”

Tumawa siya. “FYI, walang kalyo ang guwapong mukha ko. At makapal talaga ‘to; sobrang kapal sa kaguwapuhan,” kapagkuwan ay sagot niya, at saka niya ito muling nginisian.

Hindi makapaniwala siya nitong tinignan. “Grabe, Kristof. Hindi na lang basta hangin ‘yang dala mo, bagyo na ‘yan.”

Nanatili ang ngisi sa mga labi niya. “Just kiss me, Hensin. I know you missed my delectable lips. Hmm. Just kiss me.” At saka siya muling ngumuso rito. Miss niya na rin kasing halikan ang masarap nitong mga labi. Hinding-hindi niya ito pagsasawaan.

“Ewan ko sa ‘yo, Kristof. Bahala ka riyan.” At akmang tatayo na ito mula sa pagkakakandong sa kaniya. Pero mabilis niya itong hinapit sa baiwang, dahilan para maantala ang plano nitong pagtayo, at mas magdikit pa ang kanilang mga katawan.

Friendship To Lovers (Dr. Kristof Gomez's Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon