29. Alone with...

150 6 0
                                    

NOTE: Add niyo naman ako sa Facebook. Just search Ivy Loud, at kapag may nakalagay na PsychoEmpress, ako na 'yan haha. Message me para ma-accept kita, or kung hindi mo 'ko ma-add, ako na mismo ang mag-a-add sa 'yo. Thank you. Lots of love!

CHAPTER 29: Alone with…

“BAKIT sa ‘kin mo hinahanap si Hensin? Siya ang una kong hinatid dito kanina.” Kunot na kunot ang noo ni Kristof habang nakatingin kay Detective Hanson na siyang nakatatandang kapatid ng kaibigang babae.

Pabalik na siya ng Crimson Wood galing Harmony Bridge kanina, dahil nga sa hinatid niya ang kaibigang si Sigmund, nang tawagan siya ng Detective para hanapin sa kaniya si Hensin. Nag-aalala kasi ito dahil hindi raw nito ma-contact ang kapatid. Wala ang babae sa bahay nang makauwi ito, gayong inaasahan daw nito na maabutan ang kapatid, dahil tinawagan niya ito kanina, para ipaalam dito na naihatid niya na ang babae sa apartment ng mga ito.

Sa’n naman kaya nagpunta ang babaeng ‘yon? Gabi na.

“Hindi niya ‘ko tinawagan. Sinabi ko sa kaniya na tawagan ako kapag nakauwi na siya. Kung hindi ka pa tumawag, hindi ko malalaman na nakauwi na kayo,” paliwanag nito, habang tumitipa sa phone nito. Malamang kung sino-sino nanaman ang kino-contact nito para ipahanap ang kapatid nito. Hindi naman lingid sa kaalaman niya ang pagiging praning nito pagdating kay Hensin.

“’Di kaya sinapian na ni Dora ‘yang kapatid mo? Habang tumatagal nagiging gala eh,” pilit na pagbibiro niya naman, habang sinusubukan pa ring contact-in ang phone ng kaibigan.

“Oh, shut up, Kristof,” anito, at saka siya sinamaan ng tingin, bago ito na-busy sa pagkausap sa taong tinawagan nito.

Napailing na lamang siya’t nag-scroll sa contacts niya, naghanap ng puwedeng matawagan na common friends nilang dalawa ni Hensin.

Sa’n naman kasi pupunta ang kaibigan niya, ‘tapos hindi pa ma-contact ang cellphone nito?

Hindi niya maiwasan ang mag-alala. Baka kung ano na’ng masamang nangyari dito. Pinasama pa naman niya ang loob nito dahil sa pagiging dry niya rito kanina. Hindi niya mapapatawad ang sarili kapag may masamang nangyari dito.

Napaangat ang tingin niya nang bigla’ng tumayo si Detective Hanson, kasabay ng pagbulsa sa phone nito at paglabas sa susi ng kotse nito.

“Stay here. Pupunta ako sa ospital na pinagtatrabahuhan niya, at saka sa bahay ng iba pang mga kaibigan niya. Call me kapag nalaman mo kung nasa’n si Hensin, o kapag umuwi na siya,” kapagkuwa’y nagmamadali nitong saad, at saka mabilis na naglakad palabas ng tirahan ng mga ito nang hindi na hinihintay pa ang pagsagot niya.

Napabuga na lamang siya ng hangin, at saka ibinalik ang paningin sa screen ng phone niya. Isa-isa niyang tinawagan ang mga common friends nilang dalawa ni Hensin. Hanggang sa mapadpad na siya sa pangalan ni Gilbert.

“Kristof, ‘Tol. Napatawag ka?” bungad nito pagkasagot sa tawag niya.

Kaya naman hindi na siya nagpadalos-dalos pa at sinabi na ang pakay, “Alam mo ba kung nasa’n si Hensin? Bigla na lang kasing nawala eh. Hindi namin ma-contact ang phone niya.”

“What?! ‘Di kaya masyado nang matanda si Hensin para ma-kidnapped?”

“Siraulo! Wala akong sinabing na-kidnapped siya. Ang sabi ko nawawala!” hasik niya rito, dahilan para matawa ang mokong. Napailing na lamang siya. Madalas nagtataka talaga siya kung pa’no pumasa sa pagiging doktor ang lalaking ‘to, sa psychological stability pa lang kasi bagsak na ito.

“Joke lang! Ito naman, sobrang seryoso hahaha!” natatawang sagot nito, kapagkuwa’y nagseryoso. “Baka kasama ni Zyjill. Ilang araw nang binabalik-balikan ng mokong na ‘yon si Hensin dito sa ospital eh. Alam mo naman ‘yong dalawa, mag-aaway, ‘tapos magbabati. Baka nagkabalikan na ulit.”

Friendship To Lovers (Dr. Kristof Gomez's Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon