CHAPTER 46: Hurtful Lost
HINDI napigilan ni Hanson ang maluha, habang nakatitig sa hanggang ngayo’y wala pa ring malay na kapatid. Ito ang kinatatakutan niyang mangyari: ang mapahamak ang nag-iisa niyang kapatid; ang nag-iisa niyang pamilya.
Nagagalit siya sa sarili niya dahil hindi niya nanaman ito nagawang maprotektahan. At ngayon, ang dapat ay dadagdag sa pamilya nila ay nawala na. Hindi manlang niya ito nagawang iligtas. Hindi niya tuloy alam kung paano ito sasabihin sa kapatid niya. Paniguradong masasaktan ito nang husto.
Hinawakan niya ang kamay ng kapatid, habang lumuluhang nakatingin sa mukha nito. “I’m so sorry, Hensin, hindi ka nanaman nagawang protektahan ni kuya.” Suminghot siya, at saka mapait na ngumiti. “Patawarin mo si kuya, hah? Patawarin mo ‘ko dahil hindi ko rin nagawang iligtas ang anak mo.” Pinisil niya ang kamay nitong hawak niya. “Magpakatatag ka lang. Kahit na ano’ng mangyari, hindi ako mawawala sa tabi mo; sasamahan kita hanggang sa pagtanda mo. Mahal na mahal ka ni kuya.”
Tumayo siya’t hinalikan ito sa noo, bago siya tuluyang lumabas sa kuwarto nito. Nang makalabas siya ay agad niyang kinuha ang phone niya para tawagan ang detective na kasama niya sa kasong ‘to.
“Kumusta?” bungad niya pagkasagot nito sa tawag niya.
“Nakatakas siya. Pero huwag kang mag-alala, ginagawa namin ngayon ang lahat para mahanap uli siya. Kaya magbantay ka lang diyan sa kapatid mo. Kami na’ng bahala rito.”
Bumagsak ang balikat niya dahil sa naging sagot nito, pero wala siyang nagawa kun’di ang magpasalamat na lang dito.
“Sige, balitaan mo na lang ako,” huling saad niya, bago pinatid ang linya. Pagkatapos n’on ay nag-utos siya sa mga taong inatasan niyang magbantay sa kapatid niya na ituloy ang pagmamanman sa paligid, dahil baka magtungo rito ang taong may gawa nito sa kapatid niya.
Napabuntonghininga na lamang siya’t naupo sa upuan na nasa labas ng private room ng kapatid. Napahilamos na lamang siya sa mukha niya gamit ang dalawang palad niya, at saka nag-isip sa susunod na hakbang na gagawin niya.
Hindi niya mapalalampas ang nangyaring ‘to sa kapatid niya. Sisiguraduhin niyang magbabayad ang taong ‘yon sa lahat ng kademonyohang ginawa nito sa pamilya niya.
***
SAMANTALA, rito sa loob ng isang malaki pero luma at walang kagamit-gamit na bahay, malademonyong nakangisi ang balbasaradong lalake, habang nakatitig sa mga litrato na nasa dingding ng kuwarto niya.
Litrato ito ng magkapatid na Costodio. Matagal niya nang minamanmanan ang dalawang ‘to, kaya naman alam na alam niya na ang bawat kilos ng mga ito; kabisado niya na ang routine ng mga ito sa araw-araw; at alam na alam niya na rin ang lahat ng lugar na pinupuntahan ng mga ito.
Humithit siya sa sigarilyo na naka-ipit sa pagitan ng index and middle finger niya, bago muling mala-demonyong ngumisi, habang nakatitig na sa isang partikular na litrato, na nilalaman ang mukha ni Detective Hanson.
“Kung nag-move on ka na lang sana, bata, hindi ko na sana kayo guguluhin pa; hindi na sana nag-agaw buhay ang kapatid mo; at hindi ka sana nawalan ng pamangkin.” Mahina siyang tumawa. “Kaso, pilit mo pa kasi akong hinanap eh. Kaya sige, maglaro tayo.”
Malademonyo siyang tumawa, at saka niya tinignan ang pares na mga mata na ngayo’y matamang nakatitig sa kaniya mula sa siwang ng pinto ng kuwarto niya. Malademonyo niya rin itong nginisian, bago muling humithit sa sigarilyo niya.
***
UNTI-UNTI ang ginawang pagmulat ng mga mata ni Hensin. Bumungad sa paningin niya ang maliwanag na ilaw sa puting kisame ng ospital.
BINABASA MO ANG
Friendship To Lovers (Dr. Kristof Gomez's Story)
Romance[COMPLETED] WARNING: R18 || SPG || Mature Content "Dr. Kristof Gomez's Story" _____ They have been friends for years. Madalas man silang hindi magkasundo, hindi na nila maitatanggi na nagkaroon na rin sila ng special bond. They often riled each othe...