56. Friendship to Marriage

254 4 0
                                    

CHAPTER 56: Friendship to Marriage

ISANG matamis na ngiti ang gumuhit sa mga labi ni Hensin matapos niyang ilagay sa ibabaw ng puntod ni Zyjill ang dala niyang bouquet ng bulaklak. Naupo siya sa damuhan sa harap nito, at saka sinindihan ang dala rin niyang kandila.

“Hey, Zy, how are you?” panimula niya nang maayos na siyang maupo, habang nakatitig sa lapida nito. Maluwag ang ngiti niya ngayon, kumpara noon, dahil ngayon ay tanggap niya na ang kinahantungan ni Zyjill. Nalulungkot pa rin siya pero tumigil na siya sa pagsisi sa sarili niya, dahil wala naman ‘yong magagawang mabuti sa kaniya, at pagdudusahin niya lang ang sarili niya.

Masaya na siya ngayon, at alam niyang gano’n din si Zyjill kung sa’n man ito naroon. Alam niyang masaya ito para sa kaniya.

“Pasensiya ka na dahil ang tagal kong hindi nakabisita sa ‘yo. Masyado kasi akong naging busy sa preparation ng kasal ko.” Ngumisi siya. “Gulat ka, ‘no?” Mahina siyang tumawa, at saka itinaas ang kaliwang kamay niya’t ipinakita ang suot niyang singsing. “Oo, ikakasal na ‘ko bukas; ikakasal na ‘ko kay Kristof. Just like what you’ve wished, naging masaya ako sa piling ng lalakeng ‘yon.”

Bumuga siya ng hangin, at saka siya marahang humaplos sa tiyan niya. “At ngayon nga, ikakasal na ‘ko sa abnormal na ‘yon. Masyado kasing sharpshooter, kaya ayan, may laman nanaman ang tiyan ko, pft.” Mahina na lamang siyang napailing nang maalala kung paanong muntik nang mabugbog ng kuya niya ang fiance. “Galit na galit nga si Kuya, kasi binuntis nanaman ako ni Kristof nang hindi pinakakasalan. Kaya ayon, muntik nang mabugbog ni Kuya ang abnormal,” natatawang pagkukuwento niya.

“Kaya ayon, agad na kaming nagplano na magpakasal na, bago pa lumaki ‘tong tiyan ka.” Malungkot siyang ngumiti nang maalala nanaman una niyang baby sana. Kung sa’n man siya naroroon… I wish he’s happy; at hiling ko rin na sana kasama niya ngayon si Zy...

“At ngayon, I’ll make sure na aalagaan ko nang maigi ang sarili ko, at ang baby na nasa sinapupunan ko ngayon. Hindi ko na hahayaan na mawala pa ito sa ‘kin.” Muli siyang marahang humaplos sa tiyan niya. “Mamahalin at pahahalagahan ko ang baby na ‘to nang higit pa sa buhay ko.”

I’m so sorry, my first baby, dahil hindi ka naalagaan ni mommy. I promise, hindi ko na pababayaan ang kapatid mo. Sana mapatawad mo si mommy, hah? Mahal na mahal kita.

Napabuga siya ng hangin at saka ngumisi sa puntod ni Zyjill. “Ikaw rin, hah? Bantayan mo rin ang baby ko riyan kung kasama mo man siya. You promised me na babantayan mo ‘ko kahit sa’n ka man mapadpad. Sana ang baby ko, bantayan mo rin; sana mahalin mo rin siya gaya ng pagmamahal mo sa ‘kin. Huwag kang maging bitter diyan dahil anak namin ‘yan ni Kristof. Huwag kang mag-alala, dahil gaya ng sinabi ko sa ‘yo, nahigitan ka man ni Kristof, hinding-hindi ka pa rin mawawala sa puso ko. Habambuhay kang magkakaro’n ng space dito, kahit na ano’ng mangyari. Kaya maging happy ka lang riyan. Kasi ako rito, happy na ‘ko. At promise ko sa ‘yo, kahit na ano’ng problema pa ang dumating sa buhay ko, magiging matatag ako at hindi ko na susukuan pa ang buhay na ‘to.”

Ilang sandali pa siyang nagtagal sa cemetery, bago siya tuluyang nagpaalam kay Zyjill, dahil kinakailangan niya na’ng umuwi, dahil ngayon ang dating ng pamilya ni Kristof dito, at kailangan nilang sunduin ang mga ito sa airport.

Dito sa Crimson Wood na lamang nila napagkasunduan na ikasal ni Kristof, kaya naman ang pamilya ng lalake ang pupunta rito para um-attend sa kasal nila. Tuwang-tuwa pa nga ang mga ito dahil sa wakas daw ay naisipan na ni Kristof ang pakasalan siya.

Natatawa na lamang siya dahil sa ala-ala na nagpapanggap lang silang magkarelasyon noon ni Kristof sa Malikdem. Hindi niya inakalang hahantong sila sa totohanan, at ngayon nga ay ikakasal na. Akalain mo ‘yon? Mapagbiro ngang talaga ang tadhana. Dati ay matalik na kaibigan niya lamang, ngayon ay magiging asawa niya na.

Friendship To Lovers (Dr. Kristof Gomez's Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon