25. Make Love to Me

264 5 0
                                    

CHAPTER 25: Make Love to Me

HINDI maiwasan ni Kristof ang makaramdam ng kaba habang tinitignan ang kaibigang si Hensin. Narinig kaya nito ang naging pag-uusap nila kanina ni Sigmund? May idea na kaya ito ngayon ‘tungkol sa nararamdaman niya?

I hope she doesn’t…

“Bilisan mo ngang maglakad.” Napakurap siya nang lingunin siya ng kaibigan. Kasalukuyan nga pala silang naglalakad ngayon patungo sa may sakahan. Napagkasunduan kasi nilang tumambay ro’n ngayong gabi. May papag kasi ro’n na puwede nilang higaan.

Gusto nilang sulitin ang huling gabi nila rito.

Isasama sana nila si Sigmund, pero tumaggi ito dahil gusto na raw nitong magpahinga. Pero alam niyang hindi ‘yon ang dahilan. Gusto lang talaga ng lalake na magsolo silang dalawa ni Hensin. Tss. Hindi niya akalain na isang shipper pala ang kaniyang matalik na kaibigan. Mahina na lamang siyang napailing.

Nagdala rin sila ng snacks and drinks (beer.) Para may nangangata at naiinom sila habang nagkukuwentuhan ng kung ano-ano. Pinayagan sila ng nana niya na uminom, basta raw huwag lang silang maglalasing masyado. Strict talaga ang parents niya, lalo na ang ina niya. Kaya nga medyo nagtataka siya, dahil mas maluwag ito sa kanilang dalawa ni Hensin, ke’sa sa tata niya. Pero pinagkikibit-balikat niya na lamang ‘yon. Ang mahalaga ay walang problema sa pagitan ni Hensin at ng mga magulang niya.

Lumubog na ang araw at maya-maya lang ay paniguradong magdidilim na rin ang langit. Pero hindi naman ‘yon problema, dahil may ilaw naman ro’n sa may papag.

Napahinto siya sa paglalakad nang huminto si Hensin at humarap sa kaniya, kaya nagtataka niya itong tinignan. Sinimangutan siya nito at tinaasan ng kilay.

“What’s your problema, Kristof? Bakit kanina ka pa tahimik? Ano ba ‘yang iniisip mo?”

“Huh?” Napaiwas siya ng tingin. Kanina pa pala nito napapansin ang pagiging tahimik niya. Masyado siyang nalulunod sa pag-iisip niya.

“Ano’ng huh ka riyan. Problema mo nga? Kanina ka pa lutang eh,” pag-uulit nito, habang nakataas pa rin ang isang kilay sa kaniya.

Tumikhim siya, bago ito sinagot, “Wala. Tara na nga.” At saka niya na ito hinatak sa braso, dahil malapit na sila sa may palayan nila. Kaya wala na itong nagawa pa kun’di ang magpahila na lamang sa kaniya. Sana lang ay hindi na uli ito magtanong, dahil hindi niya alam kung ano’ng isasagot dito.

Hayy… Bakit ba kasi napunta siya sa sitwasyong ‘to? Ayos naman sila noon eh. Bakit kasi kailangan pa nilang magkaganito? Pakiramdam ko malapit na ‘kong mabaliw. Tsk.

“Hayy…” Agad siyang nahiga sa papag na gawa sa kawayan nang sa wakas ay makarating na sila sa palayan. Nag-inat siya, bago ginawang unan ang isang braso niya.

Samantalang si Hensin naman ay inayos muna ang mga dala nilang snacks and beers, bago naupo sa tabi niya.

Napangisi siya nang makita ito na ekspertong binuksan ang bote ng beer gamit lang ang isa pang bote. Halatang sanay na sanay. Pft. Bago inabot sa kaniya ang isa. Kaya muli siyang bumangon at tinanggap ito.

“Last night na natin dito. Ma-mi-miss ko ang lugar na ‘to,” sambit ni Hensin, matapos lumagok sa boteng hawak nito.

Napangiti siya, at saka na rin lumagok sa bote niya. “Puwede naman tayong bumalik dito eh. Kung gusto mo magbakasyon uli tayo rito. Just tell me when.”

Napangiti na rin ito. “Really? Sige, gusto ko ‘yan. Next time, isama na rin natin si Kuya.”

“Sure. Para naman makapag-break na ‘yong si Detective Hanson. Masyadong workaholic,” sagot niya, at saka tumawa. Naalala niya kasi kung gaano na-stress ang naturang detective, dahil kay Ivy na hindi nito mahuli-huli. Napapaisip tuloy siya: ano kaya ang magiging reaksiyon nito kapag nalaman nito na hindi talaga totoong namatay si Ivy? Paniguradong ma-i-stress nanaman ‘yon. Pft.

Friendship To Lovers (Dr. Kristof Gomez's Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon