19. Kissfriend

166 4 0
                                    

CHAPTER 19: Kissfriend

NAGULAT ang lahat ng mga nakasaksi dahil sa ginawa niya; maski ang kaibigan niyang si Kristof ay hindi makapaniwalang napatulog niya si Kiray sa isang suntok lang. Ikaw ba naman ang lumaki kasama ang isang praning na detective.

Bata pa lamang siya’y tinuturuan na siya ng kuya niya ng mga self defense, para daw maipagtanggol niya ang sarili niya, kung sakali mang may mangyaring hindi maganda.

Naiintindihan niya naman ang pinanggagalingan ng Kuya Hanson niya, kaya naman kahit na hindi niya trip ang mga suntukan o pag-gamit ng mga baril ay sumusunod na lamang siya. Feeling niya rin kasi ay magagamit niya ‘yon sa future; ewan niya ba, feeling niya lang. Nahahawa na rin yata siya sa ka-praning-an ng kuya niya.

Kaya sorry not sorry na lang kay Kiray, dahil pinuno siya nito, kaya ibinigay niya talaga ang buong lakas niya sa suntok na ginawa niya. Kaya ngayon ay ayon ang dalaga at mabilis na isinugod sa maliit na clinic ng barangay.

Akala nga niya’y magagalit ang mga magulang nito at susugurin din siya. Pero kabaliktaran ang nangyari. Nang makaharap niya ang mga ito kanina ay ang mga ito pa ang nag-sorry sa kaniya, dahil sa pang-gugulo raw ng anak ng mga ito sa kaniya. Kilala na raw kasi ng mga ito ang anak, kaya hindi na raw nagulat ang mga ito sa nangyari.

Medyo hindi niya inasahan ‘yon. Hindi niya alam kung maaawa ba siya kay Kiray o matatawa na lang. Though, kung siya ang nasa kalagayan nito, at malaman niyang hindi manlang siya ipinagtanggol ng kuya niya, paniguradong maiinis at masasaktan siya.

Pero never mind na lang, dahil labas na siya sa pamilya ng babaeng ‘yon. Pasalamat na lamang siya na hindi nagalit sa kaniya ang pamilya nito, at hindi sinumbatan na dayo lang siya rito.

Poor Kiray. Napangingisi na lamang siya. Siguro naman ngayon ay alam na nito kung sino ang binabangga nito. Hindi lang ‘yon ang kaya niyang gawin; malakas din siyang sumipa. Baka gusto niya ring matikman ang high kick ko, kapag hindi niya pa tinigilan si Kristof.

“Hmm…” hindi niya napigilan ang mahinang pag-ungol nang pumasok ang dila ni Kristof sa loob ng bunganga niya. Yeah, they are making out again inside her room right now.

This man is a kiss addict, pft.

Alas-dyes na ng gabi nang bigla na lamang itong kumatok. Nang pagbuksan niya naman ito ay bigla na lamang siyang sinalakay ng halik. Hanggang sa mapadpad na sila rito sa kama; nakahiga siya, habang ito nama’y nakaibabaw sa kaniya.

They french kissed like there’s no tomorrow. Mapangahas ang halik na pinagsasaluhan nila ngayon; nakapag-iinit. But still, they know their limitations; hanggang kiss lang talaga silang dalawa.

Ramdam niya ang marahang paghaplos at pagpisil ni Kristof sa baiwang niya; at bumababa pa ‘yon sa may bandang puwetan niya, dahilan para mangunot ang noo niya.

Mukhang masyado nang nadadala ang kaibigan niya sa nangyayari, dahil ramdam niya rin ang bukol na nasa loob ng shorts nito na tumatama sa hita niya.

Fudge! He’s aroused!

Umalis sa mga labi niya ang halik nito, gumapang ito sa pisngi niya, sa panga niya, hanggang sa mapadpad na sa leeg niya. He nipped and sucked the skin of her neck, kasabay ng paghaplos at pagpisil nito sa isang pisngi ng puwet niya.

“Kristof…” paungol na pagsambit niya sa pangalan nito, dahil sa sarap ng ginagawa nito sa kaniya.

Pero hindi dapat sila umabot sa ganito. Kaya naman hinawakan niya ang kamay nitong nasa puwetan niya’t inalis ito roon, dahilan para mapaangat ang tingin sa kaniya ng kaibigan na may nagtatanong na tingin.

Friendship To Lovers (Dr. Kristof Gomez's Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon