Thank you, Kuys gelongwrites, for this new bc.
CHAPTER 30: She Chose Him
"IISANG lugar lang naman ang pinupuntahan ni Hens every time na gusto niyang mapag-isa," may mapait na ngiti sa labing sambit ni Zyjill, habang ang paningin ay nasa malaking bakal na gate na nasa harapan nila.
Pilit na lamang din siyang napangiti. Mukhang alam niya na kung bakit ang lugar na 'to ang pinupuntahan ng kaibigan sa tuwing gustong mapag-isa.
If I haven't know about her deceased parents, pagkakamalan ko na talaga siyang baliw. Ano naman kasi ang gagawin niya rito? And medyo nakakawindang na kaya niyang mag-stay sa lugar na 'to nang gabi; with this eerie ambience.
"You really know her," wala sa sariling usal niya. Siya kasi na matagal na ring kaibigan ang babae ay hindi alam ang 'tungkol dito. Ngayon niya nga lang nalaman na rito pala nakalibing ang magulang ng Kaibigan.
Hindi naman kasi ito palakuwento pagdating sa parents nito. Sa tuwing nagiging topic nga nila ang parents nito noon ay bigla na lamang itong nananahimik. Kaya naman iniiwasan niya na lamang ang pagbanggit ng kahit ano patungkol sa mga magulang nitong hanggang ngayon ay hindi niya alam kung ano ang kinamatay.
Pero hindi na lamang siya nagtatanong. Ayaw niya naman kasi'ng maging insensitive sa kaibigan. Though, medyo hindi maganda sa pakiramdam ang kaalamang mas maraming alam ang ex nito 'tungkol rito ke'sa sa kaniya.
Lumingon sa kaniya si Zyjill, kasabay ng tipid nitong pagngiti. "Of course, she's Hensin; she's my love; my everything."
Napapalatak na lamang siya. My love, my everything your ass, stupid shit. Kung mahal at pinahahalahan talaga nito si Hensin, hindi nito sasaktan ang kaibigan.
Nangangati na talaga ang kamao niyang sapakin ang lalake, kanina pa siya nagpipigil. Pero dahil mas mahalagang makita na nila si Hensin at masigurong ligtas ito, magtitiis at magtitimpi na lamang siya habang kasama ito.
"Let's go. Natawagan ko na si Detective Hanson. Naghihintay na 'yon sa kanila," kaya naman saad niya na lamang at nauna nang maglakad papasok sa loob ng Crimson Wood Cemetery.
Tinawagan niya agad kanina si Detective Hanson nang malaman niya ang possible na lugar na kinaroroonan ni Hensin ngayon. Ang akala nga niya'y magmamadali itong sumunod sa kanila nang sabihin niya rito ang lokasyon, pero bigla lamang itong natahimik at sinabihan siyang siya na ang bahala sa kapatid nito't iuwi na ito agad.
Nang tuluyan na silang makapasok ay pinauna niya na si Zyjill, dahil ito ang nakakaalam kung sa'n nakapuwesto ang nitso ng mga magulang ni Hensin.
At dahan-dahan silang napatigil sa paglalakad ni Zyjill nang makita nga si Hensin na nakahiga sa ibabaw ng nitso ng mga magulang, at mahimbing na natutulog.
BINABASA MO ANG
Friendship To Lovers (Dr. Kristof Gomez's Story)
Roman d'amour[COMPLETED] WARNING: R18 || SPG || Mature Content "Dr. Kristof Gomez's Story" _____ They have been friends for years. Madalas man silang hindi magkasundo, hindi na nila maitatanggi na nagkaroon na rin sila ng special bond. They often riled each othe...