7. Surprise Trip

232 5 0
                                    

CHAPTER 7: Surprise Trip

AFTER that encounter outside the hospital yesterday, hindi na nagtangka pa’ng sumunod sa kanila si Zyjill. Thankfully. Dahil hindi niya na talaga kaya pa’ng harapin ito ng maayos. Sa tuwing nakikita niya ito ay bumabalik ang kirot sa dibdib niya.

Hindi niya alam kung ano ba ang pinag-sasa-sabi nito kahapon. He doesn’t cheated on her? So, ano’ng tawag sa ginawa nito? Prank lang? Gano’n?

Malamang ay sinasabi lang nito ‘yon para pumayag na siyang pakinggan ang paliwanag nitong paniguradong puro lamang kasinungalingan.

Gago siya, manloloko, at sinungaling! Kaya bakit pa ‘ko maniniwala sa kaniya?

Hinding-hindi na siya magpapakatanga pa sa lalake. Kaya manigas ito, dahil hinding-hindi na siya maniniwala sa lahat ng mga sasabihin nito!

Kasalukuyan siyang nag-aayos para sa pagpasok sa trabaho. Pero napahinto siya nang bigla’ng mag-ring ang phone niya na nakapatong sa bedside table niya at naka-charge.

Sino naman kaya ang tatawag sa kaniya ng ganito kaaga?

Tinapos niya na ang pagbubutones ng kaniyang blouse, at saka lumapit sa phone niya. Inalis niya ito mula sa pagkaka-charge, bago sinagot ang tawag na mula pala sa isang katrabaho niya na isa sa mga plastic niyang kaibigan. Tch. Ano nanaman kaya’ng ka-plastic-an ang sasabihin sa ‘kin ng babaeng ‘to?

“Bruha ka! Bakit hindi ka nagsasabi na magbabakasyon ka?!” pabulalas na bungad nito, matapos niyang maidikit ang phone sa tainga niya.

Nangunot ang noo niya sa pagtataka. Ano ba’ng pinag-sasa-sabi nito?

“Bakasyon? Sinasabi mo?”

“Maang-maangan ka pa? Si Head Nurse Gina na mismo ang nagsabi na isang linggo kang mawawala, dahil nagpasa ka ng one week vacation request. Kaya pala wala ka kahapon, ‘no? Bakit hindi mo ‘ko sinama? At saka paano na-approved ang request mo? Ano’ng ginawa mo?” sunod-sunod na tanong nito.

Lalong nangunot ang noo niya. Kailan ako nagpasa ng vacation request? Wala talaga siyang maalala na ginawa niya ‘yon.

Pero magsasalita na sana siya para sabihin sa kausap na hindi siya nagpasa ng kahit ano’ng request nang makarinig siya ng sunod-sunod na pagkatok mula sa labas ng pintuan ng apartment nila.

Sino naman kaya ngayon ang bibisita ng ganito kaaga? Ano ba’ng nangyayari?

“I’ll call you later,” aniya sa kausap, at saka pinatid ang linya, kahit na may sinasabi pa ang babae. Bahala siya sa buhay niya.

“Wait lang!” sigaw niya, dahil sunod-sunod pa rin ang katok ng kung sino ma’ng tao sa labas ng apartment nila, kasabay ng mabilis niyang paglalakad palabas ng kuwarto niya.

“Ano ba’ng kailangan mo—” Napatigil siya nang makita kung sino ang taong nasa tapat ng pinto at walang pakundangang kumakatok. Kasunod ng pagsimangot niya. “Ginagawa mo nanaman dito?”

“Magbihis ka at mag-impake ng gamit mo,” sa halip ay saad nito, kasabay ng dere-deretso nitong pagpasok sa loob at paghilata sa sofa na parang nasa sarili nitong pamamahay. Feel at home talaga ang loko.

Kunot noo niya itong sinundan. “Ano nanama’ng ka-abnormal-an ‘to, Kristof? Ano ba’ng ginagawa mo rito?”

“We’re having a one week vacation. Bilisan mo nang magbihis at mag-impake, dahil naghihintay si Sigmund sa kotse,” simpleng sagot nito habang nakahilata pa rin sa sofa.

“What? Ikaw ba ang nagpasa ng vacation request ko sa ospital? Bakit hindi mo sinabi sa ‘kin?” kunot pa rin ang noong tanong niya rito.

Bakit nagdedesisyon ito nang hindi nagsasabi sa kaniya? May sinabi ba siyang gusto niyang magbakasyon? ‘Tapos biglaan pa. Alam na ba ‘to ng kuya niya? Paniguradong hindi papayag ‘yon na one week siyang mawawala!

Friendship To Lovers (Dr. Kristof Gomez's Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon