45. Hurtful Regret

127 4 0
                                    

CHAPTER 45: Hurtful Regret

PABAGSAK na napaupo si Kristof sa sofa ng opisina niya nang tuluyan nang makaalis si Hensin.

“Nandidiri ako sa ‘yo! Nakakadiri ka, Kristof! Sana hindi na lang ikaw! Sana si Zyjill na lang talaga! Napakatanga ko! Isa kang malaking hayop!”

Ano ang ibig nitong sabihin sa sinabi nitong ‘yon?

“Kristof. Why not we continue our business awhile ago?” malanding saad ni Hillary, kasabay ng pagkalong sa kaniya’t paghaplos sa dibdib niya.

Matalim niya itong tinignan. “Out.”

Nangunot ang noo nito. “What?”

“I said, get out!” sigaw niya, kasabay ng muling pagtayo niya, dahilan para mapaalis ito sa kandungan niya.

Nanlalaki ang mga mata itong tumingin sa kaniya. “Why? Nang dahil nanaman ba sa babaeng ‘yon? Hindi mo ba narinig ang sinabi niya? Hindi ka niya na gustong makita pa!”

Muli niya itong sinamaan ng tingin. “Umalis ka na, Hillary, at huwag na huwag ka nang babalik pa. You’re fired!”

“You can’t do that!” gulat na bulalas nito.

Nginisian niya ito. “I can.” Kapagkuwan ay mabilis ding nawala ang ngisi sa labi niya’t seryoso itong tinignan. “Nagtagal ka sa ‘kin, because I thought you’re different.” Tinignan niya ito nang may pang-iinsulto. “But, I’m wrong, dahil wala kang pinagkaiba sa mga babaeng naikama ko na; you’re a slut like them---” Pumaling ang ulo niya dahil sa malakas na pagsampal na ginawa nito sa kaniya.

“How dare you?! Asshole!” At saka na ito naluluhang tumakbo palabas ng opisina niya. Napahilot na lamang siya sa sentido niya dahil sa frustration na nararamdaman niya ngayon.

Nag-alala siya bigla kay Hensin. Hindi dapat nito sila inabutan sa gano’ng tagpo. Hindi niya intensiyong mangyari ‘yon, at hindi niya rin ginusto na mapagsalitaan ito nang gano’n.

Ang gago mo talaga, Kristof!

“Fuck!”

“Tell me the truth, Hillary! Wala talagang nangyari sa ‘tin, ‘di ba?!” he asked her again, hoping na sana tama ang hinala niya. Buong araw siyang nag-isip kahapon patungkol sa nangyari, pero wala talaga siyang maalala na may nangyari sa kanilang dalawa ni Hillary bukod do’n sa kiss, dahil nga sa inakala niyang ito ay si Hensin.

Nagtataka siya, dahil kahit gaano pa siya kalasing, hindi naman siya nakakalimot sa mga pinag-gaga-gawa niya. Kaya naman bigla’ng pumasok sa isip niya ang ideyang baka wala naman talagang nangyari sa kanilang dalawa ng secretary niya.

Pero bakit naman ito magsisinungaling sa kaniya?

Kaya naman pumasok na siya sa trabaho ngayon, kahit na hindi pa tapos ang araw ng kinuha niyang leave, para lang makausap si Hillary, dahil hindi nito sinasagot ang mga tawag niya.

Kunot noo siyang tinignan ng sekretarya niya. “What the heck? And now you’re denying it? Ganyan ka ba talaga kagago, Dr. Gomez?”

Napatiim bagang siya’t mariin itong hinawakan sa balikat. “Tell me the truth! Huwag mo na ‘kong lokohin pa, Hillary! Hindi ako tanga!” kapagkuwa’y galit na sigaw niya rito. Nabakas ang takot sa mukha nito dahil sa galit na ipinakikita niya rito.

“Ano ba’ng sinasabi mo---”

“I don’t know what’s your reason, pero sabihin mo sa ‘kin ang totoo! Nothing happened between us that night! Huwag ka nang magsinungaling, dahil kahit gaano pa ‘ko kalasing, hinding-hindi ako makakalimot. At wala akong maalala ‘tungkol sa nangyari sa ‘tin!”

Friendship To Lovers (Dr. Kristof Gomez's Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon