18. Knock Out

157 6 2
                                    

CHAPTER 18: Knock Out

HINDI na talaga nila napigilan ang mga sarili sa kahibangan nila. Alam nilang pareho na kaibigan lang talaga ang tingin nila sa isa’t isa. Pero heto sila’t parang in-e-enjoy pa ang kapahangasan nila.

They are sane and not drunk; but, seems like they are out of their mind. Sino ba naman kasi ang matinong tao ang makikipag-make out sa isang kaibigan? Ngayon ay napatunayan na nilang hindi nga talaga sila matino ng kaibigan niya.

They just made out on this bed last night; magkatabi silang natulog nang halos kapusin na sila ng hininga, dahil sa kalokohan nila. ‘Tapos ngayon ay heto nanaman sila, lumalampas sa limitasyon nila.

Wala pang toothbrush-toothbrush ‘yan, tss.

Hindi na alam ni Hensin kung pipigilan pa ba ito o mag-e-enjoy na lang sa halik ni Kristof sa kaniya?

Pero mukhang hindi niya na kailangang sagutin pa ‘yon, dahil katawan niya na mismo ang sumasagot. Hindi naman kasi siya tutugon sa masarap na halik nito kung hindi niya naman gusto, ‘di ba?

This is wrong, and the both of them know that. Pero ang kakaibang nangyayari ngayon sa kanila ay hindi na nila makontrol pa. They can’t get enough with each others lips. Parang kapwa na nilang tinanggap ang pag-abot sa limitasyon nila bilang isang magkaibigan.

Alam nilang pareho na may magbabago nang dahil dito, pero napag-usapan na nila kagabi ang ‘tungkol dito, at nagkasundo na silang dalawa.

They both love kissing each other. So, bakit hindi nila pagbigyan ang mga sarili nila? Yes, they are friends, pero pareho naman na silang single, ‘di ba? Wala naman na silang maaagrabyado kahit na maglaplapan pa sila magdamag.

Nagkasundo na sila na sa kabila ng set up nila ngayon ay hindi masisira ang samahan nilang dalawa. They’ll stay as friends whatever happens.

Kapwa silang humihingal nang magparte ang kanilang mga labi. Nakahiga si Kristof, habang siya’y nakapatong sa ibabaw nito. Nothing happened between them, aside from kissing. Ayaw naman niya na’ng umabot nanaman sila sa puntong magtatanggalan sila ng damit. Tama na ang nangyari noon; ayaw niya na’ng maulit pa ‘yon. Hanggang kiss lang silang dalawa.

“Baka katukin na tayo nila Nana,” usal niya, at saka na akmang aalis mula sa pagkakapatong rito. Pero humigpit ang pagkakapulupot ng mga braso nito sa baiwang niya para pigilan siya.

“Let’s stay like this. I’m not yet done kissing you,” kapagkuwa’y anas nito, kasabay ng paglapat nanaman ng mga labi nito sa labi niya.

“Wait nga. Napaka-addict mo,” sambit niya, matapos iiwas ang mga labi niya rito. Sinimangutan niya ito. “Nagugutom na ‘ko. Puwede bang kumain muna ng breakfast? Hindi pa nga tayo nag-tu-toothbrush eh. Kanina pa tayo naglalaplapan dito. Maga na ang labi ko,” reklamo niya, dahilan para tipid itong matawa. Bwisit!

Pero wala na itong nagawa pa nang tuluyan na siyang tumayo at inayos ang buhok niyang wala pang kasuklay-suklay.

“Okay, okay. I’m sorry. It’s just that… I can’t get enough of your lips,” pagsuko na nito, at saka na rin tumayo’t inayos ang nagusot na damit.

“Tch. Adik ka na sa kiss ko, pft.”

“Ikaw rin naman ah. Kaya ‘wag kang magmalinis diyan. Adik ka na rin sa kiss ko,” nakangising sagot nito sa pang-aasar niya. Kaya napairap na lamang siya’t pinalayas na ito.

“Sumunod ka na agad. Siguradong nakapagluto na si Nana ng breakfast,” saad ni Kristof, bago binuksan ang pinto ng kuwarto.

“Oo na. Sige na. Alis na,” tanging sagot niya. Hanggang sa tuluyan na itong makaalis at maiwan siyang nag-iisa sa kuwarto.

Friendship To Lovers (Dr. Kristof Gomez's Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon