CHAPTER 9: Sweet Bee
HINDI rin naman nagtagal ay bumalik si Kristof kasama ang dalawang ate nito. Nakagagaan pa sa pakiramdam dahil parang tuwang-tuwa ang mga ito na makilala siya. Mabuti na lamang at hindi siya ang tipo ng babaeng mahiyain, kaya mabilis niyang naka-close ang dalawang babae, dahil magaan namang kausap ang mga ito’t mga madadaldal din katulad niya. Pft.
Katherine ang pangalan ng panganay na kapatid ni Kristof; at Kristine naman ang pumangalawa. Kapwa na may asawa’t mga anak. Hindi nga lang kasama ng mga ito ngayon, dahil may pasok sa trabaho at sa eskuwela, kaya hindi niya pa nakikilala.
Nag-enjoy talaga siyang kakuwentuhan ang mga ito, lalo na nang dumating na si Nana Esmeralda; napakarami nitong kuwento, lalo na kapag patungkol na kay Kristof noong kabataan nito.
Kaya pikon na pikon nanaman ang mokong. Dahil napapahiya raw siya, pft.
Kahit ang tahimik na si Sigmund ay natatawa sa mga kuwento ni Nana Esmeralda patungkol sa matalik nitong kaibigan.
Siguradong sising-sisi na ‘tong abnormal na katabi niya dahil dinala pa siya rito. Pft. Napakarami niyang nadiskubring kahihiyan nito sa buhay. Papatayin niya talaga ito sa pang-aasar. Buwahahaha!
Ngayon ay umuwi na ang dalawang ate ni Kristof, dahil pauwi na raw ang mga anak ng mga ito galing eskuwela. Aasikasuhin muna raw ng mga ito ang mga bata. Babalik daw ang mga ito mamaya kasama ang kaniya-kaniyang pamilya, para saluhan sila sa hapunan.
At dahil hapon na’t hindi na masyadong masikat ang araw, naisipan ni Kristof na ipasyal siya sa palayan ng mga ito. Pero hindi na sumama pa si Sigmund, dahil gusto na raw nitong magpahinga, kaya silang dalawa lang ngayon ni Kristof ang naglalakad patungo sa dikresiyon ng palayang pag-aari ng mga ito.
Pinagtitinginan sila ng mga tao sa paligid, kaya kunot noo niyang nilingon ang kaibigan.
“Bakit sila ganyan makatingin?” Wala siyang hiya, pero nakaiilang ang mga ito. Pakiramdam niya tuloy artista siya.
“Don’t mind them. Ganyan talaga sila kapag may dayo,” sagot nito. Kaya marahan na lamang siyang tumango at hindi na pinansin pa ang mga tao sa paligid nila. Ngayon lang siguro sila nakakita ng maganda, pft.
Nagpatuloy lang sila sa paglalakad habang nagkukuwento si Kristof ‘tungkol sa probinsiya na ito; specifically, sa baryong ito.
Namamangha naman siya, dahil talagang bihira lang siyang makarating sa mga ganitong klase ng lugar. Madalang lang din naman kasi siyang lumabas ng Hallony, dahil ayaw na ayaw ng kuya niya na nalalayo siya rito. Lalo na’t hanggang ngayon, hindi pa rin nahuhuli ang taong ‘yon. Kailangan nilang mag-ingat parati.
Kaya nga nagtataka siya kung bakit hindi pa siya tinatawagan ng kuya niya hanggang ngayon. Pinagpaalam na ba talaga siya ni Kristof sa kuya niya? Baka bigla ‘yong mag-hysterical kung hindi. Praning pa naman ang kuya niya pagdating sa kaniya. Dumaing lang siya ng kaunti, kung makaakto ito’y akala mo mamamatay na siya. Tch.
Pero bigla’ng nasipa paalis sa isip niya ang kuya niya nang mamataan ang isang pamilyar na bagay.
“Hala,” na-i-usal niya, at saka ito patakbong nilapitan.
“Hoy, Hensin, teka!” Habol sa kaniya ni Kristof.
“Ang galing. Ngayon lang akong nakakita nito sa personal!” manghang bulalas niya nang tuluyang makalapit dito, kasabay ng pagdungaw sa loob nito.
“Kapapanganak mo pa lang ba kahapon? Seryosong ngayon ka lang nakakita niyan?” natatawang tanong sa kaniya ng kasama. Kaya inirapan niya ito.
“Kasasabi lang, ‘di ba? Sa TV ko lang nakikita ‘yong mga ganito ehh,” masungit na sagot niya. “At saka, wala naman kasing ganito sa Hallony!” kapagkuwa’y dagdag niya.
BINABASA MO ANG
Friendship To Lovers (Dr. Kristof Gomez's Story)
Romance[COMPLETED] WARNING: R18 || SPG || Mature Content "Dr. Kristof Gomez's Story" _____ They have been friends for years. Madalas man silang hindi magkasundo, hindi na nila maitatanggi na nagkaroon na rin sila ng special bond. They often riled each othe...