32. Getting Back

141 3 0
                                    

CHAPTER 32: Getting Back

“THIS is your new abode?” Inilibot ni Hensin ang paningin sa kabuuan ng sala. Sobrang liit nito kumpara sa condo na dating tinitirahan ni Zyjill.

Hindi siya makapaniwala sa kinahantungan ngayon ng dating kasintahan. Ang laki sa yaman, maarte, at metikulosong lalake, ngayon ay nakatira na lamang sa maliit na apartment na ‘to. Paniguradong naninibago ito ngayon sa bagong buhay.

“Yeah,” mahinang sagot nito, kasunod ng paghimas sa batok, habang iniikot din ang paningin sa buong sala. “Take a sit,” kapagkuwa’y anito, motioning her to sit on the sofa. Kaya ‘yon nga ang ginawa niya.

“I’ll just make a coffee. Feel at home,” pagkatapos ay saad nito, kaya naman tinanguan niya na lamang ito bilang sagot.

Muli niyang inilibot ang paningin sa sala at pinagmasdam ang mga kagamitan nang tuluyan nang magtungo sa kitchen si Zyjill.

Nang balikan niya sa loob ng ospital kanina si Zyjill, sakto namang nakasalubong niya ito sa pasilyo patungo sa OR, kaya hindi na siya nahirapan pang hanapin ito.

Agad niya itong kinompronta. At dahil nasa ospital sila, gusto ni Zyjill na pag-usapan nila ito sa isang pribadong lugar. Kaya naman si-n-uggest niya na mag-usap sila sa bagong tinitirahan nito, tutal gusto niya namang malaman at makita kung sa’n na ba nakatira ang dating nobyo, ngayong itinakwil at pinalayas na ito ng sarili nitong pamilya.

Kaya ngayon heto siya’t prenteng nakaupo sa sofa ng kaniyang ex-boyfriend, habang umiinom ng isang tasa ng kape.

“You can start explaining now. What the hell did you do? Why you got disowned by your own parents, all of a sudden?” panimula niya, matapos ilapag ang hawak niyang tasa sa center table.

Nagbakasyon lang ako, natakwil na siya nang gano’n kabilis?

May idea naman na siya sa dahilan, pero gusto niya itong marinig mismo sa bibig ni Zyjill.

Napayuko si Zyjill, bago mahinang sumagot. “I told you, they threatened me to disown me if I disobey them.”

“So, hindi mo sinunod ang gusto nila?” Mapakla siyang ngumisi. “I thought pumayag ka nang magpakasal sa babaeng ‘yon? Kaya nga nagawa mo ‘kong lokohin, ‘di ba? Ano pa ba’ng gusto ng parents mo?”

Mabilis itong umiling sa kaniya. “No, Hensin. Napakalaking pagkakamali ko ang maging sunod-sunuran sa kanila. Na-realize ko na kung gaano ako katanga dahil sa paglilihim ko sa ‘yo.” Malamlam ang mga mata itong tumingin sa kaniya. “Believe me, Hens, I never intend to fool you, nor cheat on you. Nagising na ‘ko ngayon sa katangahan ko. Tapos na ang pagpapa-manipula ko sa kanila. I’m now have my own life; malaya na ‘ko, Hensin; puwede ko nang magawa ang lahat ng gusto ko; puwedeng-puwede na kitang pakasalan kung gugustuhin mo, wala nang pipigil sa ‘ting dalawa.” Muli itong nagbaba ng tingin. “Kung bibigyan mo lang uli ako ng chance…”

Napakagat siya sa pang-ibabang labi niya, at saka siya tumingin sa itaas para pigilan ang luha niya. Hindi siya makapaniwala na pinili nitong matakwil ng sariling pamilya para lang sa kaniya.

Sobrang tanga mo nga, Zyjill!

Alam niya kung gaano nito kagusto ang ospital na pag-aari ng pamilya nito. Pero ngayong tinakwil na ito sa pamilya, imposible na nitong makamit ang pangarap nito na pamunuan ang Bustamante Medical Hospital.

Ibinalik niya ang paningin sa lalake na nakayuko pa rin at naghihintay sa sasabihin niya. Tinignan niya ito mula ulo hanggang paa. Wala pa rin namang nagbago rito; malinis pa rin ito at guwapo. Napatingin siya sa suot nito. Pero ang suot nito ngayon ay hindi na kasing-expensive ‘tulad ng madalas nitong isuot na damit.

Friendship To Lovers (Dr. Kristof Gomez's Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon