13. Bitch vs. Bitch

156 6 0
                                    

CHAPTER 13: Bitch vs. Bitch

“Kayong dalawa ah. Sinasabi ko na nga ba’t may something sa inyo eh. Parang kanina lang ay parang diring-diri pa kayo sa isa’t isa. ‘Tapos ngayon usap-usapan na ang pagiging mag-jowa niyo,” nakangising saad ng ate niyang si Kristine nang magkita-kita na sila sa peryahan.

“Tignan mo pa ‘yang mga kamay, oh? Nako, I’m so proud of you, bunso. Binata ka na!” tuwang-tuwa pang segunda ng ate niyang si Katherine, habang nakatingin sa mga kamay nilang dalawa ni Hensin na magkahawak.

Gusto niya sana’ng sabihin na this all just an act, kaso baka may makarinig na iba at mabisto pa ang pagkukunwari nilang dalawa ng kaibigan. Hahayaan niya na lamang isipin ng mga ito na may relasyon talaga sila ni Hensin, tutal, mukhang tuwang-tuwa naman ang mga ito sa kaalamang ‘yon.

Hindi na siya nagulat na mabilis na kumalat ang tungkol sa kanilang dalawa ni Hensin. Sa dami ba naman ng mga matatalas na pandinig sa mga kapit bahay nila, at napakabilis magpakalat ng balita, hindi na talaga nakagugulat pa.

“Surprise? Na-realize ko kasi na wala namang saysay ang pagpapanggap, lalo na’t may umaaligid na higad dito kay Kristof. Kaya naman sinagot ka na siya, para igapos na siya sa ‘kin. Mahirap na po kasi, baka maagaw pa ng isang half linta, half higad,” si Hensin ang sumagot. Pinigilan niya ang sariling matawa.

“Ang hard mo kay Kiray,” naisaad niya na lamang, habang nagpipigil ng tawa.

“What? I’m just stating fact. At saka, pinoprotektahan ko lang ang akin,” anito, dahilan para mapangisi siya. Bakit parang ang sarap sa pakiramdam ng pag-angkin nito sa kaniya? Kahit pa alam naman niyang pagpapanggap lang ang lahat.

“Tama ‘yan, Hensin. Para tigilan na ng Kiray na ‘yon ‘yang si Tope. Pero, masaya ako para sa inyong dalawa. Ano’ng sabi nila Nana? Alam na ba nila?” saad ni Katherine, na sinundan ng pagtatanong.

“Hindi pa namin sinabi sa kanila. Pero feeling ko may alam na ‘yong mga ‘yon; lalo na’t nakita rin nila na magkahawak kami ng kamay ni Hensin. Hindi na lang siguro sila nagtanong kanina,” siya ang sumagot. Hindi nga niya alam kung paano sasabihin sa mga magulang niya. Ayaw niyang magsinungaling sa mga ito, kaya naman balak niya ring sabihin sa mga ito ang totoo.

“Dapat sabihin niyo na ‘yan ke’la Nana. Paniguradong matutuwa ‘yong mga ‘yon, kasi magkakaro’n na ng panibagong manugang.”

Napangiwi siya dahil sa sinabi ni Kristine. “Ate naman. Manugang agad? Wala pa ngang twenty-four hours mula nang maging kami.”

“Bakit? Do’n din naman ang punta n’on. ‘Di ba, Hensin?” sagot naman nito.

“Oo naman po,” nakangiting pagsasakay pa nitong isa. Kaya napailing na lamang siya, lalo na’t nakaloloko pa siyang nginitian nitong si Hensin.

She’s enjoying this. Nginisian niya rin ito. Okay, I’ll make you enjoy this more.

Nagsimula na silang libutin ang perya. Bakas na bakas ang tuwa sa mukha ni Hensin, dahilan para makaramdam din siya ng tuwa. Lalo na nang magsimula na silang maglaro ng mga games at sumakay sa mga rides. Halatang enjoy na enjoy talaga ang kaibigan niya.

Hanggang sa mahiwalay na silang dalawa ni Hensin sa mga ate niya’t mga anak ng mga ito, dahil may kaniya-kaniya na silang gustong puntahan.

“Gusto kong sumakay riyan,” saad ni Hensin habang kumakain ng cotton candy; tinutukoy ang horror train na nasa harapan nila.

“Hindi naman nakatatakot ang mga nasa loob niyan. Pambata lang ‘yan,” sagot niya. Hindi naman lingid sa kaalalaman niya na hindi basta-basta natatakot si Hensin sa mga ganito. Kapag nga nanonood sila ng horror movies, parati itong parang bagot na bagot, kahit na sa part na nakagugulat.

Friendship To Lovers (Dr. Kristof Gomez's Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon